“TEKA LANG, saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Lian nang hilain ko siya pagkatapos mailabas ng mga pulis sina Phoenix at ang mama niya. “May kakausapin lang tayo bago umalis,” sagot ko nang hindi siya nililingon. “Sino?” Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil nakita kong papalayo na ang likod ng taong balak kong kausapin. “Daddy Jaime!” may kalakasan kong sigaw saka binilisan ang paglalakad habang hila-hila ko si Lian. Uulitin ko pa sana ang pagtawag ngunit napansin kong huminto ang matanda at lumingon na rin sa amin. “Ano iyon, iha?” usisa niya nang makalapit kami ni Lian sa kanya. “May sasabihin lang po sana ako,” mahinahon kong sagot bago ako napasulyap kay Lian. “Mauna ka na, friend. Hintayin mo na lang ako sa sasakyan,” utos ko sa kanya. Tumango lang si Lian saka ni

