“KAMUKHA ko ba ang anak ko, Lian?” excited kong tanong nang makarating ako sa kuwarto na iuukopa ko. Nadatnan ko na roon ang buong pamilya ni Lian. Alas-diyes pa lang kagabi sumasakit na ang tiyan ko. Ngunit kaya ko pa naman kaya hindi pa ako nag-aaya sa ospital. Pero kaninang alas-kuwatro ng madaling araw sobrang sakit na kaya sinabi kong dalhin na ako sa ospital. Mahigit isang oras pa akong nag-labor bago ako dinala sa delivery room. Tapos ilang minuto lang ang lumipas lumabas na ang anak ko. Sa sobrang pagod ko, halos antukin na ako sa panghihina nang mailabas ko ang aking baby. Mabuti na lang at pumayag ang doktor na samahan ako ni Lian. Siya ang unang nakakita sa itsura ng anak ko. Duguan pa kasi siya noong ipatong sa katawan ko habang inaalis ang umbilical cord niya. Pagkatap

