Chapter 32 - The Price to Pay

2377 Words

NAGTAPIS lang ng tuwalya si PJ saka niya dinampot ang cellphone na nakapatong sa night stand. Pagkatapos dumiretso na siya sa balcony. Pag-alis ni PJ, agad kong itinaas ang comforter at itinakip sa aking katawan. Napahikab pa ako nang wala sa oras. Inaantok yata ako dahil napagod sa ginawa namin ng asawa ko. Kahihiga ko pa lang nang bumalik si PJ. “I have to go, sweetheart,” anunsiyo niya nang tumayo sa paanan ng kama. “Bakit? Saan ka pupunta? Sino ba iyong tumawag?” Hindi ko mapigilang usisain siya. Napakamot si PJ sa kanyang ulo. “Nakalimutan ko palang may meeting ako mamayang alas-tres. Tumawag iyong sekretarya ko para ipaalala sa akin iyong meeting.” “Ah, okay. Sige, umalis ka na. Alas-dos na pala,” sabi ko nang mapasulyap sa table clock na nasa night stand. Alam kong sinad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD