“IHAHATID ka ni Manong Arthur sa pupuntahan amo at hihintayin ka na rin niya. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako. Nasa phonebook mo ang number ko,” bilin ni PJ. Tumayo na siya pagkatapos niyang punasan ng napkin ang bibig. Saka siya lumapit sa akin at hinagkan ako sa ibabaw ng aking ulo. “Umuwi ka nang maaga, ha? Baka mamaya niyan, mauna pa akong makabalik dito sa bahay,” nakangiting pasaring niya. Napaingos ako. “Sa mall lang naman ako pupunta kaya after lunch makakauwi na ako,” katuwiran ko. “Sinabi mo iyan, ha? Aasahan ko iyan. Aalis na ako. Ingat kayo ni Manong Arthur.” Dinampian niya ako ng halik sa labi bago niya ako iniwan. Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ako sa pag-alis. Eksaktong alas-nueve nang bumaba ako ng hagdan. “Aalis ka na ba, iha?” tanong ni Yaya Ro

