“T-TAPOS, a-anong n-nangyari?” kinakabahang tanong ko. Tumingin muna siya sa akin bago niya ako sinagot. “Kinausap ko si mama kung puwede kaming magkita ng babaeng makaka-blind date ko sana. Pero hindi siya pumayag,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Pero hindi ako nagsalita. “Alam mo ba kung bakit?” “B-bakit?” mahinang tanong ko. “Ang sabi ni mama pakakasalan daw ni Patrick ang babaeng iyon para makuha niya ang posisyon ng CEO sa kompanya ng daddy niya," walang gatol na sagot niya. Napatakip ako ng aking bibig. Bagaman, alam kong iyon naman talaga ang dahilan ng pagpapakasal sa akin ni PJ, masakit pa rin palang pakinggan na isampal sa mukha mo ang katotohanan. Nakatungo na ang ulo ko habang ipinagpatuloy niya ang kanyang kuwento. “Hindi ko na

