Chapter 37 - The Beginning of Truth and Lies

2324 Words

HINDI ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Basta ang alam ko, takot na takot ako noon habang nakahiga sa kama. Kahit nakapikit na ang mga mata ko ay umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang usapang narinig ko sa opisina ni PJ. Sa kaiisip ko siguro, napagod ang utak ko kaya ako nakatulog. Paggising ko mag-isa na lang ako sa kama. Hindi ba natulog sa tabi ko si PJ o Phoenix ba iyon? Shit! Iyon nga ba ang pangalan ng lintik na lalaking iyon? Nang mapatingin ako sa table clock, napansin kong six-thirty na pala ng umaga. Thirty minutes na lang aalis na si PJ para pumasok. Tinatamad akong bumangon pero kailangan ko siyang harapin ngayon o kaya sa mga susunod na araw. Paano ko malalaman ang totoo kung mananahimik lang ako? Magulo na nga ang utak ko kagabi pagkagaling ko kina Lian

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD