NANG gabing iyon nahirapan akong matulog. Panay ang sulyap ko kay PJ na kanina pa natutulog sa tabi ko. Mabuti na lang at hindi niya ako kinulit kanina sa evening ritual niya. Hindi siya humirit ng isang round na halos gabi-gabi naming ginagawa bago matulog. Pagod siguro siya sa trabaho kaya maaga siyang nakatulog. Gusto ko sanang bumangon at lumabas muna sa balcony. Pero nag-aalala akong magising ko siya at usisain niya ako. O hindi kaya humirit siya ng paborito niyang evening ritual. Lagot ako kapag nagkataon. Parang hindi ko yata kayang pagbigyan siya ngayon lalo na’t gulong-gulo ang isip ko dahil sa mga narinig ko kanina kay Luigi at sa mga magulang ni Lian. Kahit nga iyong sinabi sa akin mismo ni Lian ay pinoproseso pa rin ng utak ko. Kailangang makapag-isip akong mabuti sa kung a

