KABANATA 19

1348 Words
"Welcome to my humble abode.." Nakangiting pinagbuksan ng pintuan ni Gibson si Christina na tulalang naka-mata sa paligid niya. Mula sa airport pa lamang paglabas nila ay mistula na itong bata na hindi malaman kung saan unang lilingon. Although modernized na rin naman ang capital sa Jaro, iba pa rin yata talaga ang dating kapag Manila na. Inabot ni Gibson ang hawak na duffle bag ng dalaga at saka niya ito hinatak papasok. Halatang nagulat si Christina sa biglaang paghila sa kanya kaya muntikan pa siyang sumubasob sa katawan ni Gibson. "Iniisip ko na kung ano pa kaya ang magiging reaksyon mo kapag nailibot na kita sa mga pasyalan dito. You are like a child." Aniya sabay pitik sa noo nito. "Grabe kase, parang ang busy-busy dito sa Maynila, tapos ang lalaki ng mga gusali, maingay..sobrang dami ng sasakyan." 'Maingay at madami din namang sasakyan sa sentro diba? " Tukoy niya sa bayan ng Jaro. " Oo nga pero..alam mo yun, basta iba eh. " Napapakamot na sabi ng dalaga. Natatawang tinapik-tapik na lamang ni Gibson ang ulo nito. "I know what you are trying to say. Masasanay ka din sa buhay dito." "Ikaw lang ba mag-isa dito?" "Yeah." "Eh si Ralph?" "Sa Greenhills siya nakatira." Simpleng sagot ni Gibson. Napalingon dito si Christina dahil pakiwari niya ay nag-iba ang mood nito. Parang biglang sumeryoso. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang dahilan at parang iwas na iwas si Gibson pagdating sa pamilya nito. " Ang laki nitong bahay mo hano? Mas malaki pa yata doon sa beach house mo." Pagiiba na lamang niya sa usapin. Ayaw niyang masira ng tuluyan ang mood nito dahil sa katabilan ng dila niya. "You think so? Parang pareho lang. Although wala akong lawn o backyard at pool dito." "Okay lang, hindi naman ako marunong lumangoy." Sukat sa sinabi niya ay natawa ito, gayong hindi naman niya alam kung ano ba sa sinabi niya ang nakakatawa. "But I have a bathtub.." Nakangisi nitong sabi habang titig na titig sa mukha niya. Nagtatakang kumunot ang noo ni Christina. May bathtub daw ito. Alam niyang mahilig itong magbabad sa tubig, katunayan ay personalized pa nga ang tub nito sa beach house. Mas malaki kumpara sa normal lang. "You're so naive." Naiiling, nangingiting muling hinuli ni Gibson ang kamay niya at saka marahang iginiya papaakyat. "Ituro ko nalang sa iyo ang kwarto mo." "May sarili akong kwarto?" Takang tanong niya. "Ofcourse, saan ka sa tingin mo matutulog?" Takang balik tanong naman ni Gibson sa kanya. Gumapang ang init sa buong mukha ni Christina sa hiya. Ano nga ba ang iniisip niya? Ang buong akala niya kase ay sa iisang silid lamang sila. Mukha yatang kumapal masyado mukha niya. At higit sa lahat bakit siya mag-a-assume nang ganoon gayong wala namang linaw ang estado nila. Ang buong akala ni Christina ay tutuksuhin na naman siya nito, pero halos mahulog sa sahig ang puso niya nang sapuhin ng mga palad nito ang mukha niya at kintalan siya ng halik sa labi. "As much as I like the idea of you being on my bed Tin, you won't be sleeping with me..unless you are ready. It's something that I want you to be sure of. I don't want to take advantage of your feelings. Do you understand?" Marahang tumango si Christina sa kawalan ng masasabi. " But I can't promise you that  I'll behave like good dog. "Huh?" Tila nalulunod sa hangin na anas ng dalaga. "What I mean is, a little kiss and touch can do.." He breath while gently touching the skin on her nape. Mabuti na lamang at kaagad dumistansya si Gibson sa dalaga dahil anuman sandali ay bibigay na ang tuhod niya sa iniiwan nitong sensasyon doon. "Magpahinga ka na muna. I'll order us dinner. Kakatukin na lang kita mamaya." Parang robot na nagpatianod na lamang si Christina nang bahagya siyang itulak ni Gibson sa noon ay nakabukas na palang pintuan ng magiging kwarto niya. Oras na mailapat ni Gibson ang pintuan sa silid ng dalaga ay marahas niyang naihilamos ang mga palad sa mukha bago napabuga nang malakas. He stared at the closed door wondering how long will he be able to hold himself or just break his own words again. Isipin pa lamang na walang pagtutol mula sa dalaga kung sakaling iisang silid lamang ang gagamitin nila ay malaking problema na sa kanya. Sure she's naive and innocent when it comes to being intimate. But Christina is different from all the woman he bedded. Her kind shouldn't just exist for pleasure or s*x. She is more than that and he don't want to taint that part of her. She's too good for him. Sa katunayan, ang lahat ng sinabi niya dito ay patama sa kanya. Its him that wanted to be sure of his own desire or perhaps his own feelings because he don't know what to feel anymore. It's like an internal battle that he don't want to win. "Sweet Side?" Ulit ni Christina habang nakasalampak sa sahig. Late morning na nang magising si Gibson, naka-linis at naka-ayos na ng bahay noon ang dalaga. Naabutan siya nitong nakaupo sa sahig at naglalaro ng baraha na nahagilap niya lang habang nagliligpit sa sala. Solitaire. "Yeah. Nakausap ko na si Bianca. Tamang-tama lang dahil nangangailangan sila ng tauhan sa main branch nila." Huminto si Christina sa paglalaro at saka iniligpit ang baraha. Humarap siya sa binata na nanonood lang sa ginagawa niya. "Akala ko, dito pa rin ako sa iyo mata-trabaho? Alanganing tanong niya. Tumuwid nang upo si Gibson at saka kinuha ang barahang hawak niya. " About that..I think it's better na makapag-trabaho ka kung saan may chance na mag-grow ka pa. Unlike here sa bahay.." He tried to explain while shuffling the  cards. "Nahihiya ka ba na ganito lang ako?" Kiming tanong ulit ng dalaga. Kaagad namang umangat ang ulo niya at awang ang labing napatingin dito. The discomfort, and humiliation that she felt are so transparent. "What made you think so? I don't care what kind of job you have. That doesn't make you less of a person I know. Ako ba ang nahihiya dito Christina o ikaw?" Taas ang kilay na tanong niya. "Nanliliit ka ba sa sarili mo? I'm trying to help, so  you won't feel that you are below me. Pero mukhang ganyan na nga talaga ang nararamdaman mo." Nawalan ng kulay ang mukha ni Christina sa mga sinabi ni Gibson sa kanya. Totoo ang sinabi nito, nabuhay lang ang insecurities na iyon na hindi niya alam na mayroon siya nang makita at makilala niya si Bianca. Idagdag pa ang asawa nito na tila ba lagi nang nakamasid sa kanya. "Wala akong problema kung gusto mong dito sa bahay magtrabaho..is it okay with you that everytime my friends or somebody came here i'll introduce you as my maid and my girlfriend at the same time?" "H-hindi..ano?" Gulat na sabi ni Christina. "I'm not repeating it again Tin." He teased. Somehow the heavy atmosphere around them evaporates. "T-teka ang daya naman eh!" Habol niya nang magtangka nang tumayo si Gibson at umalis sa sala. "What?" He asked urging her to continue. "May sinabi ka na girlfriend..Girlfriend mo na ako?" Halos pabulong sa hanging ani Christina. Gustong matawa ni Gibson sa itinatakbo ng usapan nila. It's so out of his character. Para silang mga teenager na noon pa lamang nadidiskubre ang larangan ng paglandi. Atleast for Christina.. " May sinabi ba ako about girlfriend?" Patay malisyang aniya. Nakangusong pinaningkitan siya ng mata nito bilang tugon. Napahalakhak siya at saka ito tinalikuran. Ilang hakbang pa lang ang layo niya ay muli niyang nilingon ang dalaga. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa. " Hey! Get your self ready. We're going out *GIRLFRIEND *. Pinaka-diin pa niya ang girlfriend. Christina immediately bounced out of her seat grinning, when she recovered from what he just said. Hinintay niya itong makalapit. Walang alinlangang ipinulupot nito ang mga braso sa braso niya. "Pwedeng pakiulit?" Parang batang tingala nito sa kanya. "Too bad, mahina pandinig mo.." Natatawa niyang sagot. But he repeated it anyway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD