Connections.
Iyon marahil ang pinalakad ni Gibson para ma-diretso sa kulungan si Delio at ang matandang kasama nito ng hindi na nangangailangan ng prisensya mismo ng dalaga. Nangiti na lamang si Annie habang minamasdan si Christina at si Gibson sa pamimili ng supplies at iba pang groceries para sa nanay ni Christina. Gusto niyang isipin na marahil ay ito na ang lalake para sa inaanak niya. Oras na rin naman para kay Christina ang maging masaya.
Matapos ang pamimili ay dumiretso sila sa Maria's Shelter. Pormal na nagpakilala si Gibson kay Lorna pero hindi malinaw sinabi nitong estado na mayroon sa relasyon na namamagitan sa kanila ng dalaga. Hindi na rin naman nagtangka pa na magtanong sina Lorna at Annie tungkol doon. Nang araw na iyon ay doon sila sa shelter nanatili dahil kinabukasan ay didiretso na sina Gibson sa airport patungo sa Manila, habang nauna naman nang bumalik sila Erick at Joseph.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Maaga tayong aalis bukas."
Sita ni Gibson kay Christina nang makita itong mag-isang nakaupo sa bench sa sulok na bahagi ng hardin. Lumabas siya upang manigarilyo sana, pero bago pa niya masindihan ang stick ng sigarilyo ay napansin na niya ang dalaga doon kaya muli niya iyong ibinalik sa kaha at nilapitan na lamang ito.
"Hindi kase ako makatulog.."
Simpleng sagot naman nito. Naupo siya sa tabi nito at inabot ang kaliwang kamay ng dalaga bago nilaro-laro ang hinliliit doon.
"Iniisip mo pa rin ba ang tatay-tatayan mo? He can't bother you again. I'll make sure of that."
May diin niyang bigkas. Christina almost suffered a trouma from that insident. And because of that, he is also considering of moving her mother to a more modernized facility in Manila.
" Hindi naman iyon, iniisip ko lang..ang dami mo nang nagawa para sa akin. Wala naman akong nagagawa pa para sa iyo. Wala ka naman obligasyon sa akin pero heto ka, sinasalo ako-"
Payak na nangiti si Gibson sa sinabi niya. Bago pa umangat ang kamay niya upang punasan ang luhang walang hirap na bumalong sa kanyang mga mata ay mabilis ng lumapat ang palad nito doon at pumunas sa kanyang pisngi. Kusang pumikit ang mga mata niya upang damhin ang init ng balat nito. Sa ganoong simpleng bagay lamang ay gumagaan na ang pakiramdam ni Christina. Kumakalma ang buong sistema niya.
"You don't have to think and worry of anything Tin. I like everything that I'm doing, especially when it concerns you."
Maang na napatingala si Christina kay Gibson. Hindi siya humiling ng isang gaya nito sa bawat panalangin niya. Hindi siya humiling ng pag-ibig, ng matipunong lalaki na dadarating o kahit daraan man lang sa buhay niya. Ang bawat dasal niya ay laging naka-sentro sa nanay niya. Ang kalusugan nito at ang makalayo sa tatay Delio niya. Pero higit sa sobra ang lahat ng bumuhos sa kanya simula ng mag-trabaho siya kay Gibson. Ito ang naging daan upang masakatuparan ang bawat dasal na iyon. Kung hulog man ito ng langit para sa kanya ay labis-labis na ang pasasalamat niya. Kung darating man ang panahon na matatapos ang lahat, sa tingin niya ay masaya siyang haharap sa panibagong bukas.
Banayad ang halik na dumapo sa labi ni Gibson. Iba sa lahat ng halik at labing dumampi sa kanya. Hindi niya kayang ilarawan o ihambing man lang. Puno ng mensahe ang halik na iyon ni Christina pero hindi naman niya mapangalanan. It's just..meaningful. The most meaningful kind of kiss to the point that it pained his chest. That pleasant kind of pain.
"Mahal kita."
Kagat labing anas ni Christina habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Gibson. Sa kabila nang malamlam na liwanag mula sa kinauupuan nila ay kitang-kita ni Christina ang bawat reaksyon sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Gibson kasabay nang pag-awang ng labi. Ilang beses itong napalunok bago ilang beses din na napa-kurap. Alam niyang malayo ang nararamdaman nito sa pagkagusto sa kanya. Alam niya na ang mga ikinikilos nito ay hindi basehan para masabing may malalim din itong pag-tingin para sa kanya. Ang reaksyon nito ay sapat na dahilan doon.
Pero ayos lang.
Nakakalungkot man na isipin para kay Christina ay hindi niya magawang makaramdam ng kabiguan. Para pa ngang may mabigat na dalahin ang kanyang puso na biglang gumaan. She felt at ease somehow. It's weird, but the pain is kind of sweet. Dahil ba alam niyang mahalaga naman siya para sa binata? Martir lang ba siya? Masyado ba siyang nabulag sa kabaitan nitong ipinapakita sa kanya kaya hindi niya magawang makaramdam ng labis na pagka-bigo sa isiniwalat na damdamin?
Hindi niya alam. Ang mahalaga lang sa kanya ay nakakawala na sa wakas ang damdamin na iyon sa kanyang dibdib. Ang mahalaga ay naroroon pa rin ito, at naroroon pa rin siya. Ang mahalaga ay magkasama pa rin silang dalawa. Sapat na siguro iyon para sa kanya. Kung sakali..bahala na ang bukas kung sakali.
Ngumiti siya kay Gibson na para bang sinasabi niyang *ayos lang, hindi mo kailangang mag-alala*. Hindi niya alam kung nabasa ba nito ang laman ng isip niya, pero malaunan ay gumanti ito ng ngiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito. He looked sad. Undoubtedly sad. Tumaas ang mga kamay niya, sumampay ang mga braso niya sa leeg nito at muli niyang inilapat ang labi niya para sa isa pang halik. Hindi siya naghintay ng ilang sandali pa, dahil buong pusong tinugon iyon ni Gibson. Magaan, maingat, mabagal. Na para bang masusugatan siya anu mang sandali.
Ipinikit niya ang mga mata upang isara ang isip sa anu mang bagay, maliban sa kanilang dalawa. Sa isiping iyon ay muling gumuhit ang luha sa kanyang pisngi na bumasa din sa pisngi ni Gibson. Naramdaman na lamang niya ang mga braso nitong mahigpit na humapit sa kanyang katawan.
"Salamat.."
Sa medyo hirap pang boses ay bigkas ni Lorna kay Gibson. Nakaupo ito sa wheelchair at naroon sila sa bungad ng shelter. Magiliw na yumuko si Gibson at ginawaran ng halik sa noo si Lorna.
"Babalik po kami as soon as possible."
Mangiyak-ngiyak na pumaling ng tingin si Lorna patungo kay Christina na nagpapahid na ng luha ng mga oras na iyon habang minamasdan ang dalawa. Mabilis na nakabuo ng koneksyon ang nanay niya at ang binata sa maiksing panahon. Lumapit si Christina at niyakap ang ina. Hindi man magawang isatinig ng kanyang ina ang lahat ng nais nitong sabihin dahil sa kalagayan nito ay nababasa naman iyon ni Christina nang malinaw sa mukha nito. Alam niyang masaya ang kanyang nanay. At alam niyang nasa mabuti na itong kalagayan.
At iyon ay dahil sa lalaking nasa kanyang tabi. Napalingon siya kay Gibson na nakatingin din pala sa kanya. Sabay silang ngumiti na ikinangiti ni Lorna at Annie.
Panatag na ang isip at puso ni Christina na lisanin pansumandali ang Ilo-ilo. Nang gagapin ni Gibson ang kamay niya papasok sa airport ay gumanti siya ng pisil. Unang beses na mapupunta siya sa Maynila. Kinakabahan siya pero sa kabila niyon ay pagkasabik at tuwa.
Nakakapagtaka na hindi siya o sila naiilang sa isa't-isa matapos ang gabing inamin niya ang damdamin para sa binata. Sa halip, pakiramdam niya ay mas napalapit pa ito sa kanya. Siguro, dahil nagagawa na niyang ipakita ang nararamdaman niya ng walang pag-a-alinlangan? Gaya na lamang nang malayang pagkaka-hawak niya sa kamay nito ng mga sandaling iyon.