Nag-di-dilim na ang paningin ni Delio ng muli niyang maramdaman ang pagtama ng paa ni Gibson sa kanyang tagiliran. Pakiramdam niya ay nabalian na siya ng tadyang doon dahil ilang ulit na nito iyong nasipa. Noong una ay sinubukan niya iyong salagin at gumanti rin ng sipa pero laking gulat niya na imbis na ito ang masaktan ay siya ang mas nakaramdam ng sakit nang tumama doon ang lulod niya.
"How pathetic.."
Tumatawang tuya ni Gibson sa namimilipit sa sakit na si Delio bago niya idiniin ang paa sa leeg nito.
"Hey, that's enough Gibson."
Awat ni Erick sa kaibigan nang makitang sisinghap-singhap na lamang si Delio.
Halos wala na itong malay sa mga natamong pinsala kay Gibson. He didn't stop until he felt the contentment of beating him to pulp.
Huminga muna nang malalim si Gibson bago siya lumayo kay Delio na naghahabol ng hininga at u-ubo ubong tumagilid. Nang mapaling ang tingin niya sa matandang lalake na tulalang nanunood lamang sa kanya ay masama niya itong tiningnan. Mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ito at kinuwelyuhan. Kung maaari lamang ay sasakalin na niya ito hanggang sa lumawit ang dila at tumirik ang mga mata.
"Fuckin' maggot."
He seeth before shoving him out of the way. It took him alot of self restraints to back off and leave the rest to the authorities.
Pagkababa sa lobby ay naroon at naghihintay ang ilan pang pulis na back-up sana kung sakaling makatakas si Delio at ang kasama nito. It's a good thing na sinundan niya si Christina at dumating sa tamang oras ang resulta ng pagpapa-imbestiga niya. That gave him a solid reason to come and get her. Although natawagan niya nang maaga ang shelter at ang doktor doon upang mas paigtingin ang seguridad doon lalo na sa ina ni Christina ay hindi siya nagpakampante.
Sinundan nila si Annie at doon niya mismo nakita si Delio na sapilitang hinablot at ipinasok sa bahay nito. Gustuhin man niya na tulungan ito ng mga oras na iyon ay kinailangan niyang mag-hintay. Kaya nang maka-alis si Delio ay saka naman nila pinasok ang bahay. Naabutan nila si Annie na nakatali sa haligi ng bahay habang binabantayan naman ng isang lasing.
"May mga kuha ng cctv's na solid evidence for kidnapping at kuha dito sa hotel that can be used as an evidence for human trafficking, and the receptionist are willing to be the witness if ever we need them. Plus, there's Christina's ninang's statement. "
Nahinto sa pag-lalakbay ang isip ni Gibson nang marinig si Erick mula sa likuran niya. Sinundan niya ng tingin ang stretcher kung saan nakahiga si Delio at walang malay. Habang naka-posas namang inalalalayan ng mga pulis ang kasama nito pasakay sa police mobile.
"I'm still mad though."
Kunot noong aniya.
"Well you can calm down now."
Tapik naman ni Joseph sa balikat niya.
"Bakit hindi ka na lang muna mauna sa pent house? Me and Erick will go to the police station. Your girl Friday must be terrified until now."
Suhestyon pa niya.
"Christina is not and will never be my girl Friday dumbass."
Swatting Joseph's hand that rested on his shoulder, he didn't even spare them a glance while he makes his way through the exit.
"Why do you keep getting on his nerves?"
Naiiling na tanong ni Erick ng maka-alis na si Gibson.
"Well, I'm just teasing him a bit."
Nangingiting sagot naman ni Joseph. Matamang minasdan ni Erick ang kaibigan bago tumaas ang kilay sa kanya.
"Oh? O baka naman gumaganti ka lang. Bro, kasal na si Bianca sa iyo. Are you still jealous?"
"Shut up!"
Mahinang sinuntok niya ito sa braso na siyang nagpatawa kay Erick.
"From the looks of it, mukhang malalim ang concern ni Gibson doon kay Christina. He even got annoyed of you when you called that girl, as his girl Friday. Usually he'll mock you in return. "
Muling pagsasalita ni Erick nang makasakay na sila sa sasakyan patungo sa police station.
"I wonder about it. After all, Gibson is always like that."
"You think so? Parang ibang sitwasyon naman na ngayon.."
Katwiran ni Erick.
"Let's just see where it ends.."
Simpleng sagot naman ni Joseph bilang pagtatapos na sa usapan nilang iyon.
Pag-dating sa pent house na inakupa nilang magkakaibigan ay dumiretso si Gibson sa mini bar doon. Mabilis siyang nagsalin ng alak sa baso, bago pa man niya iyon madala sa labi ay narinig na niya ang yabag patungo sa direksyon niya. Ang ninang Annie ni Christina.
"Kamusta siya?"
Tanong niya.
"Kailangan lang daw ng pahinga. Pinainom din siya ng pampakalma kaya nakatulog siya kaagad."
"That's good to hear.."
"Maraming salamat talaga sa lahat ng naitulong mo, gayong kulang ang salitang salamat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling napariwara ang buhay ni Christina at nasunod ang gusto ni Delio."
Umiiyak na hayag ni Annie.
Alam niya kung ano at sino si Annie sa buhay ni Christina. And even though she's a GRO she always put Christina's welfare first. She earned his respect.
"Hindi mo kailangang magpasalamat. Bukod sa, iyon ang tamang gawin, Christina is important to me. I've grown fond of her.."
Nakangiting sagot niya dito.
"Uhm..ano ulit? Pasensya ka na medyo mahina kase ako sa ingles,"
Nahihiya, natatawang, napapakamot sa ulo na sabi ni Annie. Napatawa nalang din si Gibson at saka tumayo.
"Sabi ko, huwag kang mag-alala. Mula ngayon, maayos na ang magiging kalagayan niya. Sisilipin ko lang siya sandali. "
Paalam niya dito at saka nagtungo sa silid kung saan naroroon si Christina.
Pagka-bukas sa pintuan ay kaagad bumungad sa kanya ang dalaga na natatakpan ng makapal na kumot mula paa hanggang dibdib. Ngayon na malapit na malapit siya dito at malaya niyang natititigan ang itsura nito ay doon niya napansin ang pasa sa pisngi nito at sa ibaba ng panga. She don't have that peaceful look, instead the wary and fear are still visible on her face.
*You must have gone through alot.. *
"Maybe your vulnerability is one of the reason why I'm easily drown to you..maybe somehow we're the same."
Usal niya habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok ng dalaga.
Mula sa report na naipasa sa kanya ay doon nabigyan ng sagot ang mga tanong niya. Kahit na nangako siyang maghihintay na si Christina mismo ang mag-kwento sa kanya ng buhay nito ay hindi na niya iyon nagawa.
Kinaumagahan ay muling pinuntahan ni Gibson si Christina sa kanyang silid. Naabutan niyang pinapakain ito ni Annie ng almusal. Nang makita siya nito ay kaagad itong nagpaalam na lalabas na muna upang mabigyan sila ng privacy.
"How do you feel?"
Maingat niyang tanong nang makaupo siya sa bedside.
Ngumiti si Christina pero hindi niyon nagawang papanatagin ang kalooban niya. Sa halip na hintayin ang sagot nito sa tanong niya ay inabot niya ang kutsara at tinidor. Akma na niya itong susubuan pero nanatili sa magkasalikop nitong kamay ang mga mata nito.
"Incase you are wondering, I followed you here Christina."
Muling inilapag ni Gibson ang kobyertos. Binuhat ang tray ng pagkain at ipinatong sa side table bago muling humarap sa dalaga.
"Hindi kita masisisi kung sakaling magagalit ka sa akin..but I should tell you something. Bukod sa nag-hire ako ng private investigator para alamin ang..buhay mo or rather I say, alamin ang estado ng buhay mo at ng mga taong malalapit sa iyo, I also connect your GPS location to my phone,and thank God I did-"
Nahinto sa pagpapaliwanag si Gibson nang humagulgol na ng iyak si Christina. Maang siyang napatingin dito. Sapo ng mga palad ang mukha ay yumuyugyog ang mga balikat nito sa labis na pag-iyak. Nang abutin niya ito upang yakapin ay mabilis na tinawid ni Christina ang espasyo sa pagitan nila upang mag-pakulong sa mga bisig niya.
"Hush now, it's okay. I'm here."
He mumbled on top of her head while her face was buried on his chest.