KABANATA 16

1359 Words
Ang bawat segundo ay mistulang napakabagal. Nakatayo siya sa nakapinid na pintuan ng isang hotel suit pero hindi maramdaman ni Christina ang mga paa niya. Naroroon siya pero hindi niya maramdaman ang sariling presensya. Nananakit na ang lalamunan niya sa bawat pag-ahon ng hinagpis sa kanyang dibdib. Hanggang doon na lamang ba talaga siya? Iyon na lang ba talaga ang tanging kapalaran para sa isang kagaya niya? Alam niya na ang isang mahirap na gaya niya ay hindi dapat mapili pero kailanman ay hinding hindi niya pipiliin ang kumunoy na putik. Pero bakit narito siya at nakatayo katabi ng kanyang tatay Delio? Bakit wala siyang magawa? "Ah, Delio. Ang buong akala ko ay isa na naman ito sa mga palusot mo.." Tigagal na napatingala si Christina sa lalaking nagbukas ng pintuan. Matanda na ito, kung hindi siya nagkakamali ay naglalaro na sa sisenta ang edad pero maayos ang pananamit. Halatang mamahalin ang suot mula damit, sapatos at alahas. Nang pumaling ang ulo nito at bahagya siyang yukuin upang pakatitigan ay sinubukang umurong ni Christina subalit tumukod kaagad ang palad ni Delio sa kanyang likod upang mapanatili siya sa kanyang kinatatayuan. Sa mga mata pa lamang nito na humagod sa kabuuan ng katawan niya ay ibayong kilabot at pagkasuka na ang nararamdaman niya. Iniisip pa lamang niya ang kamay nito sa kanyang balat ay naiiyak na siya. Makahulugan ang titig nitong iniwan sa kanya bago niluwagan ang pintuan upang makapasok sila. Kulang na lamang ay ipako ni Christina ang sariling paa huwag lamang maalis mula sa pag-kakatayo. Sa kanyang paningin, gaano man kaganda ang silid na iyon ay isa lamang iyong hawla para sa kanya. Hindi sapat ang karangyaan kung ang kapalit ay ang pagkatao niya. "Kilos na Christina!" Naiinip na tulak ni Delio sa dalaga. Iilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Christina nang sambilatin ng matandang lalake ang kanyang braso. Sa pwersa niyon ay bumangga ang katawan niya dito. Sa halip na masaktan ay ngumisi pa ito at ipinulupot ang isang kamay sa kurba ng kanyang bewang. "Teka! Teka muna!" Awat ni Delio sa matanda na halatang hindi nagustuhan ang abala. Napuno ng pag-asa si Christina na baka nagbago ang isip ng kanyang ama-amahan at babawiin na ang lahat ng sinabi nito. "Iyong napag-usapan natin. Nandito pa ako sinunggaban mo na kaagad. Iyong kabuuan ng pera ko, madali ka na at nang mairaos mo na iyang pundilyo mo." Matalim na tiningnan ng matanda si Delio bago binitiwan ang braso ni Christina at pumasok sa isa sa mga kwarto doon. Paglabas nito ay may hawak na itong sobre. Nakangising pinag-kiskis ni Delio ang mga palad bago iyon inilahad na animo isang batang nasasabik sa isang regalo. "Here." Padarag na inilagay nito ang sobre ng pera sa mga palad ni Delio at saka ito ipinagtulakan palabas. Tumatawa namang kumaway-kaway pa si Delio habang nakatalikod. Tulala lang na pinapanood ni Christina ang nangyayari sa paligid niya. Mariin niyang naikuyom ang kamay hanggang sa tila babaon na ang mga kuko niya sa kanyang balat. *Gibson*. Sa isip ay paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito. Pero kahit na yata isigaw niya iyon ay hindi nito maririnig ang palahaw niya. Pikit mata na lamang niyang lulunukin ang kapalaran niya. Gustuhin man niyang takasan ang kinasusuungan niya, paano ang mahal niya sa buhay? Paano sila sa kamay ni Delio? Gusto niyang iligtas ang sarili, ang maging makasarili kahit minsan lang sa buhay niya. Pero sapat ba iyon kung ang kapalit ay ang buhay ng malalapit sa kanya? *Hindi ko kaya.. *Sa nanlalabo niyang mata ay kagat labing napaluhod si Christina sa kawalan ng pag-asa. !! BLAG!!!  Tigagal na napalingon si Christina sa pinag-mulan ng ingay na iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita si Delio at ang kasama nito na nakahandusay sa sahig. Mayroong dalawang lalake ang nakatayo sa bungad ng pintuan. Nakilala niya ang isa doon. "You look awful." Salubong ang kilay na sabi ni Joseph bago muling tiningnan si Delio na noon ay naka-upo na. Namumula ang mukha nito sa galit lalo na nang makita ang sobre ng pera nitong naka-kalat na. "Putang! Sino ba kayo?!" Nanggagalaiting sigaw ni Delio. "Are they authorities?" Tanong naman ng matandang lalake na nakasalampak pa rin sa sahig. "I'm not sure about that." Nagkakamot sa ulong sagot ni Erick. "Anong kalokohan ito Delio? Ang sabi mo ay malinis na ang lahat? Who the hell are they?" Galit na baling ng matanda nang makatayo na ito. "Kung alam ko sa tingin mo ba ay kakalat dito sa sahig mo ang pera ko! Hindi ko sila kilala at hindi ko alam ang kailangan nila." "Well in that case, siya lang naman ang kailangan namin." Turo ni Joseph kay Christina. "But of course, kailangan ninyo din na managot sa batas." "Anong batas ang sinasabi mo diyan! Anak ko si Christina! Nasa edad na siya para gawin ang gusto niya." Katwiran naman ni Delio. Sa pagka-kataon na iyon ay pumasok na si Gibson na nakatayo lamang sa hallway. Mula sa likuran niya ay kasunod ang isang receptionist at tatlo pang pulis. Kumurap-kurap si Christina upang siguruhing hindi siya pinaglalaruan lang ng kanyang imahinasyon dala ng kawalan ng pag-asa. Pero kahit ilang ulit niyang ipikit at idilat ang mga mata ay nananatili doon si Gibson. Naningkit ang mga mata nito habang inuuri ng tingin si Delio at ang kasama nito. "Christina.." Sambit ni Gibson sa pangalan ni Christina. "Gusto mo ba talaga na narito ka?" Malumanay na tanong niya sa dalaga subalit ang paningin ay hindi nawawalay kay Delio. "May..may relasyon si Christina sa kanya." Turo ni Delio sa matanda na nanlaki ang mata matapos mabaling doon ang atensyon ng lahat. "Tinulungan ko lang naman ang anak ko na magkasama sila. Nakaplano naman na ang pagsasama nila hindi ba Christina? Hindi ba?" Pilit na tinatakpan ng pagkahinahon at pangungumbinsi at pagbabanta na ngumiti si Delio kay Christina. "Is it true?" Muling tanong ni Gibson. Sinubukang umiling ng dalaga, pero alam ni Delio na pagtatakpan siya nito. May hawak pa siya kay Christina, alam niyang hindi ito tatalikod sa nais niya. "G-Gibson..kase," "Nakita mo na.." Tumatawang ani Delio, subalit hindi pa man niya nakukuhang tapusin ang nais sabihin ay pinatahimik na siya ng kamao ni Gibson sa mismong bibig nito. Sa lakas niyon ay ilang ulit na napaurong si Delio sapo ang kanyang bibig. "Let her talk bastard! And you old fart, you better find the best attorney that you can get." Baling niya sa matandang tigagal na nasundan na lamang ng tingin si Delio. Sahod nito sa palad ang dugo mula sa bibig nito at nasisiguro niyang nabawasan na ang ngipin nito doon. Tumalikod si Gibson kay Delio  upang lapitan si Christina. Nang tangkang sundan siya nito ay mabilis na humarang si Erick at Joseph. " Talk Christina, I'm all ears. Who brought you here, or rather..why did he brought you here. " Tanong niya nang makalapit na siya sa dalaga. Sinubukan nitong magsalita pero sa huli ay umiling na lang. "Hindi ba't sinabi mo na may tiwala ka sakin? Don't you trust me that much?" Christina helplessly shook her head, he knew that there's still something that kept her from telling him what exactly happened, although he didn't need to take a wild guess as to what is going on. He just need to hear it from her. And so in between her sobs, she finally said the truth. *Hawak niya si ninang..* "Don't worry, it's all right now Tin..let me handle things from here. " He reassuringly smiled at her before he ask for assistance. Lumapit ang isa sa mga pulis upang alalayan ang dalaga at mailabas sa hotel suit na iyon. Nag-aalangan mang sumama si Christina sa pulis na umalalay dito tinanguan na lang niya ito. " Anak ko iyon! " Dinig niyang sabi ni Delio nang magsara na ang pintuan. He grinned as he watch him desperately searching for an escape. "Really? And I'm Batman?" He dryly respond. His playful demeanor slowly vanished as he strides closer to him. If they arrived late, Christina will be sold like a piece of meat from a sexually starving dirty old man. And that makes his blood boil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD