KABANATA 15

1298 Words
Maiangat na hinawakan ni Christina ang kamay ng kanyang ina. Iniiwasang magising ito mula sa pamamahinga. Nagkasundo sila ni Delio na darating siya sa lugar na nais nito sa hapon. Inisip na niyang huwag pumunta, o huwag itong siputin at manatili na lamang sa shelter. Pero hawak nito ang ninang Annie niya at hindi rin siya nakakasiguro kung ligtas si aling Concha. Mga taong malaki ang malasakit at nagawang tulong sa kanilang mag-ina. Hindi niya gustong alin man sa dalawang malapit sa buhay niya ay mapahamak. Sinubukan niyang contact-in so Gibson pero ilang araw nang pero operator ang sumasagot sa bawat tawag niya. Hindi rin ito nagre-reply sa bawat mensahe niya kaya lalong bumibigat ang naiipong pangamba sa dibdib niya. Gusto niyang isipin na marahil ay abala lamang ito sa trabaho nito sa resort at gayun din sa nalalapit na paglipat nito sa Maynila. Sa sitwasyon niya ngayon ay natitiyak niyang malabo nang muli silang magkita pa, kaya kahit ang boses man lamang nito ay malaking bagay na sa kanya. "Pasensya na nay..pero kailangan kong umalis. Pipilitin kong bumalik kapag may pagka-kataon." Mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang hinahalikan ang noo ni Lorna. Nang araw din na iyon, sa pag-kagat ng dilim at nasiguro ni Christina na maayos nang namamahinga ang nanay niya ay nagpasya na siyang umalis. Naglalakad na siya noon sa pasilyo patungo sa main exit nang masulubong ang doktor na siyang tumitingin kay Lorna at sa iba pang pasyente doon. "Ah, Christina.." Nakangiting bati nito nang matapat sa kanya. "Magandang gabi po doc." "Oras na nang curfew para sa mga bantay.." Sita nito habang nakatingin sa suot na relo na parang pinatototohanan iyon. "Oh, uhm..may pupuntahan lang po ako doc." "Hindi mo na ba iyon maipagpapabukas?" "Uhm, p-pupuntahan ko lang po si ninang Annie doc. Bukas na lang po ako babalik." Iwas tinging sagot niya dito. Ilang sandali din siyang minasdan nito bago ngumiti at tumango. "Kung gayon ay mag-iingat ka. Tiyak na hahanapin ka bukas ni Lorna." Pagkasabi niyon ay kaagad na tumango si Christina at saka walang lingon likod na lumabas na sa gusali. Pumara siya ng trycicle at nagpa hatid sa highway upang sumakay sa jeep. Pagkababa pa lamang ni Christina sa jeep ay may kamay nang kaagad ay mahigpit na humawak sa kanyang siko. Gulat na napalingon ang dalaga upang lalo lamang gapangan ng pagkabigla at takot nang ang sumulubong sa kanyang paningin ay ang ama-amahan. Nakangisi si Delio na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ilang buwan ka palang nawawala ay kaylaki na ng ipinagbago mo Christina. Lalo kang gumanda..nagkalaman at kuminis.. " Papuri nito sa kanya subalit alinman sa sinabi nito ay hindi magawang makaramdam ng katuwaan ang dalaga, bagkus ay tila nais bumaliktad ng kanyang sikmura lalo na tila lalo itong naging ibang tao sa kanyang paningin. " Nasaan si ninang? " Tanong niya na pilit pinatungan ng tapang ang nangingilag na niyang kalooban. Kung magpapakita siya ng kahit na kaunting takot dito ay natitiyak niyang sasamtalahin ni Delio iyon upang hawakan siyang lalo sa leeg. "Ah, lalo ka ding naging rebelde sa akin. Nasaan na ang Christina na nauupo lamang sa isang sulok? Pero hindi bale, hindi naman ako dismayado sa naging pagbabago mo." Tumatangong sabi nito at saka siya hinila palayo. Ilang ulit man niyang subukan na bawiin ang braso mula sa tila bakal na mga kamay nito ay bigo siya. Kahit na alam nitong nasasaktan siya ay para pa itong nasisiyahan dahil doon. " Nasaan si ninang Annie! Anong ginawa mo sa kanya!" Singhal ni Christina. Sa biglaang paghinto ni Delio at paghatak nito sa kanya ay halos maluhod siya sa kalsada. Kahit na may ilang nakakakita ay dinaklot nito ang buhok ni Christina. Lumarawan ang sakit sa mukha niya ng humigpit ang kapit nito doon. " Mahimbing na natutulog ang ninang mo sa bahay. Ngayon, kung nais mong magising pa sa mahimbing na pagtulog ang pakialamerang babae na iyon ay sumunod ka sa gusto ko at tiyak na magkakasundo tayo. Wala na rin akong pakialam kung gustong manatili ng lumpo mong nanay sa shelter na iyon. Kapalit ng lahat nang iyon ay ikaw Christina. " " Napaka walang hiya mo Delio! Minahal ka ng nanay pero puro sarili mo lang na kaligayahan ang nais mo! " " Blah! Blah! Blah! Magpuputak ka man ngayon ay walang magbabago. Huwag na rin tayong maglokohan pa dahil ang nanay mo ay isa rin namang manggagamit. Alam ko naman na kaya siya nakisama sa akin ay upang may maipalamon siya sa iyo at may bubong kayong masisilungan, ako? Hindi ko naman ikakaila na ginamit ko lang din ang nanay mo, may utusan ka na, may mainit pang katawan na nakahanda sa akin sa pagsapit ng gabi. Kaya amanos lang kami. " Balewalang sabi nito. Nanlamig si Christina sa lahat ng naririnig niya. Pakiramdam niya ay bumaba lahat ang dugo niya sa katawan patungo sa kanyang tapampakan. Lalo na sa huling sinabi nito. " Ikaw lang naman ang hinintay ko para magkaroon naman ako ng tubo sa lahat ng taon na nasayang ko sa inyong mag-ina. Malaking pera ang maipapasok mo sa aking bulsa Christina. Kaya nga oras na para pakinabangan ko naman ang paghihirap ko hindi ba? Tumatawang tinapik-tapik nito ang pisngi niya, sa kabiglaan ng dalaga ay hindi na niya nagawang magsalita pa. Naumid ang dila niya kasabay nang pamamanhid ng katawan niya. Nang may humintong asul na sasakyan sa harapan nila ay kaagad na hinila ni Delio si Christina at pabalabag na pinasakay sa likod at saka mabilis na humarurot palayo. Huminto ang sasakyan sa isang hotel sa kabayanan. Habang minamasdan ang gusali ay doon lamang tuluyang pinasok ng katotohanan ang isip ni Christina. Sa oras na maipasok siya ni Delio sa loob ay katapusan na ng kinabukasan niya. Sa isang iglap ay mawawala ang lahat ng mayroon siya, kabilang na ang pagkatao niya. Literal na ibebenta siya ni Delio. "Huwag kang gumawa ng eksena dito Christina, kapag binigyan mo ako ng sakit ng ulo at problema ay isang tawag ko lamang at mamaalam ka na sa ninang Annie mo, gayon din sa nanay mo. Naintindihan mo?" Duro nito sa sintido niya. Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang tumango. Pigil na pigil ang luha sa kanyang mga mata nang ilabas siya nito sa sasakyan at ipasok sa lobby ng hotel. Kinausap ni Delio ang receptionist at pagkatapos ay nag-abot ng tila isang calling card. "Ano pa ang itina-tayo mo diyan Christina? Kilos na." Sita nito sa dalaga. Nang hindi kumilos si Christina ay malalaki ang hakbang na lumapit si Delio. Nagbabanta ang tingin nito. Habang akay ni Delio ay lumingon si Christina sa receptionist. Nagmamakaawa siyang humingi ng tulong sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Sana ay makuha ng mga ito ang nais niyang ipahatid. Sana ay mabatid ng mga ito na sukal sa loob niya ang mga nangyayari. "Ayusin mo ang sarili mo. At tigilan mo na ang kaka-nguyngoy mo diyan." Nauubusan na ng pasensya na sabi ni Delio habang sakay sila ng elevator. "T-tay D-delio..magtatrabaho ako ng mabuti..kahit lahat ng sahod ko ibibigay ko sa iyo..pakiusap Tay.." Nagmamakaawang ani Christina. "Sa tingin mo ba ay may magagawa ang kakarampot mong sweldo? Makukuba ka na at lahat pero hindi iyon magiging sapat sa kailangan ko. Huwag ka na ring umasa na madadaan mo ako sa pagpapaawa at makukuha mo ang simpatya ko dahil lang sa tinawag mo akong tatay. Dahil kung anak ang turing ko sa iyo, ni hindi ako mag-iisip na hubaran ka ngayon din mismo at alamin sa sarili ko kung mas masarap ka ba kaysa nanay mo. " Puno nang pagnanasang pinasadahan siya nito ng tingin. Mabuti na lamang at bumukas na ang elevator dahil parang mawawalan ng ulirat si Christina ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD