"Nakausap mo na ba ang kapatid mo Ralph?"
Mula plato ng pagkain ay natuon ang atensyon ni Ralph sa nagsalita. Nakaupo si Benedict sa dulong bahagi ng grand table. Animo isang hari, nakatukod ang mga siko sa mesa, magkasalikop ang mga kamay at nakapatong ang baba doon habang matamang nakatingin sa kanya. Pabuntong hiningang idinampi niya ang table napkin sa labi bago muling nagtaas ng mukha.
"No Dad."
His father squinted his eyes making the his wrinkles more deeper that shows his age. Nakakalbo na ang tuktok ng ulo nito at higit na mas visible ang puti sa itim nitong buhok. Matipuno pa rin itong tingnan kahit na nakukulubot na ang balat. Benedict still has the air of supremacy and arrogance despite of his age.
"Why are you still interested with that vile son of yours Ben?"
Sabay na napalingon ang mag-ama kay Harlene. Ang madrasta niya. Ikalawang asawa ito ni Benedict nang yumao ang ina nila ni Gibson na si Geneva.
"You said it yourself Harlene. Gibson is my son."
Balewalang sagot naman nito na ikinatikwas ng kilay nang huli. Harlene doesn't like Gibson. Not an inch of interest and care. Hindi lang talaga alam ni Ralph kung ano ang nakita ng kanyang ama sa babae kaya nito pinakasalan.
"I've lost my appetite."
Walang anu-ano ay sabi naman ni Carlton. Lumikha ng ingay ang pag-urong nito sa upuan. Naiiling na muling ibinalik ni Ralph ang pansin sa kinakaing almusal. Pero halos manginig ang laman niya nang magpatuloy sa pagsasalita ang madrasta.
"See what happened? You knew na wala namang kapupuntahang maganda kung makikipag-ugnayan ka pa sa anak mong iyon Ben. He is just going to ruin your name even-"
"Shut up!"
Ralph glared at her with an outmost, controlled anger.
"I won't let you talk s**t about my brother in front of me. Not anymore!"
"Why you! That's my mother you are talking to asshole!"
Susugod na sana si Carlton kay Ralph nang dumagundong sa buong dining area ang boses na iyon ni Benedict.
"Enough!"
Humahangos ang pag-hinga nito sa galit at halos mapatid na ang ugat sa leeg.
"Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito."
Nanlilisik ang mga matang itinikom na lamang ni Harlene ang labi. Habang nagmartsa naman palabas si Carlton bago iniwanan ng nagbabantang tingin si Ralph .
"Excuse me, I'm done."
Pabalabag na inilapag ni Ralph ang table napkin subalit bago pa siya makatayo ay muling nagsalita ang ama.
"Bring the boy here Ralph. I'm not asking you. I'm ordering you."
Pinaka-masdan muna ni Ralph ang ama. Hindi ito kumurap man lang o nagpakita ng kahit anong senyales na gusto nitong makita ang kapatid dahil sa anak nito iyon. It's not because of that. Naiiling na lang sa sarili ang binata. Ofcourse. It's Benedict, and Benedict doesn't spell as a father.
"No promises Dad."
Tanging sagot niya bago tumalikod na. He should never take the invitation of having breakfast with them in the first place.
"Christina, halika muna."
Nagtatakang nilingon ni Christina si Bianca. May dala itong isang tray na naglalaman ng dalawang slice ng cake at juice. Atubili niyang iniwan ang pagsasalansan ng mga libro sa shelf at saka lumapit dito.
"Mag-meryenda muna tayo."
Nakangiting paanyaya ni Bianca sa dalaga.
"Pero baka magalit sila sa akin ma'am."
Tukoy niya sa mga kasamahan sa trabaho. Lumingon-lingon siya sa paligid. Wala naman masyadong costumer dahil dead hour.
"Okay lang iyan sagot kita. Tsaka hindi naman tayo busy ngayon. Isa pa ilang beses ko nang sinabi na huwag mo na akong tawaging ma'am, feeling ko teacher ako. Hindi rin naman tayo nagkakalayo ng edad. "
Alanganin man ay sumunod na lang dito si Christina.
Bitbit ang tray ng meryenda ay pinili ni Bianca na sa sulok sila pumuwesto. Nang mailapag niya iyon ay nakangiting sinenyasan niya si Christina na maupo na. Pakiramdam niya ay ilang na ilang ito sa kanya kaya gumagawa siya ng paraan upang mapalapit dito. Kaya nang hingin ni Gibson ang pabor niya na ipasok si Christina sa shop ay walang pagdadalawang isip na um-oo siya. Ilang araw na rin ito sa shop at natututo na sa mga gawain doon.
"Pasensya ka na nga pala sa asawa ko ah."
Umpisa ni Bianca.
"Ganoon lang talaga iyon pero oras na makilala mo pa siya, hindi naman siya ganoon ka-bwisit."
Natatawang sabi niya dito. Nangiti si Christina dahil doon. Minsan na rin niyang nakita si Joseph sa shop at gaya ng dati ay para itong allergic sa presensya niya, o hindi naman kaya ay para bang may gagawin siyang kakaiba sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung sadyang hindi lang talaga siya nito gusto para sa kaibigan.
"Hindi man sabihin ni Joseph, alam ko na nag-aalala lang siya para kay Gibson."
"Bakit naman? Wala naman akong balak na masama kay Gibson.."
Kunot noong aniya. Nagtaka pa siya nang lumamlam ang mukha nito at malungkot na ngumiti.
"Para kasing, pino-protektahan ni Joseph si Gibson. Siguro, dahil pakiramdam niya ay obligasyon niya iyon? O parang balik kabayaran sa ginawa ni Gibson para sa amin."
"Ginawa?"
Ulit niya. Napukaw ni Bianca ang kuryosidad niya. Sa paraan ng pagkukwento nito ay hindi maikakaila na concern nga ang mag-asawa sa kaibigan. Pero mas malalim pa doon at iyon ang gusto niyang malaman.
"Sabihin na lang natin na, natatakot lang si Joseph na maulit o mapahamak ulit si Gibson."
"Kaya ba parang galit siya sa akin noong nasa Ilo-ilo siya para tulungan ako?"
Pangungumpirma niya dito.
"No, I mean, he's just worried at that time. Although pinagsabihan ko na siya na huwag manghihimasok sa hindi naman niya buhay. May tiwala ako kay Gibson at alam ko na masaya siya ngayon sa iyo. He deserve to be happy after all this time. Kaya sana..anuman ang malaman mo tungkol sa kanya, huwag kang bibitaw. He needs someone like you Christina. "
Ginagap ni Bianca ang kamay niya at marahang pinisil. Lalo siyang nalito sa sinabi nito.
" Stay by his side..please?"
Nagulat man dahil sa pakiusap nito sa kanya ay hindi iyon ipinahalata ng dalaga.
" Hanggat kailangan naman niya ako sa tabi niya ay hindi ako aalis."
"I'm glad. Alam kong mahal mo siya, minsan kase iyon lang ang pwede nating panghawakan para manatili sa tabi ng mahal natin kahit parang malabo pa kung ano ang nararamdaman nila para sa atin."
"Ganoon ka din ba kay Joseph?"
Takang tanong niya kaya nagulat pa siya nang matawa ito at ikinubli ang mukha sa mga palad upang marahil ay takpan ang pamumula nito at hiya sa kanya.
"Oh, that's a long story Christina."
Sabi nito na hindi naalis ang ngiti sa labi.
"But it's worth it."
Nang mga oras na iyon ay napagtanto ng dalaga kung bakit may lihim na pagtingin dito si Gibson, at hindi na siya nagtataka doon dahil kahit siya ay tila piraso ng bakal sa isang magnet na nahahatak sa personalidad nito. Alam kaya nito ang tungkol doon? Pero sa tingin niya ay hindi. Mapait siyang napangiti sa sarili dahil kahit hindi niya gusto ay nakakaramdam siya ng inggit at selos gayung hindi naman dapat. Kasal na ito sa lalaking mahal nito. Wala ng dahilan para manibugho pa siya.
Matapos ang shift ni Christina sa shop ay nagprisinta na si Bianca na ihatid siya sa bahay ni Gibson para hindi na siya nito sunduin. Masayang kausap at kasama si Bianca kung kaya hindi niya namalayan ang durasyon ng biyahe. Nagulat na lang siya nang ihinto na nito ang sasakyan at sabihing naroroon na sila. Hindi na bumaba pa si Bianca nang yayain niya ito sa loob kaya matapos magpasalamat dito ay umalis na rin ito kaagad.
Dahil wala pa namang hawak na sariling susi si Christina ay nag-doorbell na siya. Nagtaka pa siya dahil walang nagbubukas ng gate. Tatawagan na sana niya si Gibson sa cellphone nang mapansin naman niya ang pagbukas ng front door. Parang nawalan ng buto ang braso niya at halos kumawala sa kamay niya ang hawak kung hindi niya lang iyon kaagad naagapan.
"Hi, you must be Christina. Naliligo pa kase si Gibson kaya ako na ang nagbukas. I'm Olivia."
Pakilala nito nang mabuksan ang gate at makaharap kay Christina nang tuluyan.