KABANATA 21

1246 Words
Olivia. Tandang-tanda pa ni Christina ang pangalan nito. Ito ang tumatawag sa cellphone ni Gibson noong may sakit ito. Pangalan pa lang maganda na, pero higit pa pala sa pisikal na itsura. Para itong modela na nabuhay mula sa isang magazine. Maganda, matangkad, maputi, makinis, sexy at halatang galing sa isang buena familia. Hakab na hakab ang kurba ng katawan sa suot nitong bodycon dress, idagdag pa ang dibdib nitong parang pwet ng bata. Insecure na nga siya kay Bianca may Olivia pa, pakiramdam niya durog na durog ang self confidence niya. "So you two are living together?" Kaswal na tanong ni Olivia. Nakaupo ito sa single seater sofa paharap kay Gibson. Kahit sa simpleng pag-kakaupo lang nito ay sosyal na sosyal, maging ang pagkaka-hawak nito sa baso ng whiskey na panaka-naka nitong sinisimsim ay animo siya nanunood ng isang commercial sa TV. "No, yeah.." Napapakamot sa ulong sagot ni Gibson. "I mean, yeah we're living together but not the way that you think." Dagdag nito. "That's surprising.." Sumandal si Olivia sa backrest at saka inilipat ang tingin kay Christina. Sa pagkakaalam niya ay hindi nagpapatuloy ang binata ng babae sa bahay nito, much more living on the same roof. Well she knew two women that spent a day or two on his place, but the girl in front of her..? She licked her lower lip as a thought crossed her mind. "Anyway, I won't take long. Binisita lang talaga kita when I accidentally bumped  Erick few days ago and told me you're finally  back. Let's go out sometimes..with Christina ofcourse." Sabi nito sabay tingin sa dalaga na napatuwid nang upo katabi ni Gibson. " That would be nice. Thanks for dropping by." Tumayo si  Gibson at Christina upang ihatid sa pintuan si Olivia. Hindi nakaligtas sa mata ni Christina ang pag pisil ni Olivia sa balikat ni Gibson nang huminto sila sa bungad ng pintuan. Ngumiti ito nang mapang-akit at saka tumango sa gawi niya. Nang maka-alis na ang bisita ay walang salitang tumalikod na si Christina. Dumiretso siya sa kusina upang maghanap nang pwedeng iluto para sa hapunan. Hindi siya manhid para hindi mapansin ang lantarang pang-aakit ni Olivia kay Gibson kahit pa naroon siya. Hindi siya manhid para hindi makita na may gusto ito sa binata. "Need some help?" Tanong ni Gibson nang makita niya si Christina na nagpe-prepara ng lulutuin. Tumaas ang kilay niya sa pagtataka nang tapunan lang siya nito ng tingin at saka muling ibinaling ang atensyon sa hinihiwang gulay. Lumapit siya dito at mula sa likuran nito ay itinukod niya ang mga kamay sa pagitan ng bewang at braso nito. "Anong iniisip mo?" Tanong niya bago agawin dito ang kutsilyo. Ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo nito habang ipinagpapatuloy ang pag-da-dice sa gulay. "Naging girlfriend mo ba siya Gibson?" Sa mahinang boses ay tanong ng dalaga. Kinailangan pa niyang humugot ng lakas ng loob para maisatinig ang tanong na iyon. Hindi naman siguro masama kung magtatanong siya ng tungkol sa nakaraang mga relasyon nito hindi ba? " What made you think so? " " Maganda siya.." Kagat labing sabi niya. "So are you.." Balewalang sabi nito, nangingiti. "May gusto siya sa iyo..kitang-kita sa kilos niya." May diing aniya, naglapat ang labi ni Christina sa inis nang maramdaman ang impit at pigil na tawa ni Gibson mula sa kanyang likuran. "You're just jealous." Hindi umimik si Christina dahil sa pagragasa ng hiya sa katawan niya. Masama ba iyon? Pinaharap siya nito nanunukso ang ngiting nakaguhit sa labi, habang hindi naman makatingin ng diretso dito ang dalaga. "Olivia is just a friend of mine. Nakilala ko siya more than two years ago. Maybe you're right that she like me, but the question is..do I like her? Tameme si Christina. " She's one hell of a beautiful woman  yeah.." Anas ni Gibson habang marahang pinipisil-pisil ang batok niya. Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga nang mas dumikit ang katawan nito sa kanya. "But she's not you." Pagtatapos nito. Buong akala niya ay hahalikan siya ni Gibson dahil titig na titig ito sa labi niya, pero sa pagkadismaya niya ay ngumiti lang sa kanya ang binata at saka siya muling iniharap sa kanina ay hinihiwa niya. "Now, let's make dinner. I'm starving." Sabi nito sabay layo sa kanya patungo sa rice cooker. Takang nasundan na lang niya nang tingin ang binata. Nakagawian na ni Christina na bumangon ng maaga upang makapaglinis at maka-luto muna ng almusal bago sila pumasok sa trabaho ni Gibson. Habang ang binata naman ay naaabutan niyang nag-wo-workout gamit ang monkey bars sa workout room nito. Hinahatid siya nito sa shop at pagkatapos ay susunduin o hindi naman kaya ay magpapadala ng taxi doon upang makauwi siya kapag hindi ito available. Pero iba ang araw na iyon. Nakapambahay lang si Gibson na halatang hinihintay lang siyang makatapos ng almusal upang ihatid sa trabaho. "Wala kang trabaho ngayon?" Hindi na nakatiis pa ay tinanong na niya. Speaking of trabaho, hindi niya naitatanong kung ano ang trabaho nito sa Maynila bukod sa part owner ito sa beach resort sa Palawan. Mula sa pagkakatutok sa laptop na nasa ibabaw ng mesa habang nagkakape ito ay nag-angat ito ng ulo sa kanya bago umiling at saka muling itinuon ang atensyon sa kung anumang ginagawa nito. "Nope, I have somewhere to go after I dropped you off to work." "Okay.." Gusto sanang itanong ni Christina kung saan, pero ayaw naman niyang magmukhang usyusera. Matapos niyang mag-agahan ay muli siyang pumanhik sa kanyang silid upang maghanda na sa pagpasok sa trabaho. Nang muli siyang bumaba ay naroon pa rin si Gibson sa mesa. May kausap na ito sa cellphone nito, pero hindi niya masyadong naiintidihan ang usapan dahil bukod sa Ingles ay ang bilis nito masyado magsalita. Mula sa kinatatayuan ay pinagmasdang mabuti ni Christina si Gibson. Parang may mali, o paranoid lang siya? Seryoso itong nakikipag-usap, panaka-nakang magsasalubong ang kilay at manliliit ang mata, pagkatapos ay bubuntong hininga nanag malalim. Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya kaya lumingon ito sa gawi niya. Pansin niya ang gulat nito kaya patay malisya siya. Kunwari ay kadarating lang niya doon kaya ngumiti siya na ginantihan naman nito. Walang pasubaling pinatay nito ang cellphone, baka nga hindi na nagpaalam sa kausap. "Let's go?" Tanong nito kaya tumango siya. Tahimik si Gibson habang nagmamaneho na parang may iniisip kaya hindi na nagsalita pa ang dalaga. Nang huminto sila sa tapat ng shop ay kinalas nito ang seat belt niya at inabot  ang handle ng pintuan sa gawi niya upang pagbuksan siya hindi gaya ng dati na buma-baba ito para ipagbukas siya. "I'll be home late Christina. Don't wait for me. Lock the door, I have my key." Sabi nito na halos ika-nganga ng dalaga. Nang bumaba siya sa sasakyan ay wala man lang *bye o hindi naman kaya ay, see you later Tin* na lagi nitong sinasabi matapos siyang halikan sa noo. Naiwan siyang mabigat ang pakiramdam dahil doon, baka naman nagiging o.a lang siya masyado? Gayunpaman ay itinuon nalang niya ang buong atensyon sa trabaho. Mabuti na lamang at naroroon si Bianca na nakikipag-kwentuhan sa kanya o hindi naman kaya ay si Lorraine na tila walking tabloid sa dami ng chismis na dala kaya nalilibang pa rin siya. Hindi gaya ng sinabi ni Gibson na late na itong makakauwi, ay hindi ito umuwi ng gabing iyon. Magdamag siyang naghintay pero tumilaok na ang manok sa cellphone niya ay wala pa rin ni anino ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD