KABANATA 22

1308 Words
"Gibson?"  Gulat na bulalas ni Ralph nang bumungad sa harap niya ang kapatid. Kasalukuyan siyang nasa clinic at namamahinga muna bago umuwi matapos ang magdamag na duty niya sa ospital. "Goodmorning Ralph." Gibson rolled his eyes from his brothers reaction. "What a surprise. I didn't expect you to visit me here. Mabuti at hindi pa ako nakakaalis." Diretsong pumasok sa loob ng clinic si Gibson at saka pahinamad na naupo sa receiving chair. Nagtungo naman si Ralph sa coffee maker at nagsalin ng dalawang tasa ng kape. "Bakit dito ka dumiretso at hindi sa bahay mo?" Inilapag ni Ralph ang tasa ng kape sa harap ni Gibson. Sapo nito ang sintido at mukhang wala pang tulog. Truth be told, nagulat talaga siya sa pagdating nito. Mabibilang niya sa daliri sa kamay ang naging pagdalaw nito sa kanya na madalas ay nauuwi sa pagtatalo. "I don't know either." Kibit balikat na sagot nito. His eyes softened as he watched his brother raked his fingers on his wavy hair that covers almost half of his face. "Whats bothering you? You can tell me anything. If it's about dad, I'm not pressuring you, heck I might suggest that it's best if you won't show up to his invitation." "Tsk, the last time we've talk, you wanted me to see that old man." Sarkastiko nitong sagot sa kapatid. "I'm informing you Gibson, not asking you at that time. That's two different thing." Pagtatama niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang muling lumalim ang pagitan sa kanilang dalawa. He made a huge mistake before and he won't do it again. "You look stressed." "I went to the institution yesterday." Nahinto sa tangkang paghigop ng kape si Ralph. Minasdan niya ang kapatid na nakatitig sa kape nito. As if reminiscing the events that happened. His hands hold the cup tighter. "Wala ka ng dahilan para magpunta pa doon." May diin niyang sabi. "Yeah? Then I'm saying the same thing to you Ralph. You have no business there. Why are you visiting that institution? Olivia told me, you've been there twice this month." May akusasyong aniya sa kapatid. Mukhang inaasahan na ni Ralph na malalaman niya iyon kaya hindi nito iyon itinanggi. "So, Dr. Martin opened her mouth?" He said with a dry humor. Sumandal siya sa backrest ng upuan at saka muling humigop sa kape bago dumiretso ng tingin sa kapatid. "I have business there unfortunately." Mula sa file cabinet na katabi lang nito ay inabot niya ang nasa pinaka-ibabaw na folder. Inabot niya iyon kay Gibson upang mabistahan. Pinanood niya itong basahin ang nilalaman niyon. Gibson's brows knitted together as he scanned the files. It was the report of medications and therapy result for Chelsea. "I received a request from her resent neurologist and therapist. Somehow after the incident she's not getting any progress. Weird right?" Nangunot lalo ang noo ni Gibson dahil doon. Personal niyang nakita si Chelsea sa silid nito at kahit hindi siya doktor, he can tell by just looking and observing that the girl is not getting well. Perhaps para pa nga itong lumalala. "So I'm asking you Gibson, focus on your self. I know that you are too kind and soft inside of that iron shell of yours. Pero hanggang hindi mo tinatanggap sa sarili mo na wala kang obligasyon sa kanya at sa nangyayari sa kanya, you'll be stock with her. And you'll never make a step forward too. " " I..cant just leave her Ralph. " Nahihirapang amin niya. May pinagsamahan din naman sila ni Chelsea. And the fact that he knew her side story doesn't help to cast himself away from her. Chelsea is morethan just an unstable girl. Kaya kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa mga kaibigan niya hindi niya pa rin magawang balewalain ito sa buhay niya. Maybe Ralph is right. He felt that he have an obligation for her. "I know, that's why I'm here Gibson." Nagtatakang tiningnan niya ang kapatid. Nakangiting inabot nito ang balikat niya at marahang pinisil. "I'm still your brother. I know when something is wrong with you. And I know that you're stubborn as hell. I'll see what I can do with that girl. Give your self a break Gibson." Hindi makapag-salita si Gibson sa gulat. He just stared at Ralph with that surprised look on his face. " And one more thing. If you wanted to visit that girl, make sure that I'm there." "Why?" Takang tanong niya. "Lets just say, I don't want you to be in any danger again. Tama nang nawalan ka ng isang binti." "Like she can hurt me.." He snorted. But the way Ralph look at him with that serious yet smiling face he knew something was off at that place. "Are you sure you'll come?" Paniniguro ni Ralph sa kapatid matapos ang pag-uusap nila. Tinutukoy nito ang imbitasyon ng ama nila para sa isang hapunan sa darating na lingo. "I'll just give it a try. Kapag hindi ko nagustuhan ang karakas ng mga taong iyon hindi ako magdadalawang isip na umalis. f**k with manners and shit." Kibit balikat na sagot niya na ikinangisi ni Ralph habang nakasunod sa likuran niya upang ihatid siya palabas sa clinic nito. " That's what I thought so. Anyway I'll see on Sunday then. " " Yeah, oh uhm Ralph. " Lingon ni Gibson sa kapatid nang nasa bungad na siya ng pinto. "Thanks." Aniya pero nagulat pa siya nang guluhin nito ang buhok niya pagkatapos ay yakapin siya. His body stiffened from that sudden action but eventually warmed his heart. He smiled. He got a brother. Ralph. *Yeah and Carlton *. Nabura ang ngiting iyon ng maisip ang isa pa niyang kapatid. That annoying brat. "Kadiri ka." Aniya nang pawalan siya ni Ralph. Tumawa lang ito sabay suntok ng mahina sa dibdib niya. "Brothers can hug each other too you know." "Whatever. I'm leaving now." Paalam niya dito sabay talikod. "Don't forget to bring Christina with you." Habol pa nito. Hindi na siya sumagot. Speaking of Christina. Tiningnan niya ang suot na relo. Past 9:00 am na. Siguradong nasa shop na ito nila Bianca. ** "Kanina mo pa sinisipat ang cellphone mo. Tawagan mo na." Umiling si Christina sa suhestyon ni Bianca habang matamang nakamasid ang asawa nito kaya hindi na naman siya mapakali. "Tatawag naman siya kung may oras siya." Labas sa ilong na katwiran niya. "Then stop fidgeting around." "Stop being so damn rude Joseph." May pagbabantang sabi naman ni Bianca sa asawa. "I'm not being rude." Taas ang kamay na sagot nito. Sa totoo lang sanay na yata si Christina sa ipinapakitang ugali sa kanya ni Joseph. May rason ito kung bakit malamig ang trato nito sa kanya at iniintidi niya iyon. Mas malala pa nga ang pagtratong nararanasan niya dati sa club at sa tatay Delio niya kaya anu na lang ba na magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa asawa ni Bianca? "You won't be sleeping with me tonight Joseph. I swear that attitude of yours is getting on my nerves. Kaibigan ko si Christina! So atleast be civil and set aside that suspicious thoughts. She's not Chelsea!" Napipika nang ani Bianca. "I'm not saying that she is!" "Then you are showing it! Don't you dare deny it. Its okay to be worried with your friend, we all are. But you're being unfair! Get over it already!" Gulat na pinanood lang ni Christina ang dalawa. Mabuti nalang at naroroon sila sa office kaya walang ibang nakakarinig. Bianca looked so upset and mad. Walang salitang lumabas ito at pabalabag na isinara ang pinto. Nagkatinginan pa sila ni Joseph matapos niyon. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya pero mukhang tinamaan ito sa sinabi ni Bianca. Napasabunot ito sa buhok at saka lumabas din para sundan marahil ang asawa nito. Naiwan si Christina na lalong nagulo ang isip. *Sino si Chelsea?*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD