Prologue
Si Naomi Sebastian ay nagtatrabaho sa Galaxies bar bilang isang bartender. Magaling siyang maghalo ng mga alak kaya siya ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang amo na si Sabrina Fuentez na may-ari ng pinagtatrabahuan niyang bar.
Si Naomi ay isang ulilang anak dahil iniwan ito ng Mama niya noong bata pa siya kaya ang Papa na niya ang nag-aalaga sa kaniya. Pero namatay ang Papa niya noong nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Kolehiyo.
Noong nagtatrabaho sya sa Galaxies ay may nakita siyang lalaki na guwapo na parang problemado kaya nag-usap sila at nagkakilala sila sa isa't-isa. Pero hindi niya alam na isa pala itong Famous Bachelors sa isang magazine kaya pinagdadagsaan ito ng mga babae noong nagkita sila ni Rain Villafuerte.
Pero noong nalaman ni Naomi ang balak ni Rain sa kaniya ay hindi niya muna ito tinanggap dahil ang alam niya kaya naman itong lutasan ni Rain ang sarili nitong problema dahil mayaman ito at wala naman siyang magagawa sa problema ni Rain.
Nagmakaawa ito sa kanya na tanggapin ang deal nila at babayaran niya ito ng Dalawang Milyong Piso na magpanggap na bilang girlfriend ni Rain Villafuerte sa harap ng mga pamilya nito.
Kaya noong una ay ayaw niya pero noong sa huli ay tinggap niya rin ang proposal ni Rain Villafuerte sa kaniya.
Ano kaya ang gagawin ni Naomi Sebastian kapag nakilala na niya ng lubusan si Rain Villafuerte. Magkakadevelop ba ang relasyon nila o hahantong ito sa hiwalayan dahil sa pagpanggap nila sa buong angkan nito?