Rain's POV:
Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa umagang ito. Napasarap ang inuman namin kagabi dahil natalo kami sa isang car racing sa Batangas. Kaya napainom kaming tatlo ng Kaibigan ko at hindi rin namin inaasahan na sasali din pala ang nanalo sa car racing sa inuman namin kaya naman ay doon na bumaha ang napakaraming alak.
Kaya nagising ako ng hinihilot ko ang sentido ko ngayon.
Napatawa ako subalit agad ding sumakit ang sentido ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ganito din ang kinaabutan ng aking nakainumam kagabi. Mabuti na lang ay nakapaka-reliable ng aking Driver/alalay kong si Gec.
"Gec" tawag ko sa kanya. Pakidalhan naman ako ng aspi—" biglang bumukas ang pinto ng silid ko. Pero sa halip na alalay ko ang pumasok ay ang nakangiti kong Lola Erin ang sumungaw doon. Sa edad na sixty-eight years old, ay masigla pa ring kumilos ito at matalas parin ang pag-iisip.
"Magandang umaga, Mahal kong apo." at may tray na pagkain itong dala. Nilapag naman ni lola ang pagkain sa Side table. Naupo naman ito sa gilid ng aking kama at ginawaran ako ng halik sa pisngi.
"Kumain kana muna ng almusal bago ka uminom ng gamot mo para sa hang over." nakangiti nitong sabi sa akin.
"Lola, napadalaw ka po?" inayos ko ang pagkasandal ko sa headboard ng kama ko.
"Atsaka dapat si Gec na lang ang pinahatid nyo ng almusal ko."
"Okay lang iyon Apo at hinayaan ko na lang si Gec na magpakalunod sa kanyang Cellphone doon sa garahe. Masyadong busy sa pagtetext kaya hindi ko na inisturbo. Atsaka namimiss ko na rin ang aking pinakapaboritong apo kaya hayaan mo na lang ako." sabi nito at dinampot ni Lola ang soup bowl.
"Humigop ka muna nitong mainit na sabaw. Sinabi sa akin ng alalay mo ay bagsak ka daw kagabi dahil sa kalasingan." hindi na ako nagreklamo ng si lola na mismo ang nagsubo ng soup sa akin at sasama lang ang loob ng lola ko pagtumanggi pa ako.
"Si Gec talaga, sesantehin ko na nga kaya siya? Napaisip pa naman ako na bibigyan ko siya ng mataas na sweldo dahil naiuwi niya ako rito kagabi."
"Ayon pa kay Gec ay nawalan ka na daw ng gana sa babaeng nakakandong sayo dahil sa kalasingan mo. You're just like your father and your grandfather, Rain Villafuerte. Ang lakas uminom pero hindi kayang dalhin."
"Lola naman nagkayayaan lang po kami ng colleagues ko, Besides minsan lang naman iyon."
Sa totoo lang ay spoiled ako sa lola ko pero lumaki ako ng may respeto sa ibang tao.
"Minsan lang pala kayo magkayayaan ng mga colleagues mo eh..bat minsan ka lang pumupunta sa mansion?" agad naman akong tinamaan ng konsensya sa sinabi ng lola ko.
"I'm so sorry La, masyado lang akong naging busy sa Negosyo. Alam niyo naman ngayon kung gaano kalakas ang kompetesyon sa Food business."
"Pero sa pagkakaalam ko ay walang kompanyang nakalagpas o nakapantay sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Villafuerte Food Corporation? Kaya nga nabalita ka sa Magazine. Kaya nga isa ka sa mga lalaking nasama sa The Bachelors."
"The Bachelors?" kunot-noo kong tanong sa lola ko. "Ano yun?"
Isang magazine ang kinuha nito sa bag at ipinakita iyon sa akin. Pagkabukas ko ng magazine ay nakita ko ang larawan ko naka-Feature doon.
It said a lot of things about my business assets and my current status.
"I can't argue with this article." i said.
"Pero La hindi naman ako ganito kayaman para tawaging bilyonaryo"
"You are already a billionaire my handsome grandson bukod sa Food Corporation ikaw rin ang tanging nakapagmana ng ekta-ektaryang lupain namin ng Lolo mo mapapasaiyo ang Hacienda Erin na ipapangalan mo sa iyong asawa kapag nagkapamilya kana."
"Kaya pala hindi matrace ni Daddy kung kanino talaga nagmula ang Hacienda na iyon." natatawang sabi ko.
"Your Dad was just curious dahil langing ikinukwento ng Mommy mo ang tungkol doon. Alam mo naman ang dad mo lahat ng kaweirduhan sa mundo gustong malaman."
"Tell me my beautiful Lola, kaya ka ba napasugod dito dahil kukulitin mo naman akong mag-asawa na?" ,
"Of course not." mariing tanggi ng lola ko pero sa kaloob-looban ko ay totoo iyon.
"Gusto lang kitang kamustahin okay." tumingin naman ako sa mga mata nya ng bigla nyang sabihin na....
"Okay, I'm lying, ngayon pwede mo bang i-consider ang pag-aasawa sa isa sa mga mabubuting dalaga sa ating bayan? I know a lot of young women there who are from a good families—"
"Lola..."
"Alam mo bang ngayong umaga ay ilan na sa mga amigas ko sa San Carlos ang tumawag sa akin at nagtatanong kung kailan ka daw babalik sa Hacienda natin at ng maimbitahan ka naman daw sa kanya-kanya nilang tahanan?"
"Let me guess La, may isa silang dalagang apo na gustong ipakilala sa akin, hindi po ba?."
"Ano naman ang masama roon? Binata ka naman at dalaga naman sila. Masunurin, Edukada, Mababait at higit sa lahat, natitiyak kong mas maganda na makilala mo sila kaysa sa mga babaeng taga-Maynila."
"La sa totoo lang hindi pa talaga ako handang mag asawa. Masyado pa akong busy sa business ko. Besides, hindi pa ako sawa sa pagiging binata."
"I wanna asked you Rain, When will you getting married? If you walked like an old person? You're not getting any younger Apo."
"La I'm only twenty-nine years old." at itinaas ko ang dinala niyang magazine kanina.
"Kaya nga ako napasama dito so that means ang bata ko pa para mag-asawa."
"Ewan ko sayo, basta I wanna tell you this, I'll throw a party to you next Sunday."
"Why? Gagastos lang kayo niyan."
"Kailan pa tayo namroblema sa pera Rain? Besides, gusto kong ipagmalaki sa lahat na nakasama ka sa The Bachelors. I know everybody is curious about you, especially you, cause you are my only grandchild." kaya napabuntong-hinga na lang ako.
"By the way, wag mo munang isipin yung tungkol sa party." wika ni Lola Erin.
"Sa the next Sunday pa naman iyon and I want you to clear your all schedule for the party." seryosong sabi ni lola sa akin.
"Lola naman."
"You don't want? You want me to resent you?" oh no, she's using that tone again.
"Okay, ipagpalit mo kami sa Negosyo mo Rain, akala mo sasamahan ka nyan sa pagtanda mo?" I know kapag ganito na magdrama ang lola ko ay kailangan ko ng magsurrender.
"Okay, I'll be there. But don't expect me to become a prince charming and pick out a Cinderella in that party."
"I don't expect you to do that Rain but I'm expecting you to behave like a true gentleman to all young women who will approach you." tumango naman ako ng biglang tumunog ang Cellphone ko.
"Opps someone is calling you I hope that is a girl. "Okay bye, I need to go now hijo. See you on the next Sunday okay? Don't forget." at lumabas na ang lola ko sa kwarto.
Kinuha ko naman ang phone ko sa side table at sinagot ang tawag.
"Pare si Lucas ito."
"Oh, napatawag ka?"
"Actually, I've been calling up the other guys but they are not answering my call, I know all of them are knocked out too and You are the only one person who's answering my phone call right now."
"Dumating kasi yung lola ko, bat ka pala napatawag?"
"Yeah. Have you seen the issue of Starstream the other day?" tanong nito sa akin.
"Yeah, I saw it cause my grandma give me the magazine this morning. And I saw that I'm featured there." wika ko naman.
"Yeah me too, and you know what else I found out? Karamihan sa mga lasenggong kasama natin kagabi sa inuman ay na-feature din sa magazine."
"Yeah, I didn't know na maglalabas sila ng ganitong article." wika ko.
"Pasensya na pare, hindi ko alam na ayon pala ang tinutukoy nilang article ng hingin nila ang approval ko. I was probably arguing with Nikki that time kaya hindi ko napansin ng husto."
And I know that Lucas Monteverde was the owner of Starstream.
"By the way who's Nikki?"
"Isang writer ng Starstream." kung hindi ako nagkakamali ay si Nikki Garcia ang tinutukoy nito na isang writer sa news article.
"Okay lang yun pare. Free promotion na din naman iyon para sa kompanya ko kaya walang problema sa akin."
"That's what I thought too, Baka maging iba ang reaksyon ni Ace at Caleb. That's why I've been trying to contact them para sabihan sila sa issue ngayon."
Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin cause those two were a bit on the grouchy side when someone meddling their personal lives. Kapag nagkataon nga ay damay si Lucas sa galit ng dalawang iyon dahil sakop ng business empire nila ang Starstream.
"I can't wait to see their reaction." natatawa kong wika.
"Siyanga pala Lucas. Ipu-pursue mo pa ba ang sinabi mo sa akin kagabi na kukuha ka ng Franchise sa company ko."
"Yap. Hindi pa naman ako lango kagabi sa alak no'ng nakipag-deal ako sayo. By the way I have a lunch meeting today, I will talk you about our deal later. Bye."
Pagkatapos ng tawag ay inihagis ko naman ang Cellphone ko sa kama at tinawag si Gec.
"Gec kapag may napansing kang Babae na nagniningning ang mga bata paalisin mo agad, wag na wag mo papalapitin sa akin." utos ko.
"Yes, Sir Bossing."
"At gusto kong ligawan mo na rin."
"Eh?.. napakamot naman ng ulo si Gec dahil sa sinabi ko.
"Sir Bossing may nililigawan na po ako. Si Marie, yung katulong nila Mrs. Kim diyan sa kabilang kanto."
"Ayaw mo ba sa mga babaeng class." tanong ko naman sa kanya.
"Sir Bossing sa inyo po sila nababagay, low class lang naman po ang tipo ko. Hindi sila maarte at hindi rin sila masyadong demanding." okay din naman itong alalay ko may pademanding pangnalalaman pero may point naman sya doon.
Sa dami ba naman ng nakilala nito na naging Girlfriends ko ay alam na nito ang ugali ng mga Babae na nasa upper class. Hindi ko rin naman sya masisisi kung ayawan nya ang mga iyon.
"Sige, ibalik mo na itong tray sa kusina. Kapag may tumawag o naghanap sa akin ay Sabihin mong ayokong magpaistorbo."
"Paano kung si Dora o Spongebob?" panloloko nito sa akin.
"Kahit siya pa ang presidente ng Pilipinas. Basta Sabihin mo, tulog ako. Maliwanag?"
"Yes Sir Bossing." at lumabas na ito sa silid ko.
.
.
.
Naomi's POV
"Ang lalim ng buntong-hinga mo, ah." agad nitong sabi at nginitian ko lang sya. Palagi ko syang nakikita dito sa Galaxies kapag weekends. Nagkikipag-usap naman sya sa akin pero hindi kami nagpapalitan ng pangalan.
"Medyo pagod lang." sagot ko.
"Alam mo naman kapag ganitong araw ng sabado, ang utak ng mga tao ay nasa pagpapahinga. "Samantalang ako, heto nasa trabaho parin." wika ko ulit.
"Pareho rin naman tayo. Isa pa ngang b****y Mary." panghingi nito sa akin.
Muli ko namang sinalinan ng alak ang baso nya at tinungga nya ito.
"Problemado ka din ba?" umiling naman ito.
"Hindi. Wala lang akong magawa kaya uminom lang ako. No work, no date ano pa nga ba ang mabuting gawin kundi magpakasaya kapiling ang paborito kong inumin." nakangiti nitong sabi sa akin.
"Your right." wika ko naman.
"Ako nga pala si Nikki Garcia."
"Naomi Sebastian." inilahad ko naman ang kamay ko sa kanya at nakipagkamayan naman ito sa akin.
"Bartender"
"Yeah I know you. Diba may isa ka pang kasama na Babae dito na nagbabartending din?" tumango naman ako.
"Ahh.. si Ms. Sabrina iyon, amo ko. Tumutulong lang iyon kapag marami kaming costumer dito sa Galaxies. Wala siya ngayon dito dahil naghahanap ng solusyon kung paano magpalakas ng income itong bar. Medyo marami-rami na rin kasing kakompetensya itong bar at yong restaurant namin."
"Oo nga. Pero tingin ko ay the best parin ang drinks dito at ang service. Malaki lang kasi ang Lugar ninyo kaya siguro hindi pansinin na maraming costumers ang pumupunta dito."
"Sinabi ko na rin iyan sa amo ko pero masyado kasing mapride iyon. Ayaw tanggapin na mataas ang inflation rate ngayon ng bansa kaya medyo bawas ngayon ang mga tao sa gastos."
"Paranoid lang ang amo mo." wika nito sa akin.
"Siguro nga." wika ko rin.
"Hey as a Loyal costumer of Galaxies, sabihin mo sa amo mo na huwag syang mag-alala. Kakausapin ko ang senior chief editor ko na e-feature din ang Galaxies sa lifestyle section ng magazine namin."
"Saang magazine ka nagtatrabaho?" tanong ko naman.
"Sa Starstream writer ako doon."
"Talaga?" Isa sa mga respetadong business magazine ang Starstream at nakikita ko rin minsan na binabasa ng mga katrabaho ko yung mga nakasulat doon.
"Teka, sa magazine din iyon na-feature ang tungkol sa pinagkakaguluhan ngayon ng mga kababaihan?"
"Ang tungkol sa The Bachelors? Yup. Have you read it?" tanong nito sa akin at umiling naman ako.
"Hindi pa. Wala kasi akong time para basahin iyon dahil magdamag ang trabaho ko. Naririnig ko lang iyon sa mga kasamahan ko tungkol dyan sa The Bachelors."
"Nagcause talaga ng commotion yung issue na yun sa Starstream. Alam mo bang hindi namin ene-expect na mabebenta iyon ng ganong kadali."
"Sa mga ganyang topic naman talaga makukuha ang atensyon ng mga tao lalong-lalo na sa mga kababaihan." kaya napangiti sa akin si Nikki.
"I must admit na ang gagwapo naman talaga nila. In fact, nakita ko na rin ang isa sa kanila dahil si Lucas Monteverde ang big boss ko, sya ang may-ari ng Starstream Media."
"Buhay pa kaya ang mga yun?" tanong ko naman sa kanya.
"Of course, dahil sa kanila nakasalalay ang trabaho namin."
"Oh?"
"I need to go now." inubos muna nito ang inorder nya at naglapag ng 300 piso bill sa counter.
"Wish me luck, dahil kapag pumayag ang boss ko ay mas malaki pa ang ibibigay kong tip sayo." umalis na ito sa sarap ko at naiilang naman ako na sundan ng tingin si Nikki paalis ng Bar.
Maliit lang ito na Babae pero kung sa titingnan ay masigla ito sa buhay nya. Pero parang gusto ko rin maiinggit sa kanya.
"One Scotch on the rock please." napabalik lang ako sa ulirat ng may nagsalita sa harap ko.
Ginawa ko naman ang bagong order at ibinigay iyon sa lalaki. Atsaka binalikan ko ang pagpupunas ng baso. Minsan naiisip ko rin na mangibang bansa na lang para matakasan ang kalungkutan at pangungulila sa magulang. Naging ulila ako sa magulang dahil namatay sila sa noong pagkatapos ko ng Kolehiyo.
"One more round miss." kinuha ko naman ang baso sa costumer at nilagyan muli ang baso nya.
Pero wala pang ilang minuto ay tinawag ulit ako nito at napatingin sa lalaking nakaupo sa harap ko.
"One more, please." sabi nito at nakita ko ang Mukha ng lalaking nagpapakalunod ngayon sa alak. This man was so Handsome, dahil sa pagkakakita ko pa lang ngayon ay matangos ang ilong nito, firm lips, thick eyelashes and his dark fine hair. He also had broad shoulders and nicest pair of arms. Nakapatong kasi ang braso nito sa counter na tila malalim ang iniisip.
"My scotch Please." he reminded me again.
"Oh? I'm so sorry." paghingi ko ng paumanhin
Binigay ko na rin sa kanya ang order nya at ininom nya ito. Ngunit nakuha ulit ang atensyon ko ng may tumabing Tatlong babae doon sa lalaki.
"Rain naman, Bakit bigla kang umaalis sa party." wika ng isang babae.
"Oo nga, mabuti na lang at nasundan ka namin agad." sagot naman ng isa.
"Come on honey, Let's go back. Mas masaya doon at mas maganda pa ang ambiance kisa rito." wika ng isa. Nangaling tinaasan ko ng kilay yung Babae na nagsabi non. Pagnarinig ito ni Sabrina siguro akong kalbo tong Babae na to pagkalabas ng Galaxies.
"Girls please." pagpapakiusap ng pobreng lalaki sa Tatlong babae na pilit na inaalis kamay nito sa braso nya.
"May ka-meeting ako ngayon dito kaya umalis ako ng party. Bumalik na kayo roon, I promise after my meeting, I will join the party."
Ngunit sa nakikita ko ay hindi tinatablan ng hiya ang tatlong babae at pinipilit pa nila itong isama doon sa party na tinutukoy nila, kaya nagsalita ako.
"Excuse me." sabi ko. "Maraming bakanteng table doon. Mas magiging kumportable kapag doon kayo mag-usap-usap."
"We are not talking to you so just shut up, okay?" inilapag ko naman sa counter ang pinunasan kong baso bago tumingin sa babaeng nagsalita kanina.
"Well let me talk to you, bitch." Hindi porket na mayaman kayo ay aapak-apakan nyo lang ako.
If you don't have any sensible thing to say, why don't you shut up and leave? Hindi ba ninyo napapansin na ayaw ng lalaki na sumama sa inyo pero pilit parin kayo ng pilit. Lantaran na nga kayong tinanggihan, hindi nyo parin alam?" mahaba kong sabi.
Natameme naman ang tatlo pagkatapos ay umalis na ito sa bar ng padabog. Kung hindi lang siguro nakatingin ang mga costumer sa amin ay baka inaway din ako ng tatlong iyon. Wala rin naman sana akong balak na patulan ang kabawawan ng mga yun pero hindi ko sila uurongan Pag ako na ang kinanti nila.
"Thank you." pagpapasalamat nito at nakikita ko sa mukha nya na okay na sya.
"You're welcome." wika ko naman.
"May I have one more round please."
"Thank you nga pala ulit sa pagtulong." muling sabi sa akin ng lalaki.
"Walang anuman." wika ko naman. At iniabot ko na sa kanya ang order nya. Pagkatapos ay tinitigan ko sya, sa totoo lang Gwapo naman talaga tong lalaking ito kaya siguro hindi sya tinatantanan ng mga Babaeng nakapaligid sa kanya.
"Akala ko hindi na ako makakawala sa kanila, eh." wika nito.
"Mabuti nga at tatlo lang ang humabol dito doon kasi sa party ang may pinakamarami halos hindi na nga ako makahinga dahil lagi silang nakadikit sa akin."
"Ganyan talaga paggwapo Sir, lapitin sa disgrasya." ang sabi ko naman.
"Takot ako sa Disgrasya." ng sabihin nya iyon ay nagkibit-balikan lang ako at pinagpatuloy ko na ang paglilinis ng baso.
May time na nagbibigay ang ibang waitress ng order sa akin kaya ginagawa ko ito. Pero hindi na talaga ako nakatiis na sabihin ito sa lalaki.
"Artista ka ba?" tanong ko naman.
"Ano?" Gulat na tanong nito sa akin.
"Sabi ko kako kung artista ka kasi lapitin ka ng babae at halos na nandito sa loob ng bar ay kilala ka?"
Lumingon naman ito sa likod nya at nakita nya na nakatingin lahat nung mga tao sa kanya at bumalik naman ito ng tingin sa akin at nagsalita.
"Ahh.. na-feature kasi ako sa magazine recently, baka doon nila ako nakilala."
"Ahmm.. " at tumango naman ako.
"What's your name miss?" tanong nito sa akin.
"Naomi." sagot ko naman at tumango-tango lang ito.
"Nice name? I'm Rain." pagpakilala din nito sa akin.
"Nice name." ginaya ko naman ang sinabi nya at napakurap naman ako dahil nakita ko syang ngumiti sa akin.
"Alam mo ba, ngayon lang talaga ako ngumiti. This past few days kasi sobrang stress ako. Magkakatotoo na ata ang hula ng lola ko." sabi nito.
"Na?" tanong ko naman.
"Na tutulungan ako ng articles na maghanap ng mapapangasawa ko. Ang masama lang ay ayoko pang mag-asawa ng maaga." so that means ay single pa si Rain. Kaya naman ay may pumasok sa utak ko. Pero bigla itong nagsalita.
"I'm not a gay. Busy lang talaga ako sa trabaho kaya wala pa sa isip ko ang mag-asawa."
"Wala naman sa itsura mo iyon." sabi ko naman.
"Thanks."
"Why are you saying this to me?" tanong ko kay Rain.
"I thought that's your job to listen your costumer?"
"Sorry sir, wala po iyan sa job description ko na makipag-usap sa costumer, isa lang po akong bartender dito." sagot ko naman
Nakita ko naman na tumango-tango lang ito habang pinagmamasdan ako. Kaya nailang naman ako.
"Sir, wag nyo po akong titigan ng ganyan naiilang ako." lakas loob kong sabi sa kanya.
"Sorry, nabighani lang ako sayo. By the way how old are you?" tanong nito sa akin kaya sinagot ko naman.
"Twenty-seven years old."
"Nakapagtapos ka ba ng College?" nang sabihin nya iyon ay nag-iba ang mood ko kaya nagsalita ako.
"Excuse me, asikasuhin ko muna yung mga bagong costumer na dumating." at umalis na ako sa harap nya.
Nang umalis na ako ay umalis na rin si Rain doon at bumalik naman ako. Pagkakuha ko ng bayad ay may nakita akong nakasulat.
"I'm so sorry if I offended you or anything earlier."
(Rain)
Napangiti naman ako at marunong din pala sya makiramdam. Ibinulsa ko naman ang note at yung tip na iniwan nya at pinagpatuloy na ang trabaho.
Mahigpit kong hinawakan ang aking backpack ng may humintong magarang sasakyan sa harap ko kaya napahinto ako at napatingin.
Binaba naman nito ang tinted window at nakita ko na lang kung sino ang sumasakay doon. It him, Rain Villafuerte.
"Hop in." wika nito sa akin.
"Salamat na lang, kaya kung umuwi mag-isa." at naglakad naman ako umandar naman ang kotse nito at akala ko ay aalis na ito ay hindi pala dahil nagpark lang si Rain at lumabas sa Kotse nya.
Hindi ko mapigilang humanga sa kataasan nya dahil nakikita ko ito ng buo.
Hindi katulad kanina na kamay,Mukha o buhok nya ang nakikita ko.
Kung sa akin lang ay pwede na syang pang-model kung sa tutuusin.
"Hi, hindi kasi ako mapakali nong nalaman kong na-offend kita kanina sa bar." sabi nito ng makalapit na sa akin.
"I got your apology letter at the counter earlier, so sir You're forgiven."
"Kung gano'n ay hayaan mo akong ihatid kita sa Bahay nyo."
"Sir it's okay atsaka kaya ko naman umuwi sa Bahay namin."
"How about I'll treat you a dinner?"
"No need sir, I'm not hungry, alam mo naman po na Isang bar at restaurant ako nagtatrabaho." nang maubusan na si Rain ng sasabihin ay nakangiti itong nagkakamot ng batok nya na nakatingin sa akin.
"Kung gano'n ay sasamahan na lang kitang mag-abang dito ng sasakyan. Gabi na at delikado sa isang babae na mag-abang ng sasakyan na mag-isa."
"Sir, sanay na rin po ako."
"Pagbigyan mo na ako, Naomi." inayos ko naman ang backpack ko at humarap sa kanya.
"Ano ba talaga gusto mo? Wag kanang paligoy-ligoy dyan?" agad kong tanong.
Nakita ko naman na nakatingin lang ito sa akin.
"Sir, sinasabi ko po sa inyo na wag nyo akong titigan ng ganyan."
Sumilay naman ang kaaya-ayang ngiti ni Rain sa labi. "You just surprised me, that's all. And only a few people surprised me."
"Well, congratulations to me." pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya at nag-abang na ng jeep. Pero humarang ito sa harap ko.
"Hindi kita liligawan Naomi, pero may dahilan ako kung bat lapit ako ng lapit sayo ngayon." tumaas naman ang kilay.
"Sasabihin ko sayo yung pakay ko pagpumayag ka makipag-dinner sa akin." wala naman akong masabi sa kanya kaya nong makita kong may paparating ng jeep ay sumakay ako ng walang pasabi at lingon sa kanya.
"Naomi." rinig ko pang tawag nito pero hindi ko sya pinansin.
"Go to hell." mahina kong sabi at pinikit ko na ang mata ko.
Mga mayayaman nga naman palibhasa may pera, akala nila kaya na nila kontrolin ang buhay ng ibang nakapaligid sa kanila.
Well sorry na lang kay Rain Villafuerte na iyon dahil nagkamali sya ng nilapitan ngayong Gabi.
Nang makarating ako sa apartment ko ay nilagay ko na ang mga gamit ko sa kama ko at pumunta na ng banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kama ko at humiga. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.