Naomi's POV
Gumising ako ng umaga para maglakad-lakad muna ng may matandang tumawag sa akin.
"Naomi, may tumawag pala sa iyo kanina." ng makita ko ang babaeng matanda ay napangiti ako.
Si Aling Bebet lang pala.
"Sino raw ho?" ang sabi ko naman.
"Sa palagay ko ay iyong pinag-apply-an mo iyon ng trabaho. Atsaka Meron ka daw interview mamaya sa Blossom Blue Restaurant." tumango naman ako.
"Salamat po Aling Bebet."
"Teka, kumain kana ba? Meron akong nilutong adobong manok at marami naman iyon."
"Wag na ho kayong mag-abala Aling Bebet kumain na po ako."
"Oh sige, Basta pag Meron kang kailangan tawagin mo lang ako."
"Sige po Aling Bebet, salamat po at magandang umaga." nakangiti kong sabi.
"Magandang umaga din." nang matapos sabihin iyon ni Aling Bebet ay bumalik na lang ako sa kwarto ko para maghanap ng susuotin ko mamaya sa interview.
Binuksan ko naman ang kabinet ko at pumili na ng susuotin. Maong na short at itim na blouse ang nakita ko sa kabinet ko kaya kinuha ko iyon at hinanger sa bintana.
Umupo naman ako sa kama ko at naisip ang magandang mukha ni Rain kagabi.
.
.
.
Lucas POV
"Sir, pwede po ba kitang interviewhin?" napatingin naman ako kay Nikki ng nakakunot ang noo.
"Para Saan?" tanong ko naman at napatigil sa pagbabasa ng articles na gagamitin para sa susunod na issue ng magazine.
"Sir Lucas gumagawa lang po ako ng story about sa The Bachelors." patuloy na sabi ni Nikki. "Dahil po nakasama kayo sa Articles ng magazine ngayon."
"Ang ate mo ba ang nagbigay sayo ng assignment na to, Nikki?" tanong ko naman at tumango naman ito sa akin.
"Ito lang ang masasabi ko, hindi lang naman ako ang nasa articles na iyan at iyong iba muna ang unahin mo bago ako. Pakisabi sa editor in chief mo na pumunta sa office ko para mag-usap kami ng masinsinan." tumango naman si Nikki at umalis na sa loob ng opisina ko.
Pagsara ng pinto ng opisina ko ay bigla ring pagkadagundong ng boses ko dahil sa nakita ko sa Magazine.
"What the heck is this, Miss Garcia?" sigaw ko naman sa loob.
"Mr. Monteverde, could you please, lower your voice?" Megan said. "I'm busy with my work right now."
"The heck with your work." binagsak ko naman sa harap ni Megan ang magazine.
"Bakit kayo naglabas ng ganitong issue sa Magazine?" galit kong sabi.
"Bakit ano bang problema diyan, Mr. Monteverde? Hindi ba ninyo nagustuhan ang kinalabasan sa market about diyan sa issue ng Starstream?"
"Yes Megan, hindi ko ito nagustuhan."
"But, I can't see any problem with this article Mr. Monteverde." sagot naman nito sa akin kaya napahawak ako sa noo ko.
"Ang tinutukoy ko dito ay iyong larawan ko sa magazine, Megan." binuksan ko naman ang pahina 2.
"Wala akong natandaang—" naputol naman ang sasabihin ko ng bigla itong magsalita.
"Excuse me,Mr. Monteverde you agreed about this article." at kinuha ni Megan ang kasulatan na pinirmahan ko bago lumabas ang tungkol sa The Bachelors.
"Nag-agree ako dito sa pagkaka-feature ko sa magazine pero wala akong natandaan na pumayag ako na magkaroon ng issue dito sa The Bachelors."
"But your father agreed."
"Look, Megan hindi na Ang daddy ko ang may-ari nitong company. Bakit ka pa sa Daddy ko kumunsulta?" nakita ko naman na lumungkot ang Mukha nito at tumingin ulit sa akin.
"I was talking this articles to you but you didn't listen to me, Lucas so now you're angry with me?" pagkatapos sabihin ni Megan iyon ay lumabas na ito ng office ko at pumunta na sa table nya.
Napahawak naman ako sa noo ko at umupo na rin sa upuan ko.
Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng articles at tinawagan si Rain para makapagpirma na ako for Franchise owner ng fast food chain nila.
Wala pang ilang minuto ay sinagot na niya ito.
"Oh pare Bakit ka napatawag?" sagot nito.
"I was calling you about our deal last day right?"
"Oh yeah, Saan mo ba gustong makipagkita sa akin?" wika nito.
"Blossom Blue Restaurant, it's that okay for you?" sagot ko naman.
"Of course. By the way I will call Caleb for our meet up later cause he will sign too."
"Okay pare, see you later." binaba ko na rin ang tawag at tumayo para lumabas ng office ko.
Nakita ko naman na halos lahat ng tao sa Office ay sobrang busy kaya naman umalis na lang ako ng walang paalam.
.
.
.
.
Rain's POV:
At Blossom Blue Restaurant
Kakatapos lang pumirma ni Lucas at Caleb bilang bagong franchise owner ng fast food chain namin kaya nag-uusap-usap lang kami ng biglang may lumapit sa amin na mga babae.
"Hi, you're Rain Villafuerte right?" tanong naman ng babae kaya napatingin ako sa dalawa at bumalik ang tingin ko sa babae.
"Yes." sagot ko naman.
"I'm Jenny, and these are my friends." pagpakilala nito at ipinakilala din niya sa akin ang mga kaibigan niya na may hawak na magazine.
"Ang guwapo niyo pala sa personal." sabi naman ng isa.
"Can we have your autograph?" tanong naman ng Jenny.
"A kiss would be fine too." rinig kong sabi ng kaibigan ni Jenny. Sinulyapan ko naman ang mga kasama ko at nagkibit-balikat lang sila.
"Sure." sabi ko naman. "Saan ako magsa-sign dito?"
Iningat naman ni Jenny ang T-shirt nito at ipinakita ang belly button nito.
"Here Rain." sabi nito at sinulatan ko naman ang tiyan nito.
Nang matapos ay sinulyapan ko ang dalawa pero nakita ko sila na nakikipag-usap din sa ibang babae. Nakita ko naman na nakangiti si Caleb sa mga ito at ang mga babae naman ay sobrang kinikilig. Si Lucas naman ay nagbibigay ng mga joke sa iba kaya sobra ding natuwa ang mga ito.
Lahat ng babae na makakita sa amin ay nagpa- autograph sa amin. Kaya hindi kami nakaalis kaagad sa Restaurant. Kaya naman ay ang ginawa namin ay doon na lang uminom ng alak at nag-usap-usap tungkol sa buhay namin.
"Rain are you going on blind date?" napatingin naman ako kay Lucas.
"I don't know, but I will think about it cause my life is in danger." napatingin naman ang dalawa sa akin. Kaya deneretso ko na ang sasabihin ko.
"Natandaan mo Lucas iyong tumawag ka sa akin at ang sabi ko na nakikipag-usap ako sa lola ko. Yeah, my Lola said she will make a party on the next Sunday to her House, but I can't say no to her cause you know her pare." nakita ko naman na nakikinig lang sila.
"Pupunta ako doon sa Hacienda niya sa Sunday pero kailangan ko maghanap ng babae na sasama sa akin doon. Para hindi ako kulitin ng lola ko."
"Mahirap yan pare" sabi ni Caleb at tinawanan ako.
Napatawa na rin ako ng biglang may nakita akong familiar na pigura ng babae na papasok dito sa Blossom Blue Restaurant. Alam na alam ko na si Naomi ito dahil sa mahabang niyang buhok na straight at nakapamaong itong short at nakablouse na itim.
Dere-deretso itong pumunta ng counter at may sinasabi pa siya sa babaeng cashier kaya itinuro naman nito ang pribadong silid at pumunta naman doon si Naomi.
"What a looker pare." sambit naman ni Lucas. Kung isa siya sa mga babae na lumapit sa akin baka hindi na ako magdadalawang-isip na yayain siyang lumabas." sambit nito ulit.
"Hey, I know that woman." I said.
"What is she doing here?" tanong ko naman ulit.
"Himala pare may natandaan kang babae sa tanang buhay mo." sabi naman sa akin ni Caleb at tumawa ito.
Sa mga kaibigan ko ay si Caleb lang ang chickboy kaya alam niya kung sino ang denedate naming magkakabarkada.
"Really pare kilala mo iyon? Sino siya at bat mo siya kilala?" nagtatakang tanong sa akin ni Lucas.
"Lucas, leave that woman to Rain, marami pa namang babae diyan sa tabi-tabi." sabi naman ni Caleb.
Napaisip naman ako kung anong ginagawa ni Naomi sa ganitong Restaurant kung isa siyang bartender sa Galaxies.
Naputol naman ang pagmumuni-muni ko ng may isa na namang babae ang nagsalita.
"Hey Rain honey, it's good to see you here." tumayo naman ako ng makilala ko ang babae.
"Kim." pagkasambit ko ng pangalan nito ay bigla ako nitong hinalikan. Ito din ang eksena na naabutan ni Naomi ng lumabas ito sa pribadong silid na pinasukan nito kanina. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mali na hinalikan ako ni Kim habang nakatingin si Naomi. Pero nakalagpas na si Naomi bago pa nakawala ako sa halik ni Kim.
"Honey what's wrong?" nagtatakang tanong nito.
"Huh? Nothing." sabi ko naman.
I secretly watching my friends after that and I saw them waving their one finger.
Like they said. "Hala! Lagot ka!"
And I secretly gave them a bad finger.
.
.
.
.
Naomi's POV
At Galaxies Bar
Alas-Otso na ng gabi nang makita ko si Ma'am Sabrina sa Bar kaya binati ko ito.
"Good Evening Ma'am Sabrina."
"Sana nga Naomi good ang evening ko ngayon. Bigyan mo nga ako ng alak dyan at magkukulong muna ako sa Private Office ko para mag-isip kung paano ako magpakamatay." sanay na kaming lahat kay Ma'am Sabrina dahil ito palagi ang ginawa niya sa sarili niya. Na minsan ay gusto na niyon magpakamatay.
"Huwag kayong masyadong mag-isip ng problema Ma'am Sabrina, alam mong bibilis kang tatanda niyan."
"Mas mabuti na ngang mabilis na akong tumanda at matigok na kaagad para wala na rin akong iniisip Naomi."
"Ngayon mo palang iniisip yan pero hindi mo alam puno ang bar ngayon ng mga tao?" napatingin naman ito sa paligid at lumaki ang mga mata nito.
"You're right Naomi." at ngumiti ito sa akin atsaka umalis na sa harap ko para pumunta sa Office nito. Napatingin ako at napangiti ng palihim ng makita ko siyang nakatingin sa paligid habang nakatingin sa loob ng bar.
"One Martini please." napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. Agad ko naman itong nakilala kahit na nakacup ito at ginawa ko na ang order niya.
"Hi, kamusta." sabi naman nito sa akin.
Inilapag ko muna ang baso sa harap niya at sinagot siya na "Okay lang naman ako. At Bakit ka nakasombrero?" nagtataka kong tanong.
"Umiiwas lang ako sa g**o. Nakita kita kanina sa Blossom Blue."
"Ah, nag-apply kasi ako kanina ng trabaho kaya nandoon ako kanina." sagot ko naman. "Nakita rin kita kanina." natahimik naman si Rain no'ng sinabi ko iyon.
At alam ko na iniisip din ni Rain na iyong kissing scene na naganap kanina.
"Ah, si Kim iyon, hindi ko naman iyon girlfriend." gusto ko naman tumawa ng malakas pero kumunot ang noo ko.
"Nagpapaliwanag ka ba sa akin Rain?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Yes, cause you saw us."
"Hindi mo na kailangan na sabihin iyan sa akin. Atsaka isa lang akong bartender dito at hindi mo ako Girlfriend."
"Kung gano'n ay gusto mo bang maging girlfriend ko?"tanong nito habang nakatingin sa akin.
Binaba ko naman ang baso na hawak ko at ipinatong ang kamay ko sa lamesa.
"Rain matanong ko lang bago ka pumunta dito sa Galaxies, ilang bar na ang napuntahan mo?"
"Ito pa lang, Bakit?"
"Lasing kana ata at hindi mo alam ang mga sinasabi mo."
"Ano ba mga sinabi ko sa'yo?" tanong naman nito.
"Ewan ko sayo." sabi ko naman
"Isang round pa ng martini please." binigyan ko naman ito. Bumalik naman ako sa pagpupunas ng baso.
Naasiwaan ako sa tingin niya kaya napatingin din ako sa kanya at nagsalita.
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko naman.
"Be my girlfriend Naomi. Kaya kitang bayaran ng malaki-laking pera." natihimik naman ako at tumingin sa kanya.
"Sir kaya mo yan atsaka madami kang pera kaya matatapos mo rin iyang problema mo at huwag mo akong idamay."
"Hindi na ako makakita ng iba pang babae na gagawa nito Naomi. Alam kong kailangan mo rin ng pera. I will give you a higher amount basta magpanggap ka lang na bilang girlfriend ko this Sunday. Uuwi ako ng Hacienda para maghanap ng mapapangasawa ko doon pero hindi ko talaga kaya." hindi naman ako magkapag-salita kaya itinuloy ni Rain ang pagmamakaawa nito sa akin.
"Please be my girlfriend Naomi, I will give you two million pisos a month for faking our relationship to my family." nabigla naman ako dahil sa alok niya. Alam ko na hindi ako mukhang pera pero kailangan ko rin iyan para sa kinabukasan ko. Hindi ko alam kong papayag ba ako o hindi dahil masama ang magsinungaling. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nagsisinungaling kaya takot ako.
Takot ako na baka pagdating ng araw ay malaman nila na isa lang pala akong mukhang perang babae.
Nang maisip ko iyon ay tumingin ako kay Rain at nagsalita. "Hindi ko alam sir, kong papayag ako sa alok mo pero delikado ang gagawin natin. Alam kong pagmalaman ng pamilya mo ito ay baka pagalitan ka at kasama na ako doon."
"Don't worry Naomi, poprotektahan kita sa kanila. Please, accept my proposal to you. I promise I will give you two million pisos. Hindi ako lasing ngayon at alam ko ang pinagsasabi ko sayo."
"Sir, hayaan niyo muna akong makapag-isip about sa alok niyo kasi parang hindi bagay iyon sa akin eh."
"Wag kang mag-alala Naomi mag-iintay ako sa sagot mo pero huwag mong habaan dahil sa Sunday na ang party sa Hacienda Erin." tumango naman ako sa kaniya at bumalik sa paghahalo ng alak.
Habang naghahalo ako ng alak ay biglang may nakita akong dalawang lalaki na umupo sa tabi ni Rain at alam ko na sila din ang kasama nito kanina sa Blossom Blue Restaurant.
"Miss, dalawang martini nga." ginawa ko naman ang order nito at ibinigay na sa kaniya. Nakita ko naman na binigay nito ang isang baso sa kasama niya kanina kaya nakita ko naman na ininom nila ito.
Marami ring umorder kaya busy din ako sa paghahalo ng alak sa at alam kong nakatingin ang tatlo sa akin kaya hindi ko iyon pinansin dahil sanay na ako na may tumitingin sa akin habang naghahalo ako ng kong anu-anong ingredients sa alak.
Habang busy ako ay narinig ko na nag-uusap ang tatlo.
"So pare, ano na plano mo?" tanong naman ng isa.
"Hindi ko alam Lucas, pero may pinagsabihan na ako about sa party this Sunday at sana ay pumayag sya." sagot naman ni Rain doon sa Lucas.
"I know papayag iyon Pare, magtiwala ka lang." sabi naman ng isa.
"I hope so Caleb." at itinungga nito ang lahat ng alak sa baso nito at nagkasalubong ang tingin namin ni Rain.
Hindi ko alam kong ano ang ipinapahiwatig niya sa akin at hindi naman ako mind reader kaya wala akong ka ide-idea.
Ten na ng gabi pero hindi parin umaalis ang tatlo pero hindi ito umorder at hindi ko naman sila isinita kasi seryoso ang pinag-uusapan nila.
Nakita ko naman na nagsisialisan na ang ibang costumer kaya maya-maya ay pupwede na rin kaming makauwi sa kanya-kanya naming tahanan.
Mga ilang minuto ay may dumating na dalawang costumer at umupo ito sa kabilang counter at pumunta naman ako doon.
Nakita ko naman si Nikki at may kasama pa itong babae na maganda. Napangiti naman ako habang papunta sa kanila.
"Naomi, dalawang margarita para sa akin at sa masungit kong ate." napangiti naman ako at ako tumango sa kanya.
Habang naglalagay ako ng inomin nila ng magsalita ang isang babae. Kaya napatingin akonsa kaniya.
"I'm Megan Garcia isa akong editor in chief sa Starstream." pagpapakilala nito at inilahad sa akin ang kamay at inilagay ko naman sa harap nilang dalawa ni Nikki ang margarita.
"Naomi Sebastian isang bartender dito." nakangiti kong pagpapakilala sa kanya at tumango lang ito.
"Oh, I was curious here kaya pumunta ako dito sa Galaxies." sumimsim naman ito ng margarita at nagsalita ulit. "I was actually my first time here, si Nikki lang ang nagsabi sa akin about dito sa bar, maganda siya at maaliwalas. I know dadagsain ito ng mga tao pagnasa article itong Galaxies."
"Don't worry Naomi, ilalagay ko ang lifestyle ng Galaxies sa magazine." magsasalita na sana ako ng may magsalita sa likod nila ni Nikki.
"Really?" Oh,Akala ko sino na si Ma'am Sabrina lang pala.
"Yes, and who are you?" sagot naman nito kay Ma'am Sabrina.
"Ah, Megan si Ma'am Sabrina iyan siya ang may-ari ng Galaxies." tumango-tango naman ito at ibinalik ang paningin nito sa akin.
Nakita ko naman na umupo si Ma'am Sabrina sa tabi ni Nikki.
Nag-uusap-usap kami about sa isusulat nilang articles about sa Galaxies ng biglang may isang lalaki na nagsalita sa gilid kaya napatingin ako dito at pamilyar ang lalaki sa akin dahil kasama ito ni Rain kanina at alam ko ay si Lucas ito.
"What are you two doing here?" nagulat naman ako ng makilala ni Lucas ang dalawa.
"Excuse me Mr. Monteverde. Look at here, me and my sister are drinking here." nakamasid lang ako sa kanila at hindi nagsasalita.
"Umuwi na kayong dalawa at huwag kayong uminom dahil may trabaho pa kayo bukas." hindi naman magkapag-salita si Megan at ininom lang ang alak niya at hindi na bumalik ang tingin kay Lucas.
Si Lucas naman ay nakita kong napakunot ang noo at alam ko ay naiinis na ito.
"Megan." tawag nito.
"Gusto ko uminom dito bat mo ba ako tinatawag?" sabi naman ni Megan.
"I said go home, Nikki you too, huwag ka narin uminom." tumango naman si Nikki at hindi rin mapigilan na inumin ang natirang margarita sa baso niya kaya napahilot ng sentido si Lucas.
"Pare hayaan mo na sila alam ko naman na hindi mo rin sila iiwan dito." sabi naman ni Caleb at natawa.
"So pare mauuna na kaming umuwi sa 'yo lasing na rin si Rain kaya ihahatid ko na lang siya sa Bahay niya." tumango naman si Lucas at nakita ko naman na naka-akbay ang isang kamay ni Rain sa balikat ni Caleb pero ng makita ko ang mukha ni Rain ay gising pa ito at nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at ibinalik ang tingin ko kila ni Megan.
"Please, Megan huwag ng matigas ang ulo at sumunod kana para makapagpahinga na rin ang mga nagtatrabaho dito sa bar." nakita ko naman na tumingin sa akin si Megan at nagkibit-balikat.
"Okay." sabi nito at may huli pang sinabi si Megan bago ito umalis ng upuan.
"See you when I see you Naomi." at nagligpit na kaming lahat para umuwi
Alas-dose na ako ng madaling araw ng umuwi sa Apartment ko kaya hindi na ako nakapaghugas ng katawan ko dahil na rin sa sobrang pagod.
Hindi ko na rin kaya maglakad kaya naman ay humiga na ako sa kama ko at ipinikit na ang mga mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.