K24 - Mission Failed

2138 Words

❣︎ ZEBULON/2030 ❣︎ Magkakaharap na kaming lahat para pag-usapan kung anong gagawin nilang plano, para manakaw namin ang bangkay ni Aurelio. "Ahh! Tsk!" Nasa harapan ko si Andre na hawak-hawak ang mukhang nasuntok ni Karen. "Kung nag-iingat ka kasi!" sita sa kan'ya ni Rees. "Hindi n'yo naman sinabi na dumating na sila!" angal ni Andre at kaagad ko s'yang tinapunan ng ballpen na nasa lamesa lang, "Sorry na, bossing!" Alam kong 'di n'ya 'yon sinasadya. Ang ikinagagalit ko lang, nilapitan ko si Ursula kanina para buhatin, pero tinaboy lang ako ng mga babae. Anong problema nila at nilalayo nila si Ursula sa 'kin! Ini-off nila ang hearing device ni Ursula, kaya 'di ko sila marinig. "Kahit kailan ka talaga, Andre!" bulyaw naman ni Ralph sa kan'ya, "Nagtataka ako pa'no ka naging agent!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD