K23 - Bumubukas na Sahig

2089 Words

❣︎ URSULA/2030 ❣︎ Sinipat ko ang sarili sa salaming nasa loob ng walk in closet. Nakikita ang aking mga balikat sa suot na off shoulder na bestida. Napangiti ako. Ang dami ko nang alam sa kanilang lenggwahe. Salamat kay Zebe. Isa itong kulay itim na bestida, lagpas tuhod at mayroong bulaklakin na mga disensyo ang dulo ng saya. Inilugay ko lamang ang aking buhok, naiilang pa rin akong nakabalandra ang aking balikat. Pero, kailangan ko nang sanayin ang aking sarili. Isinantabi ko muna ang mga katanungan sa aking isipan, ang mga kaganapang binabagabag ang aking damdamin at ang mga palaisipang wala pang mga kasagutan. Magsasaya muna ako habang ako ay naririto. Matapos naming mag-usap kagabi, umuwi kaming tahimik ang magkapatid. Hindi na lamang ako umimik at hinayaan silang makapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD