❣︎ URSULA/2030 ❣︎ "Kaya 'di ako makatingin sa 'yo nang diretso, baka 'di ko mapigilan na halikan ka!" Ano raw? Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi kaya bigla kong tinakpan ang aking mga labi, baka bigla niya na lamang akong halikan. Nang makalma ko ang aking sarili saka pa ako nakapagsalita, "Nawawala ka na ba sa iyong katinuan? Gusto kong bawiin ang aking kamay, ngunit mahigpit niya iyong hinawakan. "Siguro nga, baliw na ako, at ikaw ang dahilan," sabi niya na hindi ko lubusang maintindihan. Aking binalewala ang kaniyang naging sagot at tinanong siyang muli, "At kailan pa maaring maghalikan ang dalawang taong hindi pa kasal?" "Kung pakakasalan kita? Papayag ka ba?" Mas lalong nanlaki ang aking mga mata. Hindi na rin maawat ang aking puso sa palakas na palakas nito

