Gean’s pov “SIYA si Rafael… Ang panganay kong anak,” wika ni Tita Monica na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito dahil masyado akong nakatitig sa larawan na nasa aking harapan. “Bakit tumayo na po kayo? Baka po mahilo ulit kayo,” sagot ko. “Okay na ako. Nakapagpahinga na rin ako at akala ko ay umuwi ka na.” “Sinabi ko naman po sa inyo na sasamahan ko na muna kayo rito hanggang sa makauwi si Papa o di kaya ang mga kapatid ko.” “Wala ka ng dapat na ipag-alala dahil okay na ako. Alam mo naman, masyadong mainit ang panahon kaya siguro hindi ko kinaya.” “Tungkol po pala kay Rafael. Nabanggit po sa akin nina Ryan na nawawala po siya. May balita po ba kayo sa kanya?” hindi ko mapigilang tanong kaya huminga ng malalim si Tita Monica. Umupo ito sa sofa na naroon ka

