Xavier’s pov “I’M sorry Nay kung napabayaan ko si Gean kanina. Kung hindi kayo dumating kanina baka nga napahamak na siya. Naging pabaya ako samantalang ipangako ko sayo na hindi ko siya pababayaan,” wika ko kay Nanay Edna nang mapagsolo kami. “Mahal ka ng anak ko,” sagot nito na ikinagulat ko. “Po?” “Mahal ka ni Gean. Inamin niya sa akin ang nararamdaman niya sayo,” wika pa nito sa kanya. Nabigla ako sa deretsong wika ni Nanay Edna. “Mahal ka ng aking anak Xavier at hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ayon sa kanya ay ikakasal ka na sa ibang babae. Walang ina na matutuwa na malaman na ang anak niya ay nagmamahal sa lalaking pag-aari ng iba,” dagdag pa nito sa akin. “Mahalaga sa akin si Gean,” pag-amin ko. “Magkaiba yun sa mahal mo siya, Xavier. Paano kapag nakabalik na kayo sa

