Episode 6: Who is that next to you?

2199 Words
It was already six o’clock in the morning nang nagising ako. Hindi ko alam kung kailan at kung anong oras umalis si Ali dahil pagkagising ko ay wala na ito sa tabi ko. Inabot ko ang aking cellphone mula sa aking side table at binisita ang social media sites na kung saan ay naka-log-in ako. I was scrolling through my f*******: account when my cellphone rang dahil sa isang tawag. I smiled when I saw Ali’s name flashed on my screen. “Hello.” bati ko sa kanya when I answered his call. “Sorry. Did I wake you up?” Ngumiti ako bago ko siya sinagot. “No. Gising na ako nang tumawag ka.” “How are you feeling?” sunod niyang tanong. “I’m fine.” sagot ko. “Thanks to someone who take care of me.” dagdag ko. “You should really thank me. Magaling kaya itong private doctor mo kaya ka gumaling nang mabilis.” he said proudly. “How sure you are that I’m talking about you?” pagbibiro ko sa kanya. “I didn’t mention any names though.” I added smiling. Natawa ako dahil natahimik siya. It would have been nice to see his reaction. “Thank you, Ali.” natatawang bawi ko sa kanya. I heard him chuckled. My feeling today is way better than yesterday. It is all thanks to Ali. Hindi ko alam kung anong kalagayan ko ngayon kung wala siya na nag-alaga sa akin kahapon. In how many years I live, ngayon ko lang naranasan ang may nag-aalaga sa akin ngayong nagkasakit ako. Noon kasi, umaabot pa sa dalawa hanggang tatlong araw bago ako gumaling. “Is that Quim?” narinig kong tanong ni tita Liese kay Ali mula sa kabilang linya. “Hello, Quim. How are you feeling, anak?” baling na tanong ni tita sa akin. I didn’t answered right away because I was shocked as I heard tita Annaliese’s voice. I didn’t know that they are together. “Oh! Hi tita.” medyo tarantang bati ko sa kanya. “Ayos na po ang pakiramdam ko tita. Salamat po.” magalang na sagot ko sa kanyang tanong. “It’s good if that’s the case.” sabi niya. “Pasensya ka na kung hindi nagpaalam sayo si Ali, ha. Because I told him not to wake you up para hindi maistorbo ang tulog mo.” paliwanag ni tita. “It’s okay tita. Naiintindihan ko po.” “Ang bait naman.” walang anu-anong parinig ni Ali. Alam kong para sa akin ang katagang iyon kaya sinagot ko siya. “Talaga. Hindi tulad mo.” “Ayan na naman kayong dalawa. Wala atang araw na hindi kayo nagbabangayan.” boses ni tito Anton ang sumaway sa amin. Hindi ko alam na magkakasama pala sila nang ganito kaaga. “Oh! Hi tito.” bati ko sa kanya. “Good morning, iho.” bati naman niya sa akin. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong niya. “Talaga bang inalagaan kang mabuti ni Ali or he just made your pain worse.” “Wala ka bang tiwala sa akin, dad?” sabat ni Ali na tanong sa kanyang ama. Napangiti ako. Hindi ko na hinintay ang sagot ni tito. “I’m fine tito. Ali did a great job to be my private doctor.” I said to defend Ali. “Mabuti naman kung gano’n.” sabi niya. “Nasa daan pala kami ngayon papuntang probinsya. Isasama ka sana namin so that you could relax but you are sick. Baka mas lalong lalala ang sakit mo sa haba ng byahe.” mahabang sabi ni tito. “It’s okay, tito. May trabaho rin po ako ngayon, kaya hindi rin lang po ako makakasama sa inyo.” sagot ko naman. “Come on, Quim. Hindi ba pwedeng magpahinga ka muna ngayon, anak. Puro ka na lang kasi aral at trabaho kaya ka nagkasakit, eh.” sabi naman ni tita Liese. Mapait akong ngumiti. “I have to do it, tita.” “I know, anak. Pero kailangan mo rin namang magpahinga at alagaan ang sarili mo.” pangaral ni tita sa akin. “We’re humans, not robots.” paalala niya. Naiiyak ako sa mga sinabi ni tita. “Mom, I’m getting jealous. Sino ba talaga sa amin ni Quim ang anak niyo ni Dad?” walang anu-anong sabat ni Ali. “When I get sick, sasabihin niyong- ‘Wala ka na ngang ginagawa, nagkakasakit ka pa’. But if Quim is the one who got sick, sasabihin niyong- ‘Magpahinga ka muna. Puro ka na lang kasi aral at trabaho kaya ka nagkakasakit’. I don’t understand you, Mom.” may sense na sabi niya. Ang kaninang nagbabadyang iyak ay napalitan ng ngiti dahil sa sinabi ni Ali. “Why? I’m just stating the fact. Si Quim may rason kung bakit siya nagkasakit. Eh, ikaw?“ paliwanag naman ni tita. “Mom, hindi naman po kasi kailangang makita at malaki ang rason mo para sa isang bagay. Hindi ba’t mas maganda na kahit maliit na rason lang ito basta’t naipaparamdam mo ito sa isang tao ay malaking bagay na iyon.” may hugot na paliwanag naman ni Ali. “It’s up to the person if they appreciate it or not. Basta para sa akin, everything happens for a reason, even if it is just a small thing.” he continued. “Talaga namang sa akin nagmana ng katalinuhan ang anak kong ito.” proud na sabi naman ni tito. “Really, dad? Eh, kanina lang wala kayong katiwa-tiwala sa akin.” may pagtatampong boses na sabi ni Ali. I heard tita Liese chuckled from the other line. “Syempre, joke lang ‘yon, iho. Ito naman hindi na mabiro.” pampalubag loob na sabi ng kanyang ama. I was smiling while listening to their conversation. Nakakainggit nga lang dahil wala man lang kaming ganitong conversation ng mga magulang ko. Tinignan ko ang oras at nakita kong mali-late na ako sa trabaho kung hindi pa ako magpapaalam sa kanila. “Ummm... tita, I need to go na po.” “Oh, okay anak. Mag-iingat ka diyan. Don’t forget to eat and take your medicine.” paalam niyang may kasamang paalala. “Opo tita. Mag-iingat din po kayo and enjoy.” “Salamat, anak.” sabi nito bago pinutol ang linya. That call made me smiled. Kahit papaano ay may isang pamilya na tinuturing akong kasapi nila. Nagpapasalamat ako na kahit papaano ay may mga taong nagtatanong sa akin kung kamusta ako, nag-aalaga, at nagpapayo sa akin. Naalala ko pa noon nang naging magkaibigan kami ni Ali ay palagi na akong nasa bahay nila. Dahil doon ay naging malapit na rin sa akin sina tito Anton, tita Liese, at ang kanyang kapatid na si Aise. Sila ang tumayong pamilya ko. Tinuring ako ng mga magulang ni Ali na parang tunay na anak. They took care of me, fed me, and love me. Kung anong mayroon kanila Ali at Aise ay gano’n din ang ibinibigay nila sa akin. Nagpapasalamat ako dahil ipinaramdam nila sa akin kung ano ang pakiramdam ng may mga magulang na nag-aaruga, nagmamahal at gumagabay sa paglaki ng kanilang mga anak. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa kanila. Pero ngayon na malaki na ako ay madalang na lang akong pumunta sa kanila. Simula kasi nang lumaki ako at naintidihan ang sitwasyon ng aking buhay ay hindi na ako pumupunta sa kanila dahil na rin sa hiya. Kahit na sinabi nilang ayos lang ito sa kanila ay nahihiya pa rin ako lalo na’t hindi ko sila kadugo. Ayaw ko namang umasa na lang sa kanila. “Good morning.” maligayang bati ko kanila Noaoh at Maia. Naabutan ko silang nag-aayos ng mga gamit na gagamitin namin mamaya. “Hey! What are you doing here? Magaling ka na ba?” bungad na tanong ni Noaoh sa akin. “Are you blind? Halata bang galing sa sakit ang ganyang ka-blooming na itsura.” sabi naman ni Maia sabay tingin sa akin nang may panunuksok mga mata. Napailing ako sa sinabi niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at binaling na lang ito kay Noaoh. “I’m fine.” maikling sagot ko sa kanya. He sighed as he reach my head and messed up my hair. Nginitian ko siya. “Pasok muna ako sa locker room.” paalam ko sa kanilang dalawa na tinanguan naman nila. Pumasok ako sa aming locker room para magbihis ng aming uniform. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas. Pagkalabas ko ay siya namang pagsabit ni Noaoh sa sign na ‘OPEN’ sa may pintuan ng shop. Nasa kanya-kanya na kaming area nang nagsalita si Maia. “Hindi na ako magtatanong kung kamusta kayo ni Ali, because your smile answered it.” Tumango ako para ipakita na tama ang hinala niya. “Sana magkasakit din ako para magkabati na rin kami nang boyfriend ko.” malungkot na sabi niya. Natawa ako sa hiling niya. Hindi ko alam kung bakit niya naisip ang gano’n paraan. “Aray naman Noaoh!” daing niya nang binatukan siya ni Noaoh. “Why? I’m just helping you to get sick.” pilosopong saad ni Noaoh. “Ah, salamat kung gano’n.” Maia said before she smiled at him sarcastically. Napailing na lang ako habang natatawa naman si Noaoh. Natigil ang kanilang bangayan nang may pumasok na costumer. Maia quickly took the order at agad naman namin itong ginawa ni Noaoh. 11:30 na nang nag-break ako. Pumasok ako sa locker room para doon kumain at magpahinga. Mag-isa lang ako dito dahil hindi naman kami pwedeng mag-break nang sabay-sabay. Ako ang pinauna nilang dalawa para daw maka-take na ako ng gamot. Sumang-ayon na lang ako sa gusto nilang dalawa. Isang oras pala ang break time namin, kaya nang natapos akong kumain ay hinuha ko ang cellphone ko para mag-scroll sa aking f*******: account. While I was scrolling, I received a message from Ali. He sent me a picture of him with his family. Natawa ako nang napansin ko ang ginuhit niyang taong stick sa kanyang tabi na may pangalan ko sa itaas nito. “We’re already here but not complete.” pagbabasa ko sa mensahe niya. I smiled while typing my reply. ‘Who is that next to you? Ang payat naman niya.’ ‘Because he is stubborn. Kailangan ko pa siyang paalalahanang kumain.’ he replied. Napangiti ako. ‘Salamat, Ali, dahil parati kang nandyan para paalalahanan akong kumain. Sana magawa mo pa rin ito kahit na dumating man ang araw na kinatatakot ko.’ sabi ng aking munting isip. ‘Did you eat?’ tanong niya nang wala siyang mahintay na reply galing sa akin. ‘Yup. Katatapos ko lang.’ I replied. ‘And your medicine?’ ‘Uminom na po ako, Doc.’ ‘Good.’ he replied briefly. Hindi ko na siya nireplyan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumalik na lang ulit ako sa pag-e-scroll sa aking f*******: account hanggang sa natapos ang break time ko. Nag time-in muna ako bago nag time-out si Maia dahil siya ang susunod na kakain at magpapahinga. Papalitan naman niya si Noaoh mamaya. Mabilis lumipas ang oras lalo na kung may ginagawa ka. Hindi naman kami masyadong napagod ngayon dahil hindi naman lumalagpas sa limang costumer ang nakapila sa may counter. “Oh my ghad! Don’t tell me magtatanan na kayo ni Ali.” eksaheradang sabi ni Maia nang makita nito ang dala kung bag na hindi naman kalakihan pero mapapansin dito marami itong laman. Nandito kaming tatlo ngayon sa locker room. Nag-aayos at nagpapahinga bago kami uuwi. Binatukan ko siya. “Awww...” malakas na daing niya. “Namumuro na kayo sa akin ni Noaoh, ha.” sabi niya na may halong pagbabanta. “Ang OA mo.” sabi ko sabay bukas at pakita ng laman ng bag ko sa kanya. Mga libro, notebook, papel at damit ang laman nito. Nagtataka niya akong tinignan. “May gagawin kaming report ngayon sa bahay nina Alex.” paliwanag ko sa kanya. Muntik ko pang makalimutan na ngayon pala ‘yon. Mabuti na lang at nagtext si Alex kanina bago ako umalis ng bahay. Tumango siya bago ito bumaling kay Noaoh na tahimik na nakikinig sa amin. “I know.” sabi ni Noaoh na hindi ko alam kung para saan iyon. Napakunot-noo ako dahil doon. May hindi ba ako narinig. “Alam mo na talaga ang role mo, ha.” natatawang sabi ni Maia. Parang naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Ipinapahatid na naman niya ako kay Noaoh. “It’s okay, Noaoh, kahit hindi mo na ako ihatid. Mag-je-jeep na lang ako, tutal ay maaga pa naman.” pagtatanggi ko sa alok nila. Pero wala rin lang akong nagawa. Napilit din lang nila akong dalawa sa alok nila. Hinatid nga ako ni Noaoh sa bahay nina Alex. “Pasensya kana kay Maia, ah. Kinulit ka pa niyang ihatid ako.” paghingi ko ng despensa sa inasal ni Maia. “Wala ‘yon.” nakangiting sabi niya sabay gulo nito ng aking buhok. “Valid pa ba ang salitang ‘Thank You’ para sa bayad ko ngayon?” nakangiting tanong ko. Natawa siya bago tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD