bc

Teach Her How To Love

book_age18+
21
FOLLOW
1K
READ
HE
confident
sweet
no-couple
mystery
loser
campus
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Selosa, mainitin ang ulo at bayolente ang babaeng si Althea del Rosario. Sa mahigit isang libong lalaking nagdaan sa kaniyang buhay ay wala pang tumatagal ng dalawampu't apat na oras.

May malalim na pagtingin sa kan'ya ang lampa, duwag at patpating si Justin. Hindi lang niya magawang aminin dahil natatakot siyang mabugbog.

Naisip ni Justin na dapat matutunan ni Theya na maging pasensyosa at kung paano tratuhin ng tama ang isang lalaki, kaya naisip niyang humanap ng taong magtuturo nito sa dalaga.

May malalim na pagtingin din kay Theya ang binatang si Derrick, subalit si Justin ang gusto ng ama ni Theya para sa kaniyang anak. Kaya para makasama niya si Theya kahit na sa limitadong panahon ay pumayag siya sa kasunduan. Siya ang magtuturo kay Theya ng dapat nitong matutunan at iiwan niya sa panahong nagawa na niya ang misyon. Magiging papel naman ni Justin na ituro dito kung paano ba ang lumimot.

chap-preview
Free preview
Blood and Gold
Isang wirdong binata na nagngangalang Justin Faustino ang nakatayo sa harap ng isang eleganteng restaurant. Nakasuot siya ng pabilog na reading glass, short, jumper at makintab may makintab na buhok. Wala man sa kaniyang itsura ay isang bilyonaryong ang nasabing binata. Nagsimula siyang magparoo't parito habang may hawak na bulaklak. May kaba sa kaniyang dibdib at nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang kaniyang plano. "Papasok? Hindi? Papasok? Hindi?" Huminga nang malalim si Justin at tumigil sa paglalakad. Nabuo na ang kaniyang pasya na pumasok sa gate. "Wala na itong atrasa—aaaaaahhhh!" Biglang tumilapon si Justin nang sipain siya ng isang lalaki, "Alis d'yan!" aniya bago tawagan ang gwardya, "Carl Mendoza ang pangalan ko, mamang guard." Hinanap ng gwardya ang pangalan ni Carl sa log book. Nang makitang may reservation para dito ay kaagad niyang binuksan ang dambuhalang gate at hinayaang makapasok si Carl, "Pasok na po kayo Sir Carl." Lihim na napangiti si Carl matapos siyang tawaging "Sir" ng gwardya, "Salamat," aniya bago pumasok. Hindi maipinta ang mukha ni Justin habang nakahawak sa kaniyang balakang nang mga oras na yun. Masama ang tingin niya sa lalaking sumipa sa kan'ya. "Magulpi ka sana." Napatingin din ito sa hawak niyang bulaklak. Bigla siyang nalungkot nang makitang nagkaroon ito ng sira. "Panibagong pagkakataon na naman ang sinayang ko," iyak pa nito at naupo sa tabi ng gate. Samantala, pinagmamasdan noon ni Carl ang buong paligid. Sa gitna ng lupang kaniyang kinatatayuan ay naroon ang isang eleganteng restaurant. Maraming magagarang sasakayang nakagarahe sa harapan nito, kagaya ng; Lamborghini, Ferrari, Bugatti, BMW at Henessey. Maraming mga lalaking nakasuot ng suit. Isa sa kanila ay may hawak na two way radio. Ginamit niya ito para ipaalam sa isa niyang kasama ang pagdating ng binata. "Narito na ang hinihintay natin." Biglang bumukas ang pintuan ng restaurant. Lumabas mula doon ang labing apat na kalalakihan. Pito ang humanay sa kaliwa at sa kanan. Sa kanilang pagitan ay maaaring dumaan ang dalawang tao nang magkasabay. Halos mapunit ang labi ni Carl nang makita ang eksena. Siya kasi ang dadaan doon. "Sila na pala yung mga bodyguards namin." Biglang naglaho ang kaniyang ngiti nang makarinig ng mahihinang tawa mula sa mga gwardya na nasa kaniyang likuran. Hinarap niya ang mga ito, sinugod at sinigawan. "Anong tinatawa-tawa ninyo! Gusto n'yong mawalan ng trabaho?!" Napatid ang tawanan. Nilukuban sila ng takot at pinunasan ang mukha nilang nabasa ng tumalsik na laway ni Carl. "Pa-pasenya na po, sir. Hindi na po mauulit." Tinanggap niya ang paghingi nila ng tawad at umalis sa kanilang harapan. Tinumbok niya ang direksyon kung saan naroroon ang pintuan ng restaurant. Habang lumalapit siya ay nakita niyang bumunot ng espada ang bawat isang bodyguard at nagsagawa ng isang cross sword ceremony. "Para akong presidente," tawa ng binata. Bumukas ang pintuan at pumasok si Carl. Matapos niyang marating ang loob ay sumara na ang pinto. Lahat ng naiwan sa labas ay tumingin sa kani-kanilang relo. Namangha si Carl nang makita ang loob ng restaurant. Malinis, makinang at napaka-elegante. Palinga-linga siya sa kung saan-saan habang naglalakad para hanapin ang taong kaniyang sinadya; subalit hindi niya ito makita. "Nasaan na kaya yun?" aniya saka lumingon sa kaniyang likuran. Naglakad siya patalikod at napansing wala kahit na isang customer. "Puno 'to lagi noon, kaya bakit walang customer ngayon." Linggid sa kaalaman ni Carl ay isang dalagang may taas na anim na talampakan at tatlong pulgada ang maaari niyang masagasaan anumang oras. Ilang hakbang na lamang at maglalapat na ang kanilang katawan, pero bago pa man ito mangyari ay hinawakan na ng dalaga ang ulo ni Carl. "Gusto mo bang ipaling ko ang ulo mo?" tanong ng malumanay na boses. Hindi man sumigaw ang dalaga ay nangilabot pa din si Carl. May kalakihan kasi ang boses ng dalaga. Idagdag pa dito ang unti-unting paghigpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang ulo. "Ka-kaya ko na po. Ba-baka po mabali pa ninyo ang leeg ko." Nakahinga nang maluwag si Carl nang mawala ang malaking kamay na pumipisil sa kaniyang ulo. Humarap siya dito at ang dibdib ng dalaga ang una niyang nakita. Kinailangan pa niyang tumingala para makita ang mukha ng dalaga. Siya si Janice, ng tumatayong manager ng restaurant. Natakot nang husto si Carl nang makita si Janice. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Pakiramdam tuloy ng binata ay hindi siya welcome sa lugar. Gayunpaman ay hindi niya pinahalatang natatakot siya. "Hello po," pagbati niya. Kinawayan niya si Janice, pero wala itong anumang reaksyon na ipinapakita. Nanatili ding masama ang tingin nito sa kan'ya. Sa halip na sumagot ay hinampas ni Janice ng isang lumang notebook sa sikmura si Carl. Sunod niyang ibinigay dito ang isang ballpen. "Pakisulat na lang ng pangalan, adress at contact number mo," aniya sa mabagal na pananalita. Nahihirapan mang huminga ay tinanggap ni Carl ang mga nasabing bagay. Hindi niya maiwasang manginig sa takot nang makitang nanlilisik ang singkit na mga mata ni Janice. "Op-opo. Gagawin ko po." "Wag mong kalimutang lagyan ng number," paalala pa nito. Tumango muli si Carl at isinulat ang numerong 1995. Matapos isulat ang mga impormasyong hinihingi ay ibinalik na ni Carl ang ballpen at notebook kay Janice. "Heto na po, Madam!" Hinablot ni Janice ang ballpen at notebook na nagdulot ng labis na takot kay Carl. Basta na lang din ito tumalikod at naglakad. "Sandali po," wika ni Carl. Maging siya ay hindi din alam kung bakit pa ba niya pinigilang umalis ang taong kan'yang kinatatukan. Napakagat na lang siya sa kaniyang mga daliri nang biglang huminto sa paglalakad si Janice. "Ang tanga ko, bakit ko pa ba s'ya tinawag," bulong ng binata. Nilingon ni Janice si Carl nang tawagin s'ya nito. Napansin niyang nanginginig na ang binata sa takot at tila gusto nang tumakbo. "Sumunod ka sa akin at wag kang tatanga-tanga," wika ni Janice saka nagpatuloy sa paglalakad. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Carl dahil sa naging aksyon ni Janice. Buong pag-aakala kasi niya ay susugurin siya nito at gagawing panglampaso sa sahig. "Su-susunod na po," aniya saka dali-daling naglakad. Sinundan ni Carl si Janice na noo'y umaakyat na ng hagdan. Nang marating ang ikalawang palapag ay huminto sila sa harapan ng isang pintuan kung saan makikitang nakaukit ang mabangis na mukha ng hari ng kagubatan. "Narito na tayo," wika ni Janice. Hinawakan niya nang mahigpit ang door knob ng pintuan. Marahan niya itong pinihit at marahang binuksan ang pintuan na nagdulot ng mahinang langitngit. "Ihanda mo ang sarili mo." Kinakabahan si Carl habang nakatingin sa mukha ni Janice. Pakiramdam niya ay binabantaan siya ng kaharap niyang dalaga. "May-may halimaw ba sa loob?" Tumango si Janice. Ganap din niyang nabuksan ang pintuan. May dinukot din siyang kapirasong papel sa kaniyang bulsa at ibinigay ito kay Carl. "Tanggapin mo tapos tumuloy ka na." Hinablot ni Carl ang papel at dagliang pumasok ng silid. Isang malakas na lagapak ang narinig nang biglang sumara ang pintuan. Sinandalan pa ito ng humihingal na si Carl bago niya ikinandado. Hindi siya natatakot sa kung ano ang meron sa loob ng silid; mas natatakot siya kay Janice na nasa kabilang panig lang ng pinto. Samantala, sa labas ng restaurant ay nakatuon pa din ang paningin ng bawat isa sa kani-kanilang relo. Paminsan-minsa'y lumilingon sila sa pintuan ng restaurant na tila may hinihintay na lumabas. Makalipas nga ang dalawampung minuto ay naganap ang kanilang pinakahihintay. Sabay-sabay silang napalingon sa bumukas na pintuan kung saan nga nakatayo si Carl. Tadtad ng gintong singsing ang bawat daliri niya sa kamay. Patong-patong ang mga gintong kwintas sa kaniyang leeg at mga porselas naman sa magkabila niyang kamay. "Yaman ko," wika ni Carl bago siya bumagsak. Duguan ang kaniyang mukha at halatang napalaban nang husto. "Dalhin n'yo sa ospital." wika ng isang security guard sa kalmadong pananalita. Tila sanay na siya sa ganitong eksena. Kumilos ang limang katao para asikasuhin si Carl. Nilisan nila ang restaurant para dalhin ang binata sa pinakamalapit na pagamutan. Isinakay nila ito sa isang Lamborghini Urus. Nakita ni Justin ang mga pangyayari mula sa malayo. Tawang-tawa siya nang mangyari sa binata ang kaniyang mga sinabi. "Buti nga!" tawa nito. Pinanood ni Janice ang pag-alis ng sasakyang kinaroroonan ni Carl, habang nakatayo sa harapan ng pintuan, "Dalawampung minuto lang ang itinagal n'ya. Sino kaya ang sunod na mabibiktima?" aniya saka bumalik sa loob. Nagkaroon ng lakas ng loob si Justin na pumasok, pero kaagad ding naglaho ang kaniyang tapang at nakaramdam ng takot. Sa halip na tumuloy ay sumakay na lang siya sa kaniyang Ferrari. Naluluha niyang pinagmasdan ang restaurant at pinaandar ang makina. "Magiging akin ka din balang araw. Babalik ako bukas kapag matapang na ako!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
54.5K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
50.2K
bc

The Forgotten Wife

read
44.1K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
106.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
325.7K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.8K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook