Before peace was forged, six kingdoms suffered through a bloodbath as sacrifice for a new kingdom.
In every battle, a man named Hideo stood in the center of the victory. But after a great kingdom emerged, he chose to leave his violent past and live a normal life. Yet, the shadows of his past, remained burried, waiting for the day when old wounds would resurface.
As the kingdom he helped build faces new threats, a warrior carrying Hideo's ideals rises to defend the kingdom. But from the ashes of the past emerges another force, driven by a desire to reclaim and restore honor taken by previous war.
Selosa, mainitin ang ulo at bayolente ang babaeng si Althea del Rosario. Sa mahigit isang libong lalaking nagdaan sa kaniyang buhay ay wala pang tumatagal ng dalawampu't apat na oras.
May malalim na pagtingin sa kan'ya ang lampa, duwag at patpating si Justin. Hindi lang niya magawang aminin dahil natatakot siyang mabugbog.
Naisip ni Justin na dapat matutunan ni Theya na maging pasensyosa at kung paano tratuhin ng tama ang isang lalaki, kaya naisip niyang humanap ng taong magtuturo nito sa dalaga.
May malalim na pagtingin din kay Theya ang binatang si Derrick, subalit si Justin ang gusto ng ama ni Theya para sa kaniyang anak. Kaya para makasama niya si Theya kahit na sa limitadong panahon ay pumayag siya sa kasunduan. Siya ang magtuturo kay Theya ng dapat nitong matutunan at iiwan niya sa panahong nagawa na niya ang misyon. Magiging papel naman ni Justin na ituro dito kung paano ba ang lumimot.
Isang pagkatalo sa isang sugal ang dahilan kung bakit nawala kay Jonathan ang pinakamamahal niyang Lamborghini Veneno. Para magawa niya itong bawiin ay hinamon niya ang taong tumalo sa kaniya na nagngangalang Wolf, sa isang panibagong laro. Titira siya sa isang isla sa loob ng tatlong araw, kasama si Harlene, ang girlfriend ni Jonathan. Sa loob ng maikling panahon na yun ay hindi dapat mahulog ang loob ni Wolf sa dalaga, dahil matatalo siya sa laro.Baon sa utang si Harlene kaya nagawa siyang papayagin ni Jonathan sa isang kabaliwan na ito. Mayroon na lamang isang buwan para mabayaran ang isa sa kanila, kung hindi ay ikakasal siya dito. Hindi naman niya maaasahan si Jonathan dahil alam niyang hindi ito magbibigay ng pera na walang hinihinging kapalit. Alam din niyang pinaglalaruan lang siya ni Jonathan.Kilala niya si Wolf na isang woman hater kaya imposibleng manalo siya dito. Dahil na din sa pagiging desperada ay naisipan niyang gumamit ng gayuma para mahulog ang loob nito sa kan'ya.Magawa nga kayang mapaamo ni Harlene ang mailap na puso ni Wolf? Sino nga ba sa kanila ang mananalo sa isang larong matatalo ang matututong magmahal? Kanino mapupunta ang limpak-limpak na premyo? At sino ang iiyak para kanino?