CHAPTER 8 na (Arziel’s Point of View) Mag-aalas nuebe na ng gabi nang marahan kong isara ang pinto ng kwarto ko. Suot ko ang paborito kong black hoodie, maong pants, at puting sneakers. Hindi ako sanay mag-ayos ng ganito para sa ordinaryong gabi, pero ngayon, may lakad akong hindi puwedeng i-cancel. Bitbit ko ang phone at sling bag, sabay hagod sa buhok habang bumaba ng hagdan. Tahimik ang bahay, pero ramdam kong may presensya sa ibaba. Pagdating ko sa pinakababa, doon ko siya nakita. Si Kuya Gideon. Nakasandal sa gilid ng mesa sa sala, naka-gray shirt at dark jeans, hawak ang susi ng sasakyan. Pero hindi ‘yon ang unang tumama sa akin. Kundi ‘yung ngiti niya. Maluwang. Buo. Parang tagal niya akong hinintay. “Uy,” bati niya, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Ayos ‘yang a

