CHAPTER 9 ARZIEL POV Alas-dose na ng madaling araw nang makarating ako sa bahay. Pagkatapos ng group project namin ni Lucas ay nagkayayaan kami gumala. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng tahol ng aso sa di kalayuan ang sumasalubong sa akin. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura, pilit na iwasang gumawa ng ingay. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok, naramdaman ko na agad ang bigat ng presensya sa loob. At doon ko siya nakita. Si Kuya Gideon. Naupo sa sofa. Nakayuko ang ulo, nakapatong ang mga siko sa tuhod, at nakalapat ang dalawang kamay—mahigpit na mahigpit. Halos magputok ang ugat sa bisig niya sa tindi ng pagkakakuyom. Wala siyang imik, pero ang init ng tingin niya ay parang apoy na dumapo sa balat ko. “San ka galing?” malamig ang tanong niya. Buo, mababa ang tono—pero

