CHAPTER 31 ARZIEL'S POV Tahimik ang paligid matapos ang hapunan. Tanging huni ng kuliglig at mahinang hampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig mula sa bukas na bintana. Malamig ang simoy ng hangin pero hindi iyon sapat para palamigin ang init na nararamdaman ko habang nakatingin kay Gideon. Nakahiga kami ngayon sa kama, magkaharap. Nasa gitna kami ng kwarto, ilaw lamang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa paligid—malamlam, madamdamin. “Hindi pa ako inaantok,” bulong niya habang nilalaro ang isang hibla ng buhok ko. “E ano'ng gusto mong gawin?” balik kong tanong, kahit alam kong may laman ang tingin niya. Ngumisi siya, ‘yung pilyo niyang ngiti na lagi kong tinatago sa alaala tuwing magkalayo kami. Dahan-dahan siyang yumuko, hinaplos ang pisngi ko, at binigyan ako ng banayad na

