CHAPTER 32 GIDEON'S POV Umaga na nang gumising kami ni Arziel, puno ng saya at excitement para sa araw namin sa isla. Agad kaming naghanda ng mga gamit — damit pang-swimming, towels, at konting baon para sa piknik. Habang nagmamaneho ako ng motorbike papunta sa tagong talon na alam ko lang namin, napansin ko ang ngiti ni Arziel na kahit anong stress o problema ay nawawala agad. “Handa ka na, Zel?” tanong ko habang tinitingnan siya sa salamin. Tumango siya sabay sabing, “Sobrang excited na ako.” Pagdating namin sa talon, namangha kami sa ganda ng paligid—malinaw at malamig na tubig, paligid na puno ng luntiang dahon, at ang tunog ng umaagos na tubig na parang musika sa tenga namin. Hindi na kami nag-atubiling sumisid at magpalutang-lutang sa malamig na tubig. Tumawa kami nang magkayaka

