CHAPTER 38 ARZIEL POV Nagising ako sa sinag ng araw na dahan-dahang tumatama sa mukha ko. Napapikit pa ako sa init bago ko tuluyang namalayan na nasa sofa pala kami ni Gideon nakatulog. Napahilot ako sa batok ko — masakit at nananakit, marahil sa posisyon naming dalawa kagabi. Pagtingin ko sa tabi ko, mahimbing pa ring natutulog si Gideon. Nakahilig ang ulo niya sa braso ko, parang batang ayaw bitawan. Napangiti ako saglit, pero may kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Para bang may hindi tama, o may mangyayaring hindi ko inaasahan. Binalewala ko ang kutob na ‘yon. Baka dala lang ng pagod at ng napaka-relaxing naming bakasyon. Dahan-dahan akong tumayo para hindi siya magising, saka umakyat papunta sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, unang bumungad sa akin ang picture

