CHAPTER 20 ARZIEL POV Tahimik akong nakaupo sa kama habang hinihintay bumalik si Kuya mula sa labas. Narinig ko kanina na kausap niya si Lea bago ako pumasok sa bahay. Mula sa kusina ay diretso akong umakyat sa kwarto para magpahinga at makaiwas sa kanya dahil baka makahalata sa biglang pag busangot ko dahil sa inis na nararamdaman sa kanya. Biglang tumunog ang cellphone ko mula sa loob ng bag. Napakunot-noo ako nang makita kung sino ang tumatawag — si Yanyan. "Hello," bungad kong sagot, medyo nag-aalangan kung ano na naman ang kailangan nito. "Hello, girl! Ano, kamusta ka na? Anong nangyari nung kinidnap—este, kinaladkad ka ni Gideon?!" Alalang tanong niya, halatang sabik sa chika. Napakagat ako sa labi. Kinabahan. Sasabihin ko ba sa kanya? Na kami na ni Kuya Gideon simula ng gabing

