CHAPTER 21 ARZIEL – POV Dumilat ako sa liwanag na unti-unting pumapasok mula sa bintana. Maliwanag na ang paligid, at ramdam ko ang init ng araw na dahan-dahang dumadampi sa balat ko. Pero higit pa roon, mas ramdam ko ang init ng bisig na nakayakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako. Nakahiga ako sa gilid ng kama, si Gideon nasa likuran ko, mahigpit ang yakap, para bang ayaw niya akong pakawalan kahit pa natapos na ang gabi. Ramdam ko ang mabagal niyang paghinga sa batok ko, at bawat hininga niya ay tila humahaplos sa balat ko. Dahan-dahan akong gumalaw, humarap sa kanya. Nandoon pa rin ang himbing sa mukha niya, pero mas kalmado, mas kontento. Napansin ko ang kamay niyang nakalapat sa baywang ko habang ang isa nama’y nakasuksok sa ilalim ng batok ko. "Gideon..." bulong ko, pinapan

