"Am I sick then?" bungad ko agad na tanong sa doctor nung nakabalik na siya mula sa mga ginawang test. Nangangamba ako para sa sarili. Mas lalong lumala yung mga kakaibang nararamdaman ko kaya ako na mismo ang pumunta sa doctor. Tahimik siyang umupo habang pinagmasdan ang aking mukhang may pinta ng pag-aalala. "No, you are not." nakangiti niyang balita sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. "Thanks God." sabi ko pa habang sapo ang aking noo. Paano na lang pag may sakit ako? Hindi ko na magagawang bantayan pa si Dad pag nangyari yun. "But a congratulation in advance to you Miss Hidalgo." It caught my attention. Kumunot ang noo ko na tila nagtatanong kung ano ang ibigsabihin niya sa binitawan niyang mga salita. "Come again?" paglilinaw ko pa dahil baka mamaya ay iba na ang nar

