Chapter 3: New Friend

2989 Words
Chapter 3: New Friend Over POV "Everything will change, and everything will chance." Basa ko sa nakasulat sa libro. Kanina ko pa ito dala-dala kesyo maganda raw kung nagbabasa para nasa tiyan palang ang bata natututo na. Advice nang magaling kong Kuya. "Why don't want to keep on going, Why this tears never stop flowing?" Muli kong basa sa sunod na pahina. Kanina pa ako sagot nang sagot sa bawat quote ng libro. "Do you need something?" Biglang sulpot ni Kuya Clover, na abala sa selpon niya. Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon sa binabasa para hindi ako pagalitan mamaya. Actually gabi na kaso hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi kaya nagbasa muna ako. Kabilin-bilinan kasi ni Kuya Ever, na magbasa ako at kung sumuway daw ako hindi raw ako pwedeng maggala. At 'yon ang hindi pwede. May mga importante pa naman akong gagawin. "Over?" tawag pansin ni Kuya. Nang lingunin ko ito salubong na ang kilay na ang ibig sabihin iritable na. "Hmm?" simpleng ani ko at agad ibinalik ang tingin sa hawak. Naisipan ko lang kasi na kapag natapos ko basahin ang libro isasampal ko sa pagmumukha ni Kuya. Ipagmumukha ko talagang finish na. "Tinatanong kita." Madiin niyang sabi dahilan para agad kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nagtanong pala 'to. Akala ko may kausap na iba. "Alin ba?" Walang ideyang tanong ko. Nanatili ang masama niyang tingin sa akin bago sumagot. "Do you need something? Food?" Diretsyang aniya. Sa akin pala 'yong tanong na 'yon. Akala ko sa selpon kasi ito naman lagi ang kausap niya tuwing mag-isa. Napalabi ako para isipin kung may gusto nga ba akong ipabili pero nang wala talaga akong ma-isip umiling nalang ako, "Wala." Wala na akong narinig mula sa kanya, basta umalis nang walang pasabi. "Over, tara nga rito!" tawag ni Kuya Never, na kakarating lang. "Problema mo?!" sigaw ko dahil tamad akong umalis sa puwesto ko. "Come here! I saw you something nga kasi!" sigaw niyang pabalik. Manong na 'to! Sigawan ba naman ako. Pero sa katamaran hindi na ako nag-abalang tumayo para alamin ang sinasabi niya. Bahala siya. "Anak ka ng pating! Hindi nakikinig." aniya habang nakapamaywang sa tapat ko. "Ano? Ano na naman?" "May sinasabi ako!" "Alam ko. Narinig ko nga mula rito. Sigawan ba naman ako 'di ba?" Pilosopong saad ko. "Here." aniya sabay abot sa akin. "Buksan mo." utos niya. "Magaling. Nasa sa'yo na 'to, hawak mo na tapos ibibigay mo sa'kin. Para ano? Ako magbukas. Ano kayang silbi ng kamay 'di ba? Magbukas lang ipasa pa sa'kin para ako ang gumawa. Mahusay kang pasaway." Kahit labag sa loob ko ako na ang nagbukas. Matapos kong matanggal ang wrapper ibinalik ko sa kanya. "Babae nga naman. Ang dada. Ang daming putak." Pagpaparinig niya. "Total ikaw na nagbukas e 'di ikaw na rin magtuloy." Pabagsak siyang naupo sa tabi ko. Mukha itong pagod. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbukas sa box. "May training pa kayo?" Bukas ko nang topic about sa kurso niya. Madalas kasi itong nasa training at madalas din nasa gala ng barkada niya. "2 months nalang." sagot niya. "Na naman?! Huwag mong sabihin na ito ang bago kong babasahin?" Libro na naman kasi. Tapos about sa bata. "Kailangan mo 'yan para hindi ka mangmang. Atsaka be responsible when it comes sa baby mo. Kailangan habang nasa tiyan palang may alam ka na. Kasi kung nasa tiyan palang wala kang alam at hirap ka na, paano pa kaya kapag lumabas na? Atsaka hindi naman mahirap--" Binatukan ko siya. "Mahirap, ikaw kaya magbuntis?!" "Hindi maganda 'yan. Nananakit ka na!" "Ano naman sa'yo?!" Hinampas ko na sa kanya ang librong hawak ko. Tudo sangga naman siya nang braso niya para hindi siya matamaan sa mukha. "Huy! Babasahin mo lang 'yan babae! Tama na nga--kanina ka pa--aray!" Panay ang ilag niya sa mukha niya. Takot magalusan. Natigil lang kami dahil sa pagdating ni Kuya Clover. Isinantabi muna namin ni Kuya ang away namin dahil dumating na ang 'The boss'. Ito 'yong mahirap banggain. "Kapag importante sabihin mo agad sa akin." Bilin ni Kuya Ever tsaka ito bumalik sa kusina. Binaliktad-baliktad ko ang selpon niya para suriin. Maganda ang klase, pati case itim and there's more. Naman--may nakasilid din na pera. Napangiwi nalang ako kasi may picture rin. Tumagal ang tingin ko sa picture. Ang ibang nasa picture namumukhaan ko dahil makailang beses ko rin nakita. Pero 'yong hindi ko na kilala. Ang badoy. Naki-uso ang lukong babaero. Napatingin nalang ako sa selpon niya nang magvibrate ito tanda na may message siya. Pinakialaman ko nalang total may basbas naman. Basta kapag importante sabihin daw agad sa kanya. :Nevermind Important Notice! Para sa aking kaibigan?? Marapat sanang ito'y iyong malaman? Ako'y nanunumpa?? Bilang tagatinda? Bili ka na? Dahil mula sa mga oras na 'to? Tiyak, panigurado? Walang duda, sigurado? Sa isang iglap kapag bumili ka?? Ikakacrush back ka?? Naglaglagan ang mga mukha ng kasama sa gc nila. Kanya-kanyang react naman ang mga kaibigan niya. Pero ibang klase si Kuya. Nagbenta sa gc nila. : Sandigan replied to Nevermind Sayang Pre. Sad to say but my money was already gone. : Supersand replied to Nevermind Ano bang binibinta mo? Masyado ata ang pangangailangan mo sa pera? : Really Urgent? : Killer I get it. Mangutang ka nalang Bro, sa akin. Para at least mabalik din pera ko. : Nevermind replied to Killer Kaya magbebenta para magkapera hindi para magkaroon nang problema. : Hekasi replied to Nevermind Magbebenta ka talaga? : Nevermind Malamang, Pareng Hekasi. 'Di obvious no? : Killer replied to Nevermind Don't forget Bro. Customer is always right. : Supersand Agree! Walang bibili sa'yo, Dude. Suplado e 'di naman bagay. : Hekasi replied to Nevermind How can I consider you as seller if you don't have any paninda? : Nevermind Sending photos.... : Killer What's that? : Sandigan Seriously? : Supersand Pass. Marami kami n'yan. : Hekasi Tsk. Ang hina nang benta kung ganyan. Chicks, panigurado kahit lima kukuha ako. : Supersand Kape para magkaroon si Lolo Jello nang pake hahaha. Bro, Jello, lapag naman pag may time. : Hekasi Alak nalang para sa pusong wasak, na ang mundo'y bagsak dahil bumitaw na siya sa pagkakahawak. Itinaob ko nalang ang selpon ni Kuya sa mesa. Wala naman saysay ang gc nila, kabaduyan lang. Daig pa ang mga babae. Ang conry, ang mangmang. "May problema?" Sulpot ni Kuya na may dalang malaking mangkok na may laman na pop-corn. Nag-aya na naman kasi. Movie marathon daw kaming dalawa. Nakakahalata na ako. Panay ang pagsama niya sa akin, madalas nakabuntot. "Wala. Teka nga! Ang pangit naman ng movie na 'yan! Palitan mo." Sabay abot ko sa kanya ng remote. "Ang arte kahit kaylan." Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi niya. Baka masapak ko siya kahit Kuya ko pa. Pagkatapos ng movie na pinapanood namin kanya-kanyang tulog na. May klase ako bukas tapos kailangan maaga dahil may meeting kaming mga SSG officers. Ako pa naman nakatuka sa paglilibot para i-check ang mga magaganap na event. "Senyora, Madam. Late ka nang gising." Bungad sa akin ni West. Isa rin kasi siya sa SSG officers at sa katunayan kasama ko lagi para gampanan ang gawain namin. Sa sobrang dalas na magkasama kami panay sabi sila sa amin na kambal. Madalas kasi kaming pareho sa ibang bagay tulad nang, parehong seryoso, iwas sa gwapo at luko, higit sa lahat mahilig makipagbasag-ulo, pero sa katunayan nadadawit lang. Kung baga nagkataon lang. Tsamba. "Sa room 101 may kaguluhan daw kanina." aniya habang nasa note niya ang tingin. Madalas kasing nasa kanya ang lahat ng schedule. "Saan dinala?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa bawat na dadaanan naming booth. "B." Simpleng sagot niya. It's means, B. both. May rating svar kami kung tawagin. Dito malalaman kung saan mapupunta ang students na makakagawa nang mali. A-admins, B-both, C-clinic, and D, None all of above. Syempre kapag nasugatan naman dinadala na agad sa clinic pagkatapos sa admins naman. Hindi pa tapos sentensiya syempre. Kapag D, siguro nagawan na agad nang paraan or nailabas ng campus dahil sa malala na siguro, baka nasa hospital gano'n. "Maganda ba?" Mahinang tanong ko. Gusto kong malaman kung dapat bang madismaya ako kasi hindi ko naabutan ang eksenang 'yon. "Hmm?" Naangat ang tingin niya sa akin. "Sa mga booth?" patanong niyang sagot. "Hindi. 'Yong kanina." Bagot kong sabi. "Ay, 'yong away ba?" "Oo," sagot ko sabay tango. "Ah... Hindi. Hindi naman intense. Walang thrill." Pareho kaming tahimik na nilibot ang buong campus. Kahit kasagsagan ng tanghali wala kaming sinayang dahil bigla kaming hinihingian nang update para masiguro ang ayos nang magiging takbo ng event. "Take a risk first." Someone say. Plano ko sanang hindi abalahin pang tingnan pero parang may kung anong nagsasabi sa akin na tingnan ito. At gano'n ang pagtataka ko nang makita kung sino siya. "Heedless." Mahinang bulong niya. Pero malinaw sa tainga ko 'yon! "Inggit, pikit!" Umalis ako roon. Kung kanina ramdam ko ang pagod ko pero ngayon--ay kahit hindi na! Lakarin ko nalang ulit ang Faculty. Gulat at nagtatakang binalingan ako ng lahat. Kaaalis ko lang tapos napabalik din agad. "Ang bilis mo ah?" Taas kilay na saad ni West, at nahihimigan ang pagkasarcastic niyang sabi. "Biglang naging maalinsangan kasi sa labas. Pambihirang hangin." Palusot ko. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa. Pero maliit na ata ang mundo at pinagtatagpo pa kami? Pagtiyagaan nalang dahil sa ngayon lang naman 'to. Bukas o bukas makalawa hindi ko na rin makikita ang mukha niya, lalo na ang mapanglait na mapanakit, na pasmadong bibig niya. "Anong oras na ah? Uwi pa ba 'yan ng matinong babae?" Bungad sermon ni Kuya. "Tsk. Huwag ka nang mag-alangan. Hindi naman ako matinong babae, kaya kalmahan mo Kuya. Puso mo baka mapano." Ngising pang-aasar ko. Parang hindi niya kilala ang kapatid niya. Atsaka inasikaso ko lang talaga ang kailangan kong gawin. At hindi lang naman ako ang late umuwi, kasama ko rin naman ang mga SSG officers. "Tigilan mo ako sa mga ganyang sagot Over. Hindi ako nagbibiro at hindi ako natutuwa." Madiin niyang sabi na talagang seryoso nga siya. Sino ba kasing may sabing nagbibiro at natutuwa siya? Wala naman nagsabi huh? Tumikom ang bibig ko para hindi siya mahigh-blood. Baka kargo ko pa kapag nagkataon. Ibaling pa sa'kin ang sisi. "Hindi tayo uuwi?" Takang tanong ko kay Kuya. Nandito kami sa isang malaking bahay. Inabot muna niya sa'kin ang gatas na siya mismo ang nagtimpla bago sumagot, "Wala si Mama at Papa, pinapatawag sila ng side ni Papa kaya 'yong dalawa lang ang nando'n. Don't worry, nagpaalam naman ako kay Kuya Clover." Sumimangot tuloy ang mukha ko. Mukhang mababagot ako rito. Walang maka-usap, bawal naman na akong lumabas kasi malamig baka raw magkasakit ako. Madali pa naman daw dapuan ng sakit ang buntis dahil kadalasan napupunta ang nutrients niya sa baby na nasa sinapupunan. Wala naman akong kontra roon dahil napag-aralan din namin. "Kuya?" tawag ko pero walang sumasagot kaya ang ending hinahanap ko siya. Lakad dito lakad doon ang ginawa ko pero iba ang nakakatagpo ko. "Sister ni Ever?" Pagkumpirma niya. Tanging tango ang sagot ko. "Alam mo kung saan siya?" Agad kong tanong. Napasnap siya bago sumagot. "Sa rooftop." aniya. Tumango lang ulit ako. Kaya pala hindi ko mahanap nasa taas pala. "One more thing, saan ang way?" "Sa rooftop?" Paniniguro niya. "Yup." "Deretso lang tapos sa kanan may pinto ro'n. Buksan mo lang tapos may daan do'n paakyat." Napatango ulit ako bilang sabi na, 'okay, gets'. "Pero bawal ka ro'n." Biglang sabi niya. Naguluhan naman ako. Sinabi pa ang daan pero bawal din naman palang pumunta. Kangkong na kausap 'to! "Bakit naman?" Alanganin siyang sumagot na bahagyang napapakamot sa sariling batok. "Boys thing? Basta, it's bad for you to know. Basta, rest ka raw sabi ng Kuya mo. Not good for your health daw na magpuyat." Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat at ipinihit sa ibang direction at itulak paalis. "I'm the one who assess you. Want do you want ba?" Sa paraan nang pakikipag-usap niya aakalain mong baliko ang isang 'to. Matipuno ang katawan at may dating pero hindi ko maintindihan at kailangan niyang baguhin ang paraan nang pakikitungo niya sa akin. Nagmumukha tuloy siyang ingot. "Sabi ng Kuya mo I treat you as same as you, so charan, agaran, iyong kapalaran!" Hinawi niya ang imagination hair niya at pinalo pa ang puwet niya kasabay nang pagpapalambot niya ng katawan niya. Lagot. Baka sa'kin isisi ang biglang kalambutan ni'to. "I suggest---" Nabitin sa hangin ang sasabihin ko. "Bobits, just leave it to me." Muli niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko para paupuin. "You're my guest, so feel free yourself here. I got you!" Sabi ni'to at sabay kindat na may pakagatlabi pa. Hindi ko mapigilang ngumiti sa kalukuhan niya. Hindi ko lubos maisip na may lalaking hindi ako nasuntok sa kahahawak sa akin. "You know, I guess we should go tomorrow morning for glocery? You bet?" Pareho kaming na palumbaba kakaisip kung anong magandang gawin. Naubusan din kasi siya nang idea. "Tingnan ko muna schedule ko." Kung wala naman kasing gagawin sa school bukas ibig sabihin malinis schedule ko. "Pero sagot mo?" Walang hiyang sabi ko. Tumaas ang kilay na talagang ang taray tignan. "Ofcourse hingi tayo sa mga gwapings na Bulikil." Natawa kaming pareho dahil sa kakaibang kalandian niya. "What do you means, Bulikil?" "Impakta ka! Natawang-tawa at nakitawa pero hindi alam kung anong tinatawanan? Grabs, ka na!" Sabay ulit kaming natawa. Actually I'm not like this. 'Yong tipong matatawa nang sobra. Pero hindi ko alam sa lalaking 'to halos masira ang mesa kahahampas ko sa labis na tawa. "Oh no-hahaha. Bakit ka umiiyak?" Turo niya sa'kin habang tumawa-tawa. Hinawakan ko mga mata ko para masiguro. At totoo nga. "Hindi ba 'to 'yong tears of joy?" Lalo kaming natawang pareho. "Ito ba 'yon? Huy?!" I ask confused to him. "Poor creation hahaha. Hindi mo ba alam?" Bigla siyang sumeryoso nang makita akong seryoso na. Umiling ako. "Hindi nga. I'm not a liar." Pagkumpirma ko. "Weird." Kumento niya. "Weird ako? Weirdo gano'n?" Hindi ko naman kasi masisi ang iba na masabihan ako na weird. Parang nakalimit kung baga ang emotion ko. Poker face and naughty. Hindi rin ako gano'n umiiyak, I mean tsaka lang ni'tong buntis ako. "Sabi ni Mama sa akin ilan lang daw emotion ko. Seryoso o kaya luko. Pero ang umiyak, hindi nakita sa akin 'yon ng magulang ko. Ibig sabihin this is new to me. Tears of joy?" Sabay tawa ko ulit. "Totoo naman, tears of joy din. Pero 'yong tears of joy na isa. 'Yon 'yong sobrang saya mo sa labis na tuwa. Parang kanina na nangyari sa'yo." Paliwanag niya. "Pero panigurado malalaman mo rin 'yong isa. Hayaan mo nalang na kusang dumating." Ngiting sabi niya na talagang ina-assure na mangyayari 'yon at totoo ang sinasabi niya. "Eh 'yong tanong ko? Nakalimutan mo na e." Pagpapaalala ko. "Nga naman. Ito na nga Bobits--" "Pati 'yan!" Pigil ko sa sasabihin niya. "Anong pati 'yan?" Siya, na confused. "Bobits. Tapos 'yong Bulikil." sagot ko. Napa-ah naman siya. "Bulikil means lalaki. Bobits naman kapag babae. Malalim siyang tagalog. Share ko lang ah. Nabasa ko sa dictionary hahaha." aniya. 'Yong sabi niya na bawal magpuyat eh ayon salita lang. Dahil sa puyat alas-diyes na ako nagising. Hindi naman na alam ni Kuya kasi lasing ang luko. "I told you, I got you! Ano gora na us?" Biglang sulpot niya sa tabi ko. "Huy! Saan mo dadalhin 'yan?" Biglang sulpot naman ni Kuya habang sapo-sapo ni'to ang ulo niya. "Ilalayo ko siya rito?!" Sigaw na sabi ni--eh? Teka, hindi ko manlang na alam ang pangalan niya. "ITATANAN MO??" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kuya na bahagya pang nanlalaki ang mata sa narinig. Biglang wala atang na wala ang hang-over. "Hindi!" Pabalik na sigaw ni Bulikil. Bulikil nalang, lalaki meaning daw no'n at lalaki naman siya. "Date?!" "Hindi rin!" "Then what?!" Hinila na ako ni Kuya palayo kay Bulikil. "Pal, igagala lang. Pasyal, hindi itatanan." Umirap ito na parang babae habang nakacross arm. Ang gwapong mataray. Lalaki naman siya kaya gwapo pa rin atsaka may hitsura talaga. Pero daig pa ang isang tulad ko sa pagiging mataray niya. Nilampasan. "Pftt--" Pigil tawa ko. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa. Grabe na siya. Pakiramdam ko bibigay na ang luko. Tapos hindi niya pinalagpas ang kanyang kaibigan at sinampolan niya. "How sure you are?" Paninigurado ni Kuya. Nagtaas kilay si Bulikil kay Kuya bago sumagot, "Kasama namin si Never. Gusto raw makita kapatid mo. Ano satisfied?" Umirap uli siya tsaka hinawa ang buhok niyang naging bangs kasi nagfeeling bobits nga. Nag-aalala si Kuya sa inaakto ng kaibigan. Nakita kasi ni'to ang kilos ng kaibigan niya na talagang taliwas sa tunay na siya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kuya na bahagya pang lumapit kay Bulikil para idampi ang kamay ni'to sa noo ng kaibigan. "Masagwa! Dirty, kadiri! Stay a way from me!" Umakto si Bulikil na nandidiri matapos ni'tong hampasin ang kamay ni Kuya. "What the--what happen to him?" Baling sa akin ni Kuya. Nagkibit-balikat nalang ako at kalaunan ay sumabog ang tawa galing sa akin. Hanggang ngayon ba naman pinapangatawan niya ang role niya kagabi. "A-Are... y-you for r-real?" Utal na wika ni Kuya habang nakaturo sa akin, hindi makapaniwala. Nanlaki ang mata mamaya ay kumurap-kurap pa. "Bobits! Kuha ka ng pantapal! Malalag na mata niya." Si Bulikil. "Pftt--tarsier." This moment sabay na kaming buwelta nang tawa. Napapahawak pa ako sa tiyan ko samantalang si Bulikil naman ay nakahawak sa magkabilaan niyang tuhod para suportahan ang sarili sa panghihina dahil sa katatawa. Ngayon ko na patunayan na hindi naman masamang may kaibigan na lalaki. At hindi lahat ng lalaki may masamang intensyon. Like my father and my brothers. May mabait naman pala basta hindi isara agad ang isipan. Nabigyan ng pagkakataon para makilala ito kahit sa maikling panahon. At huwag agad magjudge or just we say criticism. "Never judge a book by its cover."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD