Chapter 4: SSG officers
Over POV
Mas naging madalas kong kasama si Bulikil. Minsan naiisip ko mukha na siyang espasol sa dalas kasing magpatawa. May mga pagkakataon naman na naiinis si Kuya Never sa kanyang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman kasing ginagawang masama ang kaibigan niya.
"Anong eksena 'yan?" Si Kuya.
Nandito kami sa lapag at nanonood ng horror movie. Actually dalawa lang kami ni Bulikil kaso bigla naman sumulpot si Kuya. Kaya lang nagsusungit na naman ito.
"Horror." sagot ko habang ang tingin ay nasa tv.
"Hindi ko tinanong kung anong pinapanood niyo. Kundi, anong eksena n'yong dalawa? Bakit nand'yan kayo sa lapag?" aniya. Pero naramdam kong umupo siya sa tabi ko na naupo rin sa lapag.
Ang arte. E isa rin naman siya.
"Trip." Maikling sagot ko.
"Pre, may tsismis ako mamaya." Si Bulikil na ang paningin ay nasa tv.
Hindi naman na sumagot si Kuya at tahimik na kumain at nanood. Ewan ko lang kung nasasabayan pa ng dalawa ang pinapanood o kaya'y naiinis na. Pero isa lang ang sigurado, nagtitimpi silang dalawa. Paano ba naman horror movie ang pinapanood namin tapos ito naman ako tinatawanan lang.
Benta kasi sa'kin 'yong pagka-common, na kaya naman natakasan no'ng mga characters sa tv 'yong humabol sa kanila pero... ay ewan ko lang. Basta, marami akong tawa.
"Enjoy na enjoy no?" Sarkastikong sabi ni Bulikil halata sa mukha ang pagtataray na naman.
"Tsk. Matulog ka na exotic! Sige na!" Pangtataboy ni Kuya sa akin. "Late na, kitam?" sabay turo niya sa orasan na nakasabit sa wall.
"Malamang. Kitam, may mata ako? Kita ko talaga." Pilosopong sagot ko kaya kamuntikan na akong mabatukan.
"Umayos ka Over, kung hindi! Aba'y naku! Buti nalang may bigla akong naalala kaya hindi kita mabatukan. Pero ulit ka pa at hindi ka aalis!" Nanggigil niyang banta sa akin.
Napanguso naman ako, "Ayieeh si Kuya." Lakas loob kong sinundot ang tagiliran niya, animo'y kinikilig. "May naalala." Tinapik ko ang balikat ni Kuya kaya lalo itong inis natumingin sa akin. "Magbebreak din kayo." Dagdag ko at agad naglakad paalis. Dinig ko pa ang sigaw niya.
Pikon ang luko e totoo naman.
Pangiti-ngiti akong naglakad papuntang kuwarto ko nang may marinig akong nag-uusap. Hep! Hindi ako tsismosa, naki-k-chika lang. Magkaiba 'yon, sabi nga wrong spelling it's mean wrong.
"Here. I brought you a documents you need." Dinig ko.
Hindi ako umalis agad. Nagtangka akong sumilip ang kaso wala akong makitang tao at mahirap naman buksan ng kaunti ang pinto baka mamaya mahuli ako. Base na rin sa pinto ng kuwarto kung saan ako e maingay 'yon kapag binubuksan. Maging kuwarto ni Kuya at Bulikil gano'n din kaya hindi malabong lahat ng pinto rito gano'n talaga, pasadya.
"She is on duty all day?" tanong ng familiar na boses.
Isang tao lang ang may boses na alam kong mayro'n no'n. Si Lion king.
"Yes. But no worries. I can make a investigate for you." sabi nang kausap ni Lion king.
Hindi kaya part pa rin nang plano niya? Para makuha ang nasabing company ng Lolo niya? Okay. Makikinig muna baka may clue pa.
"If you need any thing just call me. I'm gonna go now." Paalam nang kausap niya. Wala akong nagawa kundi umalis agad na kunyari ay napadaan doon at walang napansin.
Sayang, may topic sana kami ni Bulikil. Sayang talaga. Pero about pa 'rin kaya sa mana 'yong usapan nila? Sino kaya 'yong she? Babae raw. 'Di bale halata naman na mga chicks boy sila.
Pagkarating ko sa kuwarto nahiga agad ako pero nagring agad ang selpon ko. Wala sana akong balak damputin at sagutin kaso ang kulit.
"Bakit ngayon ka lang sumagot?! Kanina pa kami tumatawag! Nagtext na rin kami sa'yo pero walang reply?! Pati sa sss nagmessage KAMING lahat sa'yo! Oh, ano na? Bakit hindi ka sumagot?! Wala ka bang naririnig? Hoy?! Sabi ko---"
"Putak pa." ani ko. "Paano ako magsasalita e ang daming sinabi." Buti nalang at malayo ang selpon sa tainga ko.
Pansin ko lang. Trip ata ako ng mga tao na sigawan. Nakakahalata na ako e.
Nagpakawala muna ito nang hininga bago nagsalita. "Ikaw kasi kanina pa kami tumatawag sa'yo at ito lahat nga kami nagpaload para tawagan kalang--"
"Sinabi mo na 'yan kanina. Paulit-ulit." Putol ko sa sasabihin niya.
"Nakikinig ka ba? Importante nga kasi! Tapos parang wala lang sa'yo--"
"Okay, importante nga. Babye--"
"Teka! Hoy!"
"Ano?"
"Sasabihin ko na okay! Si Pres kasi pinapapunta ka sa Campus. I mean lahat ng member ng SSG. Kailangan ayusin 'yong events kasi may nagsabutahe. Sira ang ilang booths!"
"So, kasalanan ko?" Hindi ko naman problema 'yon atsaka nagsabi na ako sa kanila before na may posibilidad na mangyari ang pagsabutahe sa events. Wala, hindi naman sila nakinig sa akin.
"Hoy! Huwag kang ganyan! Wala naman kasing mag-aakalang mangyayari 'yon." giit niya.
Napangiwi nalang ako. "Ako." maikling sagot ko.
"Huh?" naguguluhan niyang tugon.
"Sabi 'ko. Inexpect ko nang mangyayari 'yon at sinabi ko sa inyo kaso tinuloy niyo plano niyo." 'Yon araw na 'yon mag-isa kong kumontra sa plano. Pero sila ayon pinagtulungan ako, sinigawan pa ako ng karamihan.
"Oo na. Ikaw na!" Pagsuko niya. "Pero pupunta ka ngayon?" tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.
Ngayon? Ngayon gabi?
"Hindi ako papayagan." sagot ko habang ang tingin ay sa kisame. Naasar na sa akin si Kuya kaya panigurado hindi papayag 'yon. Tapos 12:35 na, talagang bawal lalo na sa kundisyon ko.
"Pero galit na si Pres. Lalo na no'ng ikaw nalang ang hindi naglalapag sa gc. Tinawagan ka niya at tinext pero wala. Lalong sumabog sa galit tuloy. Tapos 'yong iba sinisi ka."
Napabangon ako 'di oras. Alam ko naman may problema sa akin ang ibang miyembro ng SSG. Hindi na bago sa akin 'yon. Tapos ayon nga may nabitawan pa akong salita na ngayon isinisi nila sa akin.
"Saan ka na?" tanong ko habang nakaangat nang tingin sa palapulsuhan ko kung na saan ang sarili kong relo.
"Sa labas ng seven-eleven."
Umalis ako na walang paalam. Kung baga naglakwatsa. Kailangan ko kasing lampasuhin ang problema nila. Mga hindi kasi nakikinig. Tsk.
Matapos nang sinabi niya dali-dali akong lumabas dala ang pinamili kong pagkain. Pangbawi ko nang lakas ang mga pinamili ko para sa gawain namin mamayang meeting. Pero panigurado planning ang mayro'n mamaya.
Tulad nang inaasahan ko. Masama ang pinupukol na tingin sa akin. Unang lumapit sa akin si Pres na balot na balot ng itim na awra. Sa likuran naman niya ay si West na papunta rin sa direksyon ko.
Ice. Pauulanan ata ako ng asupre.
"What's the plan?" Bungad niya. Nakapamulsa itong nasa harapan ko.
"Kanina pa kayo rito wala man lang kayong na-isip?" At least sumagot nagtanong na ako. Unahan ko na siyang magalit syempre.
"Hindi makapag-usap nang maayos kanina and still now. Nagtuturaan na ang lahat at ayaw magtake nang responsibility ang iba." Si West ang sumagot na ngayon ay nasa gilid ni Pres.
"Kumpleto naman ang lahat so, start na na'tin ang meeting and for sure gusto rin na'tin lahat magpahinga." Si First na siyang nanguna sa paglalakad papuntang faculty.
Pagkarating palang sari-sari na ang sinabi ng karamihan. Ang daming nagrereklamo at may nanunuro sa kung sinong may pagkukulang. Sa labis na ingay kailangan pang kalampagin ni Pres ang mesa para tumahimik ang lahat.
"Instead of accusation please think and use you're mind for this mess! We have one day to clean and settle everything, so please be cooperate. Kailangan na'tin ang isa't isa sa ngayon. Gawin na'tin ang tungkulin na'tin and despite for now the fight of each other. Aayos ba 'yon? Magkakasundo ba tayo kahi't ngayon lang?" Tanging tango ang sagot ng lahat. Madalas kasing seryoso itong si Pres at kapag sobrang seryoso na siya ibig sabihin galit na. Pero hindi naman siya laging galit, kapag napuno lang talaga.
Mahirap din naman kasing matapakan ang role mo like him, as SSG President. Dahil bagsak sa kanya ang lahat, siya lagi rin ang sumasalo ng malaking responsibilidad na hindi lamang respeto ang lagi ni'tong dala-dala.
"Okay. Para mapadali at matapos na'tin ang ibang problema. Magtaas lang ng kamay kapag may idea siya, okay?" Si Erickson ang siyang tumatayo bilang Vice-President.
May bilang nagtaas ng kamay at tumayo ito. "What if magpasama nalang tayo sa mga Classroom Officers? Para tulungan tayo?" suggest niya.
Marami ang nakuha sa suggest niya at sumang-ayon. Pero kung may bida syempre may bida-bida.
"Bakit hindi na'tin kunin ang statement ng Secretary 'di ba? Total siya naman itong nakahula na mangyayari 'to at baka malay na'tin mahulaan niya ang sagot sa problema, right?" saad naman ng isa. At kung hindi ako nagkakamali siya 'yong co-officers ko na may galit sa akin.
Nabitingin sa hangin ang iniinom kong kape sa magandang idea ng kasama namin.
"Personal ka 'teh." Hindi natinag si First sa pagpatol.
"It's true. Just trust me."
"Nga naman. Syempre trash ka nga 'teh. Ang naiibang trash kasi minsan may pakinabang pero basura ang laman." Hindi pagpapatalo ni First kaya para hindi lumala inawat na sila ng ibang Officers.
"Be matured enough okay? Idea hindi problema niyo sa isa't isa. Mahirap bang intindihin ang sitwasyon na'tin ngayon? At 'yan, nakukuha niyo pang mag-away." This time si Vice na ang umawat at nanermon.
Bago pa masundan nang panibagong away at sermon nagtaas na ako ng kamay.
"Yes. May suggest ka?" Supladong ani ni Vice.
"Kangkong malamang mayro'n. Kaya nga nagtaas ng kamay 'di ba?" Umikot ang mata ko sa pagka-common ng isang 'to.
"Are you want argue with me?" Inis ni'tong tanong.
"Nah." Tanggi ko. Wala naman kasing sense para patulan ang isang 'yan. "Maganda naman 'yong idea ng nauna." Paunang sabi ko. Tinignan ko ang unang nagsuggest. "Una palang humihingi na ako nang pasensya, Miss." Paunang paghingi ko nang pasensya. "Pero busy din ang mga Classroom Officers. Hawak nila ang pag-g-guest at sports at entry para sa events, so in short tayong mga SSG Officers ang kailangan magtake ng responsibility. And I suggest kung magtulungan. Find a partner or person na makakatulong at makakatuwang sa isang gawain. Kung may kayang mag-assess ng booth, sila ang magsama. Basta kung alam ninyo saan kayo makakatulong just go. Tulungan at pagpapasensya nalang talaga ang masasalba sa atin. At nasa sa inyo nalang 'yon kung gusto niyong matapos ang events nang maayos."
Natahimik ang lahat kaya pinagpatuloy ko nalang ang kumain para magsave ng energy. Plano kasing walang uwian hangga't hindi nagtapos nang maayos ang events. Napag-usapan rin na magdala ng gamit dahil puspusan ang pagsasa-ayos ng events.
Kaya hindi na ako magtataka kung mapagalitan ako at bigla nalang sumulpot ang isa sa mga Kuya ko. Sermon at baka hindi sila pumayag na hindi ako batukan.
"Walang stars?" Nahihimigan ang panghihinayang sa boses ng katabi ko.
"Nagtago siguro." ani ko naman.
Napasinghap nalang siya sa pagkapikon. "Anong nagtago? Natakpan ka mo!" aniya na halos bulyawan ako.
"Kayo naman ngayon ang maka-away?" Sulpot ni West na mukhang hindi na rin makatulog dahil alas-tres na ng umaga.
Inayos pa namin kasi ang mga kailangan namin para sa kinaumagahan. At ayon na nga, inabot na kami ng alas-dos ng umaga. Kaya hindi na kataka-taka kung ilan sa'min ay hindi na makatulog at naghihintay nalang na dalawin nang antok.
"Mukha ba?" anas ni First.
Nagkibit-balikat nalang ang nasa kanan ko dahil alam niyang walang tabas ang bibig ng isang 'to. Wala sa mood dahil nawala niya ang lumang notebook niya. 'Yon kasi ang pinagsusulatan niya ng GMV niya, in short Goal, Mission at Vision niya. Kung baga list niya at may mga nailagay siyang info niya roon.
"Burara kasi." Pagpaparinig bigla ni West.
"Hiyang hiya naman ako sa laging nawawalan ng ballpen buwan-buwan." Pagpaparinig balik ni First.
"Excuse me. Hindi ako burara sadyang ninanakawan ako!" Pangangatwiran naman ng isa.
"Talaga ba? Hindi mo kasi binantayan at iningatan, at ang tawag do'n... Burara!"
"Ikaw rin naman ah? Sa pagpapahalaga mo ano? Nawala, mas burara ka kaya huwag kang patalo!"
Hindi na ako nakialam sa kanilang dalawa. Baka kasi masama pa ako sa kanila. Sira kasi ang dalawa, e natural naman talagang burara ang tao kahi't gaano pa ang pag-iingat sa isang bagay o gaano ito kahalaga. Lahat maaaring maglaho.
"Sa Cafeteria muna ako." paalam ko nang hindi sila nililingon. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil paniguradong may susunod doon.
Mga 10 Am na kami nagising lahat dahil sa meeting nangyari. Karamihan din puyat dahil ilang oras lang ang tulog nila. Kesyo umurong ang pagka-antok nila dahil sa ininom na kape o kaya nakuha pang maglibot o kaya nakitsismis.
Tulad nang inaasahan halos lahat sumunod nga. Kanya-kanyang upo ang ilan malapit sa counter para malapit lang kumuha ng pagkain. Dahil sanay naman na ang lahat na free ang pagkain pagdating sa mga SSG officers wala na kaming pagdadalawang isip na kumuha ng pagkain. At isa 'to sa advantage bilang part ng SSG.
"Ako rin Ice cream!" Lahat ay napatingin kay First dahil sa biglang pagsigaw ni'to.
"Bunganga mo nakavolume." pasiring sita ni West kay First.
"Kaysa mabingi tayo sa sobrang tahimik no? Atsaka tumabi ka nga. Sobrang lapit e lahi mo pagiging burara." Sabay pagpag ni'to sa balikat na animo'y narumihan.
"Ang sakit naman. Tagos oh?" Aktong nasasaktan na wika ni West at tinuro ni'to ang dibdib na tapat ng puso niya.
"Pader 'yan kaya walang tatagos."
"Ikaw pader na nga sementado pa."
Pareho kong inabutan ng Ice cream ang dalawa kaya natigilan silang pareho at takang tumingin sa akin.
"Pambihira. Ang aga, ang init, 'yan palamig muna kayong pareho. Puro kayo pagtatalo." saad ko.
Problema ko kasi itong dalawa. Tuwing magkasama parang si Tom at Jerry. Laging may war sa buhay. Tapos hindi kalaunan bati na ang dalawa tapos mag-aasaran naman sila hanggang may mapikon. Mga kangkong talaga.
"Pst!" sitsit ni First sa akin tapos ngumuso siya sa likuran ko. Kaya nilingon ko nalang kung anong tinutukoy niya.
Pero nagsisi na ako. Dapat pala kunyari nagluluko 'tong kasama ko at nilayasan ko nalang para hindi ako naabutan ni Kuya.
"Masayang maglakwatsa no?" Sumama ang mukha ni Kuya Never habang sinasabi niya 'yon.
Malapit kami kasi sa gate para i-secure ang kaayusan ng events kaso bigla naman sumulpot sila Kuya na talagang may mga kasama pa.
"I-try mo para malaman mo." sagot ko bago muling inayos ang display sa entrance. Isusunod din namin kasi mamaya 'yong exit.
"Kuya mo ako baka nakakalimutan mo?" inis siyang humarang.
"Never Joves, 'yan para sa alam mo na wala pa naman akong amnesia." walang ganang sagot ko.
"Tsk. Pero bakit hindi ka nagpaalam?"
"Kaysa magpaalam ako e hindi mo naman ako papayagan kaya anong silbi nang pagpapaalam ko 'di ba? Kaya kaysa masayang lang ang oras ko umalis nalang ako."
"Nagpuyat ka ba nang sobra? Anong oras ka naman natulog?" Muli siyang humarang sa dadaanan ko.
Nagnanais atang mapaliparan ng kamao ang isang 'to? Hindi pa ako lubayan.
"Hindi ko na alam." sagot ko dahilan para makatanggap ako ng pitik sa noo.
Noo ko. Magkakabukol ata?
"Pati pagtulog hindi mo alam kung anong oras? Tulog ba 'yan ng matinong tao?"
"Kasya makalimutan kong matulog at magising 'di ba?" Pilosopong sagot ko habang nakahawak sa noo. "Pasensya na pero hindi ako matinong tao." dagdag ko pa dahilan para madalawa ang hapdi ng noo ko. Pinitik ulit!
Hindi ko nalang sana inalis agad ang kamay ko. Na dalawa tuloy.
"Ang tigas ng bungo mo no? Hindi na nadala." dinuro pa niya ang noo ko na mukhang plano pa niyang tatluhin!
"Malamang ni hindi pa nga tumalsik sa kung saan ang utak ko sa kapipitik mo!" singhal ko sa sobrang sakit talaga ng noo ko.
"At talagang sumagot ka pa!" umakto siyang pitikin ulit ang noo kaso tinampal ko ang kamay niya.
Kangkong. Namumuro na ah?
"Anong silbi ng bibig no? Tapos kapag hindi ako sumagot aawayin mo naman ako. Tsk. Umalis ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya. Sira na nga gabi ko masisira pa ang araw ko.
"I'm here to give this to you." Sabay abot sa akin ng tatlong paper bag. Hindi ko napansin na may dala pala 'to. Kaya siguro puro kanang kamay ang gamit niyang pagpitik? Ang sakit e!
"Aanhin ko naman 'yan?"
"Ipapadala ko sa'yo pauwi mamaya. Tsk. Malamang kailangan mo."
"Dala ko mga kailangan ko." Dahil kung may kailangan ako madali lang magpabili sa mga kasama ko. Marami silang sasakyan, mga yaman kasi.
"This one, kailangan mo sa panahon ngayon."
Sa pagtataka sinilip ko ang laman ng paper bag.
"For majin buu purposes!" aniya. Plano ko sanang suntukin ang kaso nakalayo na ang luko. May pakawaykaway pa habang nakatalikod sa akin.
"Ayieh! Nawa'y may gano'n din ako." nangangarap na wika ni First na napunta na sa pantasya niya.
"Nobyo? Jowa o kalaguyo?"
"Hindi! Kilabutan ka nga! I mean, Kuya. Sana may Kuya rin ako." Sumimangot siya sa pagkairita.
"Tara. Kikitain pa na'tin ang pamangkin ni Sir Dela Fuente." Pang-iiba ko nang usapan. Nagtataka nalang ako dahil biglang kumapit sa braso ko si First.
"Pashare naman." aniya nang hindi inaalis ang kamay sa akin.
Tumango nalang ako at tahimik kaming pumunta sa room na naging kuwarto namin habang nandito kami sa Delfue University. Pagdating namin sa room ibinuhos ko sa higaan ang laman ng tatlong paper bag.
Inisa-isa kong binabasa ang ilan na hindi familiar sa akin. Mayamaya lumapit sa akin si First kaya inabot ko ang isa sa kanya.
"Parang... Gamot ata 'to ah? Hindi naman pagkain." Kunot noong aniya habang hindi inaalis ang tingin sa hawak.
"Vitamins. Atsaka sabi mo i-share ko. At baka mamaya n'yan sabihin mo pinagdadamutan kita kaya ayan mag-vitamins ka rin." ngising pang-aasar ko.
Inis niyang ibinalik sa akin ang ibigay ko sa kanya. "Pagkain pwede pa pero ito? Eh? Teka bakit may ganyan ka?"
"Kasi kailangan ko."
"Oo na kailangan mo. Pero bakit ka mag-v-vitamins?"
"Para inumin."
"Ay letche! I mean anong klaseng vitamins 'yan? Para ba sa payat kaya magpapataba gano'n."
"Bakit hindi mo nabasa?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko kasi binasa ko?" Ginulo na ni'to ang buhok niya sa sobrang pagkairita. "Ano na? Anong purpose ng vitamins na 'yan at nag-t-take ka?"
Bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko bang sabihin? Baka kasi mali naman isipin ng isang 'to. At hindi ko rin sigurado kung hindi niya ma-s-share sa iba.
"Are you going to promise to me na hindi mo sasabihin kahit kanino?" Paniniguro ko.
Nagtaas naman siya ng kamay na nangangako. "Promise. Cross my heart, hope to die." Pagseal niya sa kasunduan namin as promise.
"Huy mali!" Biglang sulpot ni West.
"Huh?" naguguluhan wika ni First.
"What are you doing here?" takang tanong ko, mukha kasi siyang nagmamadali.
"Pati hugis ng puso hindi na alam hahaha. Cross na ba?" Natatawang sabi ni West.
"Alangan--Promise, heart my heart, hope to die." pagbabara ni First.
"Tsk. Biro lang kasi. Ano bang promise 'yang nalalaman mo kasi? Bakit itinataya mo ang buhay mong Una ka?" Naguguluhan tanong ni West.
Hindi makasagot si First kaya ako na ang sumagot. "She asked me."
"Ito na nga bang sinasabi ko e. Iniiwan niyo ako, parang hindi niyo rin ako kaibigan." kunwari ay nagtatampong aniya.
"OA ka teh!" Hasik ni First.
"Manahimik ka! Tadyakan kita d'yan!"
"Kabayo ka na teh?"
"Isa pang hampas lupa ka kundi--"
"Kundi ano?" Hamon ni First.
At ayan na nga rin sinasabi ko. Laging nagkakainitan ang dalawa. Masyadong tumataas ang dugo nila sa isa't isa.
"Tama na." awat ko. "Sasabihin ko." kaya agad na umayos nang upo ang katabi ko samantalang si West biglang tumayo.
"Huy! Sorry na! Tara! Kasama ka na." Si First na mukhang nabahala ito kaya napatayo ito 'di oras.
Dinig namin ang paglock ni West ng pinto. Sinigurado lang pala niya ang pinto na walang makakarinig na iba.
"Pinagsasabi mo? Ni-lock ko lang para walang sumingaw at safe."
"Akala ko naman aalis kang luka ka." sabi ni First na may kasamang hampas kay West.
"Ay Una ka!" Nagpagpag si West sa kung saan dumapo ang kamay ni First.
"Kill joy!"
"Nag-iingat lang sa'yo!"
"Tapusin muna ninyong dalawa 'yan." singit ko.
"Sorry naman hehe." ani First sabay face sign sa akin.
"Ikuwento mo nalang." saad naman ni West sabay tango.
Wala akong choice kundi i-spill the tea sa dalawa. Kaso sinasabayan naman ng dalawa ang kuwento nang kumento at tanong kaya ang ending napagalitan kami. Late kami kasing dumating sa cafeteria kung saan kami hinintay ng karamihan. But actually pati mga visitor kumpleto rin sila. Kaya tudo hingi nang pasensya ang dalawa. lalo at ako ang sasagot nang mga tanong maliban kay Pres at Vice.
Pero nagtataka ako. Pansin ko lang mula kanina ng meeting kinawawa ang dalawa. Maliban kasi sa President at Vice President kadalasang hinahanap at tinatanong ay Secretary. I mean parang ayaw akong tumulong sa dalawa na kanina pa binato nang mga katanungan. Sa totoo lang nagtaas ng kamay ang ilan kaso hindi sila pinansin. Basta nasa dalawa lang atensyon ng visitors.
Awang-awa tuloy ako sa dalawa lalo na nang mapansin ko ang pagkakamot ng ulo ni Vice. Samantalang si Pres may paminsan minsan na napapahilot sa sintido niya.
"I guest two of you as leader are one who take the punishment and responsibility of what happen--"
"Yes, Sir. And we're doing our best to--"
"That's why until now wala pa rin lead? And hindi pa naayos ang---"
"Excuse me Sir." Magalang kong singit bigla habang nakataas ang kanang kamay para mas lalong makuha ko ang atensyon nila.
Kanina pa sila tanong nang tanong about sa nangyari na nasira ang booth at hindi pa tapos ang lahat. Talagang pinapalandagan nilang marami kaming pagkukulang at kailangan pang sisihin to the point na kailangan may parusahan pa.
"First of all pasensya na--po sa aberya na talagang nagkaletse-letse na... p-po ang lahat. Pero sinabi nga ni Pres gumagawa na... po, nang paraan ang mga SSG officers at para sa kaalaman niyo rito na kami nagpalipas ng gabi para ayusin ang gusot. And we are willing to accept the consequences sa nangyari. Pasensya pero kalabisan man at kalapastangan man... po, na sabihin ito pero kailangan namin tapusin ang lahat hangga't maaari. Mayro'n nalang kaming isang araw at gabi para plastaduhin ang gusot kaya kung maaari...po, pagkatapos nalang ng events ang consequences at kumento niyo." Mahabang lintaya ko. Sana maging bukas naman ang isipan ng mga 'to kahi't ngayon lang.
"And who you think you are?" Nagtaas baba ang tingin niya sa akin. "Sa palagay niyo maayos niyo ang problema? Balita ko pa naman marami pa kayong aayusin? Sasapat ba ang oras niyo? And I think you'll have no enough time. I'm right?" Ngising pang-aasar pa ni'to.
Tumango nalang ako na animo'y tama siya at sang-ayon ako sa sinasabi niya.
Pasadya akong tumikhim. "For your first question. I'm the Secretary of SSG officers, Sir." sabay diin ko ng 'sir'. "For the second question. Yes. Tulad nang sinabi ng President at Vice namin we are. Kaso bingi or hindi lang kayo makaintindi." Nakita ko kung paano kumuyos ang kamao ng visitor. "For the third question. Tama... ho. Pero hindi ko nga lang akalain na sa kalalaki 'yong 'yan may pagkatsismiso pala kayo." Pagpapatuloy ko at hindi nakaligtas sa aking pagdinig ang mga pigil hagikhik ng mga nasa loob. Pero mas nangibabaw ang pagsaway ni President at Vice sa akin.
Tsk. Sumagot lang naman bakit parang may ginawa akong masama. Dapat nga matuwa silang pareho kasi tinulungan ko sila.
"For the last question of your, Sir." bitin ko. Pero sa totoo lang hindi na maipinta ang mukha ng visitor namin. Kaso masyadong pasmado ang bibig. "You're very wrong Sir, because you are left, Sir." sabay turo kung saan siya banda naka-upo.
Nasa kanan kasi ang ibang visitor na tahimik lang kaso siya daig pa ang babae sa dami nang putak.
At kung tatantiyahin ginawa naman namin lahat ng aming makakaya at hindi namin ginusto ang nangyari. At higit sa lahat walang nangyaring kapabayaan sadyang may mga anay na mapanira lamang.
"Naks naman! Visitor tapos ginanon gano'n lang?"
"Anong sikreto at laging ang lakas ng loob mo?"
"Correct! Walang palya natahimik e. Tapos hindi na nasundan ang sermon as in dismiss na agad."
Natawa nalang ako sa kumento ng dalawa. Napagpasyahan ng mga visitor kasing umalis total kaya naman namin daw pala, base sa pagiging 'mayabang' ko raw. Wala raw duda at sasa-ayos ang lahat. Tsk.
Hindi raw ako magsasabi o kami ng gano'n kung hindi namin kaya. At the end hinayaan nalang nila kami para naman matapos na namin ang dapat namin ayusin.
"Things are never quite as scary when you've got a best friend." Bill Watterson