bc

The Iron Heart [TAGLISH]

book_age18+
503
FOLLOW
2.9K
READ
arranged marriage
goodgirl
drama
twisted
sweet
bxg
female lead
city
office/work place
slice of life
like
intro-logo
Blurb

She is Erich Steller, a Christian girl but a rebellious warrior of Christ. She has a sense of humor, and is a very sweet type of a girl. She dreams for a perfect married life, but her expectations are completely  different to reality. She dreams for a God-fearing, sweet and caring man that can take good care of her heart and soul, but unfortunately she came to marry a man who has an iron heart.

But after marrying Xander Gill, Erich never regretted everything. Instead of giving up, she was inspired by her situation. She decided to continue the favor that she agreed before Xander's Mom died.

But the big question is, would it be possible that she could change an iron heart into a soft one?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hindi ka dapat na mag-isip ng ikasasama ng ibang tao, Erich!" saway ni Mama sa'kin. Sinabi ko lang naman sa kaniya na gusto ko ng mag apply bilang secret agent sa sikat na organisasyon. Kaya ito siya, pinagsabihan na naman ako. Ang totoo, paulit-ulit na lang kaya siya. "Ano naman po ang gagawin ko? Wala naman po akong trabaho, dahil walang tumatanggap sa'kin," katwiran ko habang nakadapa sa kama. "Gumawa ka ng bagay na ikasasaya ng Diyos," sagot ni Mama at nagtayuan naman ang mga balahibo ko. "Gusto mo po na mag reach out ako?" Hinarap ko si Mama, at ngumiti lang siya. "Oo, dahil iyon marahil ang plano ng Diyos sa iyo," aniya. Umiling ako at ngumuso. "Iyan ang ayaw ko sa lahat! Takot akong magsalita sa harap ng maraming tao. Ayaw ko na mabigo lang, Mama." Niyakap ko ang braso niya. "Kung plano ng Diyos wala kang karapatan na umayaw." Bumukas ang pinto at pumasok si Papa na dala ang Bible at malapad ang ngiti. "Kung hindi ka magiging secret agent gaya ng pangarap mo, maging Agent ka ng Diyos. Be an angel in a fallen town!" Seryosong nakatitig sa'kin si Papa. Halata na mula sa puso niya talaga ang mga salitang binitawan niya. Pero ano nga ba ang magagawa ko, kung hindi ko naman talaga passion ang ganiyan na ministry? Mahirap naman kasi kung pipilitin ko lang ang sarili ko, dahil siguradong walang mangyayari. "Natatakot po ako, at hindi ko alam kung paano," sagot ko. "Guns can do nothing with the double bladed weapon of ours, that was God's word," paliwanag naman niya. Hinaplos niya ang likod ko at ginulo ang buhok ko. "Huwag kang mangarap na maging agent ng isang organisasyon na papatay sa mga tao. Kun'di maging agent ka na papatay sa mga gawa ng diyablo. Save those people blinded by darkness, be His warrior my Erich!" Ngumiti si Papa at niyakap nila ako ni Mama. I hate this feelings. Nakokonsensya tuloy ako dahil sa mga pinag-iiisip ko. Dati desire ko na maging isang misyonaryo, pero nang makatapos na ako ng kolehiyo lahat nabago. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko nanlalamig na ang pananampalataya ko sa Diyos. I'm afraid of it! "Think wisely, Erich!" wika ni Mama at magka-akbay sila ni Papa na lumabas mula sa kwarto ko. Kung iisipin napa suwerte ko sa pamilya ko. Oo nga't mahigpit sila Mama at Papa, busog naman ako sa pagmamahal. Sila 'yong mga magulang na hindi konsintidor sa anak. Kapag alam nila na masama, hindi nila hahayaan na gawin ko ang bagay na iyon para lang makamit ang makamundong kaligayahan. Sabi pa ni Papa, mas mabuti nang maging kaawa-awa tayo dito sa mundo, dahil sa huli kasiyahan din ang mararanasan natin. I want to serve God, but not by preaching. I can sing. I can play all instruments, but I am afraid of public speaking. Kahinaan ko iyon. Dahil may phobia na ako, at ayaw ko na maulit pa ang nakaran. Nahiga akong muli at niyakap ang unan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na yata talaga mababago ang isip ni Papa. Ipapadala na talaga yata ako sa Campbell Town. Hindi ko nga tin alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. I opened my laptop and start searching for Campbell Town. Ngunit walang masyadong impormasiyon na naka-post sa iba't ibang page at website. Masyadong private ang information ng bayan na iyon. Tanging ang nakalagay lang ay isa itong makasalanan na lugar/ fallen town. Mas lalo akong na curious tungkol sa bayan na iyon. Makasalanan, because of what? Hindi kaya, mga mamamatay tao ang nakatira doon? Creepy! "Nakapag-isip ka na ba?" Nakangiti si Mama habang naglalakad papalapit sa'kin. May dala siyang meryenda. "Mama!" Agad ko siyang sinalubong at hinalikan sa pisnge. "Hmmm, yes!" Nag-alinlangan pa ako sa una na sumagot, pero ayaw ko talagang biguin sila. "Masaya ako sa naging desisyon mo!" Niyakap ako ni Mama at ramdam ko ang labis niyang pagkatuwa. Agad naman na tinawag ni Mama si Papa at nag-usap sila. Ihinanda ko na rin ang mga dadalhin kong gamit dahil ano mang oras maaari akong ipadala ni Papa sa lugar na iyon. *** Lumipas ang limang araw ng pag-aaral ko sa mga salita ng Diyos. Tinuruan ako ni Papa kung papaano ang makipag-usap sa mga non-believers. Pastor si Papa, kaya alam na alam niya ang mga bagay na iyon. Ngayon na ang itinakdang panahon para sa pag-alis ko. Kinakabahan ako na ewan. Nanlalamig ang mga kamay ko, at nanginginig ang mga tuhod ko. "Anak, huwag kang matakot. Kasama mo lagi ang Diyos!" nakangiting wika ni Papa. Hinawakan din ni Mama ang kamay ko. "Salamat po sa pagpapalakas ng loob ko, Ma, Pa!" Nginitian ko sila at niyakap ng mahigpit. I will surely miss them. Lalo na si Mama na laging hinihintay akong matulog bago umalis sa silid ko. I'm so blessed to have them. "God is with you. Godbless!" Pinabaunan nila ako ng halik sa pisnge. Kumaway na ako sa kanila at sumakay sa bus na kahihinto lang din. Napakapit ako ng mahigpit sa upuan at huminga ng malalim. "Saan ka papunta Hija?" tanong ng konduktor. "Sa Campbell Town ho," sagot ko pero bigla itong nanlaki ang mga mata. "Ano nga ulit?" "Sa Campbell Town po," ulit ko naman. Umiling siya at naupo sa bakanteng upuan na katabi ko. "Delikado ang lugar na iyon! Gusto mo bang mapatay ng mga sindikato?!" aniya. Hindi ako nakasagot agad. Tila ba'y umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako ipadadala nila Mama kung delikado. "Sigurado po ba kayo?" tanong ko. "Sa katunayan, marami ng misyonaryo ang hindi na nakalabas doon nang buhay." Huminga siya ng malalim, at tumayo. "Ikaw rin kung ano ang gusto mo. Tutuloy ka ba?" Na tulala ako sa tanong niya. I can't decide right now! Pero bahala na ito. "Hindi na ho, bababa na po ako!" sagot ko at huminto na rin ang bus. "Nasa Mantalaan na tayo. Mag-iingat ka!" aniya at nagbayad na ako. Agad na akong tumakbo pababa at pinagmasdan ang paligid. Malinis at wala ring mga tao na makikita sa daan. Wala rin akong makitang mga bahay. Siguro ay walang nakatira sa lugar na ito. Pero ang sabi ng kaibigan ko, ito daw ang pinakamayaman na bayan. Naglakad ako hanggang sa nakarating ako sa isang gate. May nakasulat sa itaas. "WELCOME TO MANTALAAN!" basa ko. Dahan-dahan kong itinulak ang gate at sinilip kung ano ang nasa loob. Namangha ako sa nakita ko. Nagtataasan na mga gusali at napakagandang kapaligiran ang bumungad sa'kin. Pumasok na ako ng tuluyan at kinurap-kurap ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na totoo pala ang sinabi ni Jade sa'kin. Well, nasa probinsya lang naman kami nakatira at ngayon lang ako nakakita ng mga bahay at gusali na ganito. "Hi Miss! " bati ng isang lalaki. "Hello po!" sagot ko pabalik. Ngumiti ito at pinasunod ako sa kaniya. Sumunod naman ako, dahil wala naman akong alam tungkol dito. "Saan po tayo pupunta?" tanong ko. "Bago ka lang hindi ba?" aniya. "Opo!" "Dadalhin kita sa isang kaibigan ko na may bakanteng bahay, para doon ka manirahan," wika nito at nagpatuloy sa paglalakad. Napapansin ko na parang habang tumatagal medyo kakaiba na ang kapaligiran. Wala na ang malinis at maayos na kapaligiran. Huminto siya at humarap sa'kin. "Ibigay mo sa'kin ang lahat mong dala, kung gusto mo pang mabuhay!" Kusang naging tuod ang mga tuhod ko. Hindi ako makapagsalita, at na bitawan ko ang lahat ng gamit ko. "Kawawang dalaga, ano nga ba ang pakay mo rito?" nakangising tanong nito habang kinakalkal ang mga bag ko. "Misyon," tanging nasabi ko. "Nagbibiro ka? Mali ang pinasok mo! Pera ang Diyos rito!" Humalakhak siya na parang baliw at itinutok sa akin ang kaniyang baril. Napapikit ako. Lord, I'm so sorry! Patawad po dahil sinuway ko ang utos mo at ng mga magulang ko. Ang akala ko ay ligtas na lugar ang mapupuntahan ko sa pagtakas ng misyon, ngunit mas malala pala. "Drop the gun, and leave her alone," malamig na turan ng isang lalaki. "Señorito!" Nakita ko na natatarantang tumakbo ang lalaki. Napasinghap ako kasabay ng unti-unting pagdilim ng paningin ko. "Stupid!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.9K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook