Chapter 2

1032 Words
Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang kwarto na para bang para sa isang prinsesa. "Nasaan kaya ako?" bulong ko at napakamot sa ulo. "She's awake!" sigaw ng isang babaeng halos puno ng alahas ang katawan. "Sweety, how are you?" aniya at hinaplos ang mukha ko. Nagsipasok naman ang mahigit sampung katulong. "Ayos lang po ako," sagot ko at nginitian siya. "Buti na lang at dinala ka ni Xander dito. Huwag mo kaming iiwan, please!" Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang kaligayahan. Panay hawak siya sa kamay ko, at tinititigan niya ang mukha ko. Nakakahiya tuloy. "Salamat po sa inyo. At kailangan ko po talaga ng matitirhan, "nahihiya kong sagot. "Stay with us. We will treat you as our Princess!" Niyakap niya ako nang mahigpit at nagsimula itong umiyak. "Ay, huwag po kayong umiyak!" natataranta kong wika at niyakap siya pabalik. "Mommy ang itawag mo sa akin," nakangiti niyang wika. "Opo, Mommy!" Tiyak nag-aalala na ngayon sila Mama at Papa sa'kin. Magagalit kaya sila kapag nalaman nila na tumakas lang ako? Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa ko? Tiyak galit sila sa'kin! Nagpaalam si Mommy na aalis daw muna siya. Sinabi niya rin na nasa ibang bansa daw si Daddy. Nakakahiya talaga ang mga nangyayari. Ang tawagin sila sa ganoon ay parang nagtataasan ang mga balahibo ko. "Where's the f*cking key!" Napalingon ako sa lalaking sumisigaw habang nagmumura. Napatayo ako at saktong paglingon ko ay nasa harap ko na pala siya. Walang emosyon na makikita sa kaniyang mukha. Nilampasan niya lang ako at hindi man lang kinausap. Sinundan ko siya hanggang sa huminto. "Thank you nga pala!" wika ko at lumapit sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad ulit ito palabas ng mansiyon nila. Nanatili pa rin akong nakasunod, nagmumukha tuloy akong buntot nito. Sa harden ang punta niya. Naupo siya sa silya at pumikit. "Matutulog ka ba dito?" tanong ko at umupo sa isang silya. Hindi pa rin siya umiimik kaya niyugyog ko siya. "What?" Napakalamig ng boses niya, at walang ka buhay-buhay niya akong nilingon. "Kasi mukhang uulan, mababasa ka," wika ko. "Don't mind me," he softly said. Tumango naman ako at tumayo na. Sa tingin ko hindi siya mahilig magsalita. O maaaring spoiled siyang masyado kaya ganiyan. "Wait!" Napalingon ako nang magsalita ito. "Ano ang natapos mo?" aniya na nakapikit pa rin. "Bachelor of Science in Secondary Education Major in English," nakangiti kong sagot. Tumango lang siya at hindi na ulit nagsalita. "May tanong ka pa ba?" untag ko. Umiling naman siya. "Señorito, kumain na po kayo!" tawag ng isang katulong dito. "Back off," mahina nitong sabi at nagmadali namang umalis ang babae. Agad ko itong hinabol para tanungin. "Hey Miss!" tawag ko. "Señorita bakit ho?" aniya kaya natigilan ako. "Señorita?" ulit ko sa sinabi niya. "Opo, iyan ang bilin ni Madam. Tawagin ka raw namin na Señorita," nakangiti niyang sagot. "Ganoon ba, nakakahiya naman!" sagot ko at napatakip ng mukha. Narinig ko naman na tumawa siya ng mahina. "Bagay naman po sa iyo ang ganoong pangalan," wika niya. "Kapag walang tao, pwedeng Erich na lang ang itawag mo sa'kin," wika ko. Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko. "Señorita baka pagalitan ako ni Señorito!" takot nitong sabi. "Bakit naman magagalit?" "Dahil bawal kaming makipag-usap ng matagal sa inyo. Katulong lang kami---" "Pero tao rin kayo!" putol ko sa sasabihin niya. "Maaari mo bang sabihin kung ano ang ugali ng lalaking iyon?" Tumango naman siya. "Si Señorito Xander ay napaka cold na tao. Wala siyang pakialam sa paligid, at tamad na magsalita. Pera ang mahalaga sa kaniya, kaya lagi siyang wala rito. Wala siyang oras sa mga magulang niya," kuwento niya. "Ganoon pala siya," sagot ko. "Ano pala ang pangalan mo?" "Freya po," aniya. "Sige ho Señorita magtatrabaho na po ako!" Tumango naman ako at kumaway sa kaniya. Kumuha ako ng cupcake at naupo saglit. Kung iyon ang ugali niya, bakit niya ako tinulungan at dinala dito sa bahay nila? Oh that man needs Christ, not money! Binalikan ko si Xander para dalhin ng pagkain. Kasalukuyan na itong kinakalikot ang laptop niya. Pinagmasdan ko siya ng maigi. "Stop wasting your time on me," aniya kaya bahagya akong nagulat. "Ang totoo kasi niyan, nagdala ako ng pagkain mo." Nakangiti akong lumapit sa kaniya. Tiningnan niya lang ako, at ang pagkain na inilapag ko. Umiling siya at nagbuntong-hininga. Nagulat naman ako nang tumayo ito at nagmadaling naglakad palayo. "Hey bakit ba ayaw mo ng kausap?" habol ko sa kaniya. Inagaw niya sa'kin ang hawak kong cupcake at bahagyang itatapon sakin nang biglang may sumigaw. "Xander!" sigaw ni Mommy. "Tsk!" Umalis si Xander at binigyan ako ng tingin na may pagbabanta. "Are you alright, Sweety?" nag-aalalang tanong ni Mommy. "Opo, Mommy!" masigla kong sagot. "Tara po Mommy kain tayo ng cupcake!" Niyakap ko ang braso niya at sabay kaming naglakad patungo sa kusina. "Magandang umaga Madam at Señorita!" Sabay-sabay na bumati ang lahat ng katulong kaya nginitian ko sila at bahagya akong yumuko. Pagkatapos naming kumain dinala ako ni Mommy sa rooftop. Malaya kong natatanaw ang kapaligiran. Nakakalungkot lang isipin na napaka yaman nga ng lugar na ito, ngunit pera naman ang mahalaga sa kanila. "Anak, kung tatanungin mo kung bakit ganito ako sa iyo. Ang sagot diyan ay dahil matagal na akong naghihintay na may dalhing babae sa bahay si Xander." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang akala ko may relasyon kayo ng anak ko." Humarap ako sa kaniya at sobrang kaba ang naramdaman ko. Hinawi ni Mommy ang buhok ko, at hinawakan ang pisnge ko. "Can I have a favor, Anak?" aniya. "Sure, ano po iyon Mommy?" "Baguhin mo si Xander. Make him fall inlove with you," aniya at tuluyan na ngang tumulo ang kaniyang mga luha. "Gusto kong makitang muli ang kaniyang matatamis na ngiti," dagdag pa niya. "Mommy, don't worry!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Babaguhin ko po siya, sa kahit na anong paraan!" This time, magtitiwala na ako sa Diyos. Kung dati mas nanaig sa'kin ang takot, ngayon hindi na. Ito na ang totoong misyon ko. Ang Mantalaan City at ang pamilyang Gill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD