Maaga akong nagising at tumulong akong mag luto. Sinabi rin sa akin ni Mommy kung ano ang paboritong pagkain ni Xander.
"Masarap ang luto mo, Señorita!" puri ni Freya at sumang-ayon ang kasama naming mga katulong.
Napangiti naman ako. "Salamat! Sige kain na kayo, ihahatid ko lang ito kay Xander," sagot ko.
"Hindi pa ho kami maaaring kumain. Mamaya pa po pagtapos na kayong tatlo," sagot ni Sheena na kaibigan ni Freya.
"No! Wala si Mommy, maaga siyang umalis. At ako sasabayan ko si Xander na kumain sa silid niya, kaya kakain na kayo ha," nakangiti kong wika. Lahat sila'y napangiti at agad na yumuko. There one way of saying thank you.
Naglakad na akong bitbit ang tray na may laman ng pagkain namin ni Xander. Kumatok ako sa pinto, pero hindi man lang pinansin nito. Napakagat labi na lang ako dahil nangangalay na ang mga kamay ko.
"What?" Bumukas ang pinto at sumalubong ang malamig na titig ni Xander.
Walang pasabi ay pumasok ako at inilapag sa mesa niya ang dala kong tray. Napakunot-noo naman siya at halatang naguluhan sa ginawa ko.
"Sabay na tayong kumain," wika ko at inilabas ang pinaka matamis kong ngiti. "Sabi ni Mommy, late ka raw na kumakain. Alam mo ba na masama iyon sa kalusugan ng isang tao?" sermon ko.
Alam kong ang feeling close ko sa mga panahon na ito. Pero para bang nawala bigla ang pagiging mahiyain ko, simula ng mapapadpad ako sa pamilya nila.
"Doc?" bigkas niya.
Tumawa ako at hinila na ito. Bigla niya akong hinila pabalik at inihiga sa kama niya. "Get out or else I'll rape you," pagbabanta nito kaya nabigla ako.
Hindi ako naka galaw agad. "S-seryoso ka na niyan?" Pinilit ko maging masigla ang boses ko. Kunwari hindi ako nabigla at wala lang iyon.
"Stupid," bulong nito.
"Okay! Aalis ako, pero mangako ka muna na kakain ka," nakangisi kong sambit.
"Oo," walang tono niyang sagot.
"Very good!" Tumayo na ako at inayos ang pagkain niya. "Kapag may kailangan ka, nasa kuwarto lang ako," dagdag ko.
"Tsk."
Pagkalabas ko ng silid niya agad akong napatakip sa mukha ko. I can't believe that I'm doing this. For his Mom's sake, kaya ko ito.
Pumasok ako sa kuwarto ko at humarap sa bintana. Biglang kumirot ang puso ko nang maalala ko sila Mama at Papa. Alam kong ang mga salita ay hindi sapat sa paghingi ng tawad. Binigo ko sila, at ang mas malala nandito ako sa ibang pamilya. Mga taong 'di ko ka ano-ano.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Alam kong naiintindihan ako ni God. Tao lang din naman ako, nagkakamali. Hindi pa naman yata huli ang lahat. Buhay pa naman ako, kaya marami pa akong magagawa para itama ang pagkakamali ko.
"You skip your meal." Napalingon ako sa lalaking nasa pintuan ko. He is staring at me, with a fierce look.
"Pinalabas mo ak---" Tinakpan niya ang bibig ko at hinila papalapit sa kaniya.
"Eat now, or else I'll make you as my desert!" aniya kaya nag loading ako saglit.
"Huh? Paano iyon?" tanong ko kaya napalingon siya sa'kin.
"Forget it, just eat!" sagot niya at lumabas na.
Buong araw wala akong ginawa kun'di ang magbasa ng Bibliya. Hindi ko na muna tinangka na lumabas ng silid dahil baka kung ano ang gawin sa'kin ni Xander. Sabi pa naman ni Mommy na walang awa daw ang taong iyan. Pero hindi ba kung walang awa ang isang tao, hindi ito matututong tumulong.
Tinulungan naman niya ako, kaya ibig sabihin may pag-asa pa talaga. Tao lang din naman siya may kahinaan. Kaya kailangan na alamin kung ano ang kahinaan niya.
Lumabas ako nang kuwarto ko at hinanap kong nasaan na ba siya. Nakita ko na nasa garden na ito at masyadong busy. Hindi ko siya maaaring guluhin dahil baka magalit at palayasin pa tuloy ako. Ayaw ko pang humarap sa mga magulang ko na wala manlang magandang balitang dala.
Kinuha ko ang hoose at nagdilig na lang ng halaman. Ang ganda kaya ng mga tanim nila. Sayang nga at wala kaming ganito sa bahay.
"You're not a maid," wika ni Xander at inagaw sa'kin ang hoose. "Get inside, and sleep," aniya.
"Salamat sa concern!" nakangiti kong sagot.
"I'm not concern. Ang ingay mo lang talaga, nakakarinig sa tainga," walang gana niyang sagot.
"Kumakanta lang naman ako," katwiran ko.
"Talk again and I'll kiss you," wika niya at seryoso akong tiningnan.
Umatras ako at pilit na ngumiti. "Papasok na ho!" sagot ko at nagmadaling iniwan siya.
Nakakatakot naman ang mga lalaking iyon. Kanina rape, sumunod ay gagawin daw akong desert, at ngayon hahalikan naman ako. Naku, wala sa kaniya ang standard ng dream man ko. Ni isa wala siya!
"Anong nangyari sa iyo, Señorita?" tanong ni Sheena nang makita akong tumatakbo.
"Si Xander kasi, ang sama," sagot ko.
"Ka ano-ano mo ba siya?" tanong nito.
"Kapatid ko siya."
Malamig pa rin ang mga tingin niya, pero nang tumalikod si Sheena ay nakita kong may kung anong gumuhit sa labi niya. Ngiti ba o ngisi? Basta may nakita ako.
"Ilang taon ka na ba, at ano ang ginagawa mo sa lugar namin?" tanong niya na nakatingin sa malayo.
"23 na ako, at naligaw lang ako," sagot ko.
"23 but still innocent?" aniya.
"Alam mo, may sasabihin ako," bigla kong sabi. "Mahal ka ng Diyos!" wika ko at kumaripas ng takbo papasok sa silid ko.
"Lord, alam ko na kahit iyon lang ang sinabi ko malaki ang impact no'n sa kaniya. Ikaw na po ang bahala na ayusin ang lahat," bigkas ko at unti-unting pinilit ang doorknob para silipin kung ano ang reaksiyon ni Xander.
"What did you say?" Nagulat ako nang nasa harapan na pala siya ng silid ko at naghihintay lang na lumabas ako.
"Mahal na ng Diyos," matapang kong sagot.
"Paano mo nasabi?" aniya. Titig na titig siya sa mga mata ko, kaya nakipagtitigan na rin ako.
"Dahil nakasulat sa Bible!" Ngumiti ako ng bongga para feel. Kaya lang umiling lang siya.
"Sinungaling," he coldly said and left me dumbfounded.