“Get up, stupid girl!”
Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nakita ko si Xander na nakangising nakatingin sa’kin. I just ignored him at ipinikit ulit ang mga mata ko pero naramdaman ko naman na may mainit na bagay na nakapatong sa tiyan ko.
“What are you doing?!” sigaw ko at bumangon saka hinugot ang kumot at inilagay sa katawan ko. I’m only wearing a sport bra and shorts, nakalimutan ko palang magbihis kagabi after kong mag exercise.
“You look so hot, but not my type.” Tumayo siya at naglakad patungo sa may salamin at pasimply na lumingon sa’kin.
“Bakit ka nga nandito?” tanong ko habang inaayos ang sarili ko.
“Bahay ko ito. Lahat ng kuwarto ay may susi ako, kaya kung saan ko gustong pumasok ay mapapasok ko ng walang kahirap-hirap,” ani pa niya at umupo sa couch na kaharap ng kama. Pinagmasdan niya ako habang ako naman ay hindi makahinga ng maayos.
“Sorry, pero hindi naman yata tama na papasok ka ng walang pasabi,” reklamo ko at nagkunot-noo. Hindi ba siya tinuruan ng magandang asal sa paaralan nila, way back when he is studying? O sadyang kinalimutan niya lang?
“Akala mo ba ikaw lang ang may kakayahan na mang-inis? I wonder why I help you,” nakasandal sa upuan niyang lintaya habang naka numero-kwatro pa ang paa.
“Salamat pa rin at tinulungan mo ako,” sagot ko at nginitian siya. Hindi man ako sumunod sa utos ng mga magulang ko, God still didn’t forsake me. Ipinadala niya si Xander sa lugar na iyon para mailigtas ako.
“Hindi iyon libri. Dahil narito ka na rin sa amin, panindigan mo ang pagiging isang Gill,” wika niya at tinitigan ako ng matalim. He’s voice is cold as ice, pero his eyes is full of emotions.
Napag-isipan ko na rin naman ang tungkol sa bagay na sinasabi niya, ang pagiging isang Gill. Naaawa ako sa mommy niya, kaya habang narito ako ay gagampanan ko ang pagiging kapamilya nila. There is no reason not to do it, lalo pa’t naligaw ako sa landas ko.
“Oo na, alam ko na iyan. Maari bang lumabas ka muna, dahil magbibihis lang ako?” seryoso kong tanong pero kinabahan ako nang ngumiti lang siya. Hindi ko man mabasa ang nasa isip niya, pero alam kong marumi ito.
“Okay lang naman na magbihis ka diyan, o baka gusto mo tulungan pa kitang magbihis total lahat sila naniniwala na magkapatid tayo dala na rin daw sa pagkakahawig ng mukha natin,” aniya.
Napasapo ako sa ulo ko dahil sa sagot niya. Ganito ba talaga ang mga lalaking walang Kristo? Pero I should not judge pa rin, ang tanging magagawa ko na lang ay ang intindihin siya. As what I’ve promise to my own, babaguhin ko siya sa kahit anong paraan.
“Okay, sa comfort room muna ako, total wala ka namang balak na iwan ako,” sagot ko at tumayo na.
“Make it fast, may sasabihin pa ‘ko sa’yo!” dinig kong sigaw niya kaya nagmadali akong magbihis.
Si Xander, kung titingnan ay guwapo naman siya, makisig ang panganagatawan, pero hindi siya iyong lalaki na nakasulat sa notebook ko. I mean, wala siyang katangian na nakalista sa standard ko. Ang gusto ko kasing lalaki ay malambing sa mga magulang, may takot sa Diyos, may respeto sa mga babae, at mas mahalaga ang oras sa pamilya kaysa sa pera.
“Bakit ba nag tagal mo? Papasok na ako kapag hindi ka pa diyan lumabas!” Nabigla ako nang marinig ko siyang kumakatok sa pinto ng cr. Alam kong may dala siyang susi dito, at gagawin niya ang kahit anong gusto niyang gawin.
“Sorry kung natagalan---” Natigilan ako sa pagsasalita nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang kaniyang mukha sa’kin. Natahimik ako saglit dahil sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Dalawang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin.
“What take you so long?” he breaks the silence at umusog ako ng kaunti, kaya lang parang madudulas ang kaliwa kong paa kaya napahawak ako sa braso niya.
“Don’t be so stupid,” bulong niya habang hawak ang bewag ko.
“S-sorry,” nauutal kong tugon at marahan niya akong itinayo. Sumunod ako sa kaniya sa maliit na table na nasa loob ng kuwarto ko.
“Let’s pack your things.” Nagulat ako sa sinabi niya. I have no idea kung bakit o ano’ng ganap.
“Bakit?” tanong ko at inis niya naman akong tiningnan.
“Don’t ask stupid questions,” aniya at tumayo. Nagtungo siya sa drawer at cabinet ko saka kinuha ang mga gamit ko. Nagmadali naman akong inagaw sa kaniya ang mga underwears ko na hawak-hawak niya habang nakangisi.
“Cute, pink barbie,” aniya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. He’s referring to my underwears.
Matapos kong ilagay sa maleta ang mga gamit ko ay naupo ako sa kama at hinarap siya at pinangunutan ng noo. Nakipagsukatan lang siya ng tingin ngunit para bang tumalon ang puso ko sa gulat nang bigla ako nitong sugurin kaya napahiga kami sa kama.
“Señorito, Señorita?”
Kaagad na bumangon si Xander nang biglang pumasok sa loob ang isang katulong nila. Gulat ito sa nakita kaya agad naman akong tumayo para magpaliwanag pero hinila ako ni Xander.
“I told you to knock first before entering the room!” galit na wika ni Xander dito kaya yumuko ito.
“Wala namang malisya sa nakita niya, we’re siblings, right?” wika ko para hindi na niya pagalitan pa si manang. Lumingon sa’kin si Xander at masamang tingin ang ipinukol sa’kin.
“It’s not about it, it’s about the respect, Erich!” aniya.
“Paumanhin po Señorito, hindi na mauulit,” magalang na sagot ni manang. It should be Xander who will give respect to her because she is older than us. Ito ang masamng dulot ng pera. Once nakaka-angat ka, kahit bata ka pa lang ay igagalang ka na.
“Bakit ganiyan ka makatingin sa’kin?” sumbat sa’kin ni Xander kaya kumurap ako.
“Hindi mo dapat ginawa iyon,” sagot ko and he fake a laugh.
“At ano ang dapat kung gawin? Nakita mo naman hindi ba? Nakita niya tayo sa ganoong posisyon,” aniya at uminon ng tsaa.
“Walang malisya iyon. Mas iniisip mo pa ba ang nakita niya kaysa sa nararamdaman niya? Xander, maniwala ka sa’kin. Hindi lahat ng oras ay hawak mo ang ganitong karangyaan, matuto kang maging pantay sa lahat ng bagay.”
Hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa pagkain. Alam ko na kaya niyang magkunwari na walang narinig pero ang mga salita na binibitiwan ko ay manunuot ito sa kibuturan ng kaniyang puso.
“Kumain ka na, aalis tayo,” aya niya nang mapansin na hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko bago nagsimulang kumain. Umiling lang siya at hindi ako sinagot.
Pagkatapos naming kumain ay bigla nalang niyang hinila ang maleta ko palabas ng kuwarto. Wala man lang siyang pasabi kaya agaran naman akong sumunod sa kaniya.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko pero hindi lang ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad pababa ng hagdan. Dahil sa pagmamadali ko na mahabol siya ay namali ang landing ng paa ko sa susunod na tapakan kaya muntikan na akong malaglag.
“Ayaw ko ng kapatid na lampa.” Tumayo ako at nginitian lang siya. Hindi naman ako nasaktan dahil sa maleta ako tumama at nahawakan niya ang balikat ko.
“How sweet!” puri ni mommy nang makita niyang hinahawakan ni Xander ang kamay ko habang pababa kami ng hagdan.
“Good morning, mommy!” bati ko sa kaniya at hinalikan ito sa pisnge.
“My Xander is looking good right now,” puri pa ni mommy kay Xander bago ito hinalikan sa pisnge.
“My Princess is always gorgeous ever,” she said and hugged me.
“Mommy saan po ang punta natin?” tanong ko sa kaniya dahil wala naman yatang planong sabihin sa’kin ni Xander ang totoo.
“Kayo lang ni Xander ang aalis. Pupunta kayo sa private resort namin sa Bagiuo, ililibot ka niya sa lugar natin doon,” sagot ni mommy at tumingin kay Xander. Tumango naman si Xander kaya tumango na lang din ako.
“First time akong pagbigyan ni Xander kaya masaya ako. Anak, alam kong kaya mo siyang baguhin, may tiwala ako sa’yo,” bulong ni mommy bago kami ni Xander sumakay sa kotse.
I can feel the love that she has for her Son. Iba magmahal ang mga Ina, sabi pa nga, mother’s the best. Sa sinabi ni Xander kahapon na walang nagmamahal sa kaniya, mali iyon. Marahil ay hindi niya lang makita ang pagmamahal ng kaniyang Ina dahil lagi siyang abala sa kanilang kompaniya.
“Bakit ka lumayas sa inyo?” bigla akong tinanong ni Xander habang nasa byahe kami.
“Hindi ako lumayas. May pupuntahan lang sana ako kaya lang naligaw ako papunta sa lugar niyo,” sagot ko. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil totoo naman talaga na hindi ako naglayas, kaya lang ay sinadya ko na bumaba ng bus sa lugar nila.
“But atleast thank you dahil napasaya mo siya,” wika niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. It’s his mom.
“Tungkol sa sinabi mo kahapon na walang nagmamahal sa’yo, nagkakamali ka. Your mom loves you more than you think,” sagot ko kayang sandalling bumagal ang pagpapatakbo niya ng kotse.
“No, you’re wrong. She regrets to have a son like me. Babae ang gusto niya, kagaya mo.” Walang emosyon ang pagkakasabi niya at halata sa boses ang lamig nito.
“Walang Ina ang hindi nagmamahal sa anak. Mother’s the best, alam kong alam mo iyan. Hindi lahat ng oras ay nariyan sila sa tabi natin. Habang may oras pa, express your love towards her. Trust me, Xander, mahal na mahal ka niya,” wika ko.
“Trust you?” aniya at ngumisi. Tumigil siya sa pagmamaneho at hinarap ako.
“Sigurado ka?” tanong niya kaya nagtaka ako. Hindi ko alam kung ano ang pagkaka intindi niya sa sinabi ko.
“What’s wrong? Bakit ka tumigil sa pagmamaneho?” tanong ko at umiling siya.
“Too innocent,” bulong niya pero sapat lang na marinig ko.
His mind is full of garbage. Sa dami ng sinabi ko, trust me lang ang binigyan niya ng kahulugan?
“Natahimik ka na diyan?” aniya kaya ngumiti lang ako.
“May inaalala lang ako,” sagot ko habang nakadungaw sa labas ng bintana.
“Ang alin? Sa trust me? Ginawa niyo na ba iyon ng nobyo mo?”
Natigilan ako sa sinabi niya at dahan-dahan ko siyang nilingon. Anong pinagsasasabi niya?
“Huh? Wala akong nobyo,” sagot ko kaya halata sa mukha niya ang pagkabigla sa narinig. Iyon ang katotohanan. Kaibigan na lalaki mayroon, pero nobyo, wala pa iyan sa utak ko.
“Iyong totoo, ilang nobyo na ang dumaan sa’yo?” tanong niya ulit.
“Bakit ang kulit mo Xander? Wala nga ni isa,” sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya.
Naalala ko tuloy ang testimony nila mama and papa noon. They started from a forbidden love daw noong college pa lang si mama. Maraming kasalanan daw na nagawa si papa pero napabago ito ni mama.
“Kung sakaling may manligaw sa’yo, sasagutin mo ba?” tanong niya na naman. Himala, bigla siyang nagging matanungin sa araw na ito.
“Hindi. Hindi naman ako naghahanap ng manliligaw, at may standard akong sinusunod. Ikaw, ilang babae na ang dumaan diyan sa puso mo?” tanong ko at ngumisi siya.
“Wala akong seneryoso maliban kay Isabel, pero wala na siya dito sa Pilipinas at tapos na kami,” aniya.
“So, after she left nanloko ka ng mga kababaihan?” taka kong tanong. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip ko.
“Oo. Laruan sa kama,” aniya kaya hindi ako nakagalaw. It’s my first time to encounter a man like him. Kaya pala ganoon ang tono ng pananalita niya kanina. Kaya pala iba ang pakakaintindi niya sa TRUST ME.
“Kung akala mo na papatulan kita, huwag kang mag-alala. You’re not my type, my fake little sister.”
Nakahinga ako ng maluwag pero napa-isip din ako. Paano ko ba siya babaguhin? Sa papaanong paraan? Kung hindi niya ako type, should I make him fall in love with me? Pero hindi siya pasado sa standards ko, ano’ng gagawin ko?
“Alam mo, love is not a game. Mas lalong hindi laruan ang mga babae. Alam mo Xander, sabi ni papa s*x is not bad. Pero it should be with limitations, alam mo ba na gawain lang ito ng mag-asawa?”
Napalingon siya sa’kin at natigilan. “Bakit ba iba ka sa kanila?”