Chapter 5

2208 Words
Magmula nang dumating kami sa resort nila Xander ay hindi pa niya ako muling kinausap. Nang mabangit ko ang bagay na iyon ay natahimik na siya at hindi na sumagot pa. Hindi naman yata masama ang sianbi ko dahil iyon ay katotohanan lang. Hindi sa inosente ako talaga sa mga bagay-bagay dito sa mundo, dahil sa mga bagay na ganoon ay nababanggit din iyon ni mama sa’kin. Kung baga, sa bahay pa lang ay alam ko ang limitasyon sa lahat ng bagay, hindi sila mama at papa nagkulang sa pagturo sa’kin ng mga kailangan kong malaman. I am well educated. “Xander, malawak ba ang lupain niyo dito?” tanong ko sa kaniya na sa kasalukuyan ay nakaharap sa laptop nito. “Lupain natin,” wika niya na hindi man lang lumingon sa’kin. Sa tingin ko ay mga kapwa niya CEO ang kausap niya, and I think they’re talking about business. Lumabas ako saglit sa bahay at pinagmasdan ang buong paligid. Ang ganda ng kapaligiran, malinis at sariwa ang hangin. Ang hampas ng bawat alon ng dagat ay nagmimistulang musika sa pandinig ko. Maganda ang resort na ito, kaya lang ay sobrang tahimik. Bakit hindi nila ito gawing business na rin? “The f**k! Ayusin niyo ang trabaho niyo!” rinig kong sigaw ni Xander sa loob habang may kausap ito sa telepono. Highblood na naman ang taong ito. Hindi ko pa talaga siya nakita ng hindi nakakunot-noo sa loob ng isang araw. “Why are you looking at me?” masungit nitong tanong sa’kin nang mahuli akong nakatingin sa kaniya. Ang sungit talaga, hindi naman nakakatunaw ang tingin. Bakit kaya hindi ko subukan ang charm ko na sinasabi ni Jade sa’kin noon. Gaya ng ginawa ni Alice sa kaklase namin na panay bully dito. I still remember that day. Bakit hindi ko subukan na gayahin ang ginawa ni Alice? Sabi nila effective daw naman iyon. Tumayo ako at lumakad patungo sa kinauupuan ni Xander. Nginitian ko siya at nakita ko naman na mas lalo siyang nainis. Hindi yata effective ang pagpapa-kyut ko. “Xander, bakit ba ang highblood mo? Chill, huwag kang magsungit ng sobra, baka tumanda ka ka agad,” malambing kong wika at naupo sa tabi niya. Natawa ako saglit nang maalala ko ang ginawa ko dati kay mama, Noong may kasalanan akong ginawa, nilambing ko lang siya at bati na kami ulit. “Tumigil ka nga, hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo. Baka hindi ako makapagpigil,” wika ni Xander sabay kagat sa ibabang labi nito. Hindi muna ako naka imik at nag isip pa ako saglit kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. “Pinapayuhan lang naman kita. What I mean is, matuto ka naman na magpahinga,” paglilinaw ko sa sinabi ko at umiling lang ito. “Sino ka ba para pagsabihan ako?” aniya kaya nakaramdam ako ng hiya. Rejection. Iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat, kaya nga ayaw kong sundin ang utos nila mama dahil takot akong ma-reject, pero ngayon ay mas malala pa sa rejection ang napasukan ko. “Ano’ng tinitingin-tingin mo sa ibaba ko?” Napakurap ako dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Tiyak nagiging kulay kamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa matinding hiya. “Huh? Walang meaning iyon, I mean may iniisip lang ako na malalim at hindi ko napansin na diyan ako nakatingin,” paliwanag ko na tila ba’y nauupos na kandila dahil sa hiya. Hindi ko naman sinadya na doon dumapo ang tingin ko, pero hindi naman talaga doon nakatuon ang atensiyon ko. “Ikaw ha, pinagnanasahan mo yata ako,” nakangising wika nito kaya ka agad akong tumayo. “Tumigil ka nga! Mali ang iniisip mo,” sagot ko at tumalikod sa kaniya. “Sabagay, maganda ka naman, hindi rin naman ako lugi sa’yo,” bulong niya na nagpatindig ng mga balahibo ko. “Kapatid mo ako kaya respituhin mo ako,” sagot ko. “Hindi sa dugo,” aniya at tumayo. Hindi ko na hinintay pa na makalapit siya sa’kin dahil baka kung ano pa ang gawi niya, kaming dalawa lang ang nandito sa resort nila. Nagtungo ako sa dalampasigan at naupo sa buhangin habang nilalaro ang paa ko. Tama ba kaya itong nagawa kong pasya? Hindi kaya magsisi ako sa huli? Kinuha ko ang cellphone ko na bigay ni mommy. Itinapon kasi ni Xander ang dala kong cellphone, hindi ko alam kung ano’ng naisipan niya at ginawa iyon. “Jade!’ tawag ko sa kabilang linya ng sumagot ito. Mabuti na lang at kabisado ko pa ang cellphone number niya. “Erich, kumusta ka riyan? Nakarating kana sa Campbell town? Nag-alala sa’yo sila tita dahil hindi ka nila makontak,” aniya kaya napa suntok ako sa hangin. “Tell them that I’m fine. Pero may sasabihin ako sa’yo n asana ay huwag mong sasabihin sa iba,” sagot ko at narinig ko naman na nagbuntong-hininga siya. “May problema ka ba? Susundan kita diyan,” nag-aalala niyang wika . “Hindi na. Ang totoo kasi, hindi ako umabot sa Campbell town. Nandirito ako sa Mantalaan City,” sagot ko. “Ang syudad na pera ang Diyos?” gulat niyang tanong. Bakit niya alam ang tungkol sa lugar na ito? “Oo, at may nakilala akong tao na Xander Gill ang pangalan,” kuwento ko sa kaniya. “I know that name. Balita ko, bakal ang puso ng lalaking iyan,” wika niya kaya mas lalong nagtaka ako. “Ang totoo niyan ay, kasama ko siya dito sa resort na kami lang ang tao,” pag-aamin ko. “Ano? Erich, nagbibiro ka ba? Iyan ang sisira sa maganda mong buhay!” galit nitong sabi. “Bakit? Ano’ng mayroon sa kaniya?” tanong ko at tumayo saka naglakad-lakad. “Noong una, galit siya sa mga babae, dahil na rin sa panloloko sa kaniya ng dating kasintahan nito. Ilang babae na nag pinaluha niya. Matapos makuha ang gusto niya ay iniiwanan niya ito with death threat pa,” paliwanag ni Jade na siyang ikinabigla ko. “Umalis ka na riyan at bumalik ka na lang dito!” utos niya pero tumawa ako. “Hindi ako babalik na dala ang kabiguan. Nakakahiya kina mama at papa. Kung hindi man ako natuloy sa Campbell town, siguro siya na lang ang misyon ko,” sagot ko. “Ano’ng gagawin mo sa taong walang puso?” inis na tanong ni Jade. Kilala ko ang lalaking ito, kapag ganiyan ang tono ng pananalita niya ibig sabihin niyan ay seryoso talaga siya. “I will make him fall in love with God,” sagot ko. “Hindi iyan madali. Make him fall in love with you first, dahil pera ang Diyos ng taong iyan. Kung magawa mo siyang mahulog ang loob sa’yo at mahalin ka niya, makakaya niyang isakripisyo ang lahat ng kayamanan niya para sa’yo. Iyon kung ganoon nga nag mangyari,” wika niya kaya napapikit ako. “Buhay mo ang nakataya dito, Erich. Paano kung hingin niya sa’yo ang virginity mo? Alam mo na hindi iyon tamang ibigay ng walang basbas ng kasal,” aniya. “Alam ko iyon Jade. Wala naman akong balak na ibigay sa kaniya nag bagay na iyan, he is not my type. Ang sa akin lang ngayon ay iligtas siya,” sagot ko. “Okay, make him fall in love with you, pero siguraduhin mo lang na hindi ikaw ang mahuhulog ang loob sa kaniya,” payo niya kaya napa ngiti ako. I won’t fall in love with him. Hindi siya ang tipo ng lalaki na gusto ko. “Ang tanong, ano ang gagawin ko?” tanong ko kaya natawa pa si Jade. Alam niya naman na hindi ako expose sa bagay na iyan. No boyfriend since birth ako at ang tanging first love ko ay si God. “Ano’ng plinaplano mo?” Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang makita ko si Xander sa likuran ko. “K-kanina ka pa ba diyan?” tanong ko at umiling lang ito. “Nagbabalak ka ba na tumakas? Huwag mong gagawin iyan dahil kahit saang lupalop ka pa magtago ay hahanapin kita,” pagbabanta niya. Wala naman akong planong takasan sila, besides nag iisip ako ng plano para sa kaniya. “Oh, bakit ganiyan ka na naman makatingin?” inis nitong turan ng mapansin na natulala ako habang nakatitig sa kaniya. “Guwapo ako no?” mayabang nitong tanong at inakbayan ako. “Alam mo, guwapo ka sana kaya lang, bawasan mo sana ang sungit at kabastusan mo,” wika ko at inirapan siya. “Marunong ka palang umirap, ha!” aniya at tumahimik saglit pero nagulat ako ng itulak ako nito sa dagat. “Hoy Xander, ano’ng ginagawa mo!” sigaw ko habang nakahawak sa braso niya. “Bastos pala ha,” panghahamon nito at hinubad ang pang-itaas niyang damit kaya natumba ako. “Xander tumigil ka!” sigaw ko pero hindi lang siya nag pa-awat. Naglakad ito papalapit sa’kin kaya gumapang ako papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat. “Takot ka sa’kin? Ang ibang babae nga diyan pumipila pa para matikman ako,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi ko sa’yo bawasan mo hindi dagdagan. Magsuot ka nga ng damit mo, akala mo naman nakakatuwa!” wika ko at tumayo kaya lang ay hindi ko napansin na may malaking alon pal ana paparating at natangay ako. “X-Xander help!” nauutal kong sigaw nang maramdaman kong namamanhid ang mga paa ko at hindi ako makagalaw. Tumalikod lang siya na animo’y hindi ako narinig. “Xander help me!” ulit ko at lumingon siya sa kinalalagyan ko. Paunti-unti na akong lumulubong tanging mga kamay ko nalang nag nasa ibabaw ng tubig. “Lord save me!” wika ko sa isip ko. Hindi pa ako puweding mamatay ngayon, may misyon pa akong dapat na tapusin. “What the hell is going on with you?!” narinig ko na inis na tanong ni Xander habang nakahawak ang kamay nito sa braso ko. Hindi ko na marinig pa ang mga sinasabi niya. Nabibingi ako at hindi ako makahinga dahil na rin sa tubig na naiinom ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa naabutan ko. He is kissing me. Kaagad akong naubo at lumabas ang naimon kong tubig dagat sa bibig at ilong ko. He is not kissing me pala. He is doing CPR to save me. “If your first kiss matters to you, isipin mo na lang na kung hindi ko iyon ginawa ay baka patay kana ngayon,” agad niyang sabi. “Thank you,” nanghihina kong sagot kaya tiningnan niya ako ng puno ng pagtataka sa mga mata. “Ngayon ko lang nakita ang halaga ng buhay,” aniya at binuhat ako. Nabasa din siya kasi lumangoy pala siya para isalba ako. Marunong akong lumangoy, kaya lang ay namanhid ang mga paa ko kanina. Nangyari na din ito noong bata pa ako. Iniligtas ako ng batang lalaki, sa tingin ko ay mas matanda sa’kin ng isang taon, hindi ko nga lang natanong ang pangalan niya. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” cold niyang tanong. “Namamanhid ang mga paa ko,” sagot ko. Sabay kaming napalingon sa kinalalagyan ng telepono ng tumunog ito. “Okay lang, kaya ko naman itong hilutin,” wika ko pero umiling siya. “Humiga ka ng maayos. Makapaghihintay naman sila, I’m the boss,” aniya at inilagay ang kamay sa paa ko at sinimulan niya itong hilutin. I thought he has an Iron heart? “Ngayon lang ganito ang magiging trato ko sa’yo dahil kasalanan ko naman ang nangyari. Huwag kang mag isip ng kung ano-ano.” That answers my question, but atleast may chance pa talaga akong nakikita. “Okay na ako, sagutin mo na ang tawag,” wika ko kaya tumayo naman siya at sinagot ito. “Basta malaki ang offer tanggapin niyo. Pera ang pinag uusapan natin dito,” wika niya na halos lamigin ako dahil sat ono ng pagkakasabi niya dito. Ang cold, paano niya nagagawa iyan? I mean, paano niya nakokontrol ang boses niya. May kinuha siyang atache case at inilapag sa kama na kinahihigaan ko. “Alam mob a kung ano ang laman nito?” aniya kaya umiling ako. “Isang milyon,” wika niya. Hindi na ako mabibigla kung bakit may ganiyan siyang halaga. “Kaya nitong bilhin ang lahat, maging ikaw,” aniya na wala pa rin emosyon na makikita sa mga mata. “Lahat? How about your happiness?” tanong ko at ngumisi siya. “Oo, nabibili ang kasiyahan at aliw.” “Temporary happiness ang tinutukoy mo. Alam mo, pagmamahal ang mas mahalaga kaysa pera,” wika ko kaya lang ang umiling siya bilang pagtutol. “Kung pagmamahal lang ang unahin mo at wala kang pera, lagi kang iiwan at masasaktan sa huli. Kung wala kang pera, ano ang kakainin niyo? Iyan walang saysay na pagmamahal?” “Buhay o Pera?” tanong ko kaya natigilan siya. “Tumahimik ka, baka may isang buhay ang mabuo sa resort na ito,” aniya at humilata sa tabi ko. “Xander, alamin mo ang totoo habang maaga pa. Walang magagawa ang pera upang iligtas ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD