Chapter 6

1315 Words
“Ipagluluto muna kita, ang dami mong sinasabi baka gutom ka lang.” Tumayo siya at inayos ang attaché case at saka ito ibinalik sa dating lalagyan. “Marunong kang magluto?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Akalain mo ba naman na ang isang Xander Gill ay ipagluluto ako. Isang himala! “Oo, gusto mo ng proof?” aniya at kumindat. Ang mga titig niya ay may kung ano. Para bang may magnet at may apoy. Naglakad siya ng mabagal hanggang sa nakarating ito sa pinto. Lumingon siya saglit bago tuluyan lumabas sa kuwarto. Nang umayos na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako at sinundan siya sa kusina. Ang tagal niya kasing magluto baka kung ano na ang nangyari sa lalaking iyon. Dahan-dahan akong naglakad at sinilip kung ano ang ginagawa niya. Nakita ko siyang nakatayo at nagluluto nga pero may dala-dala itong libro. Sa tingin ko ay Book of recipes iyan. Nakita ko ‘yan kanina habang kumakain kami, hindi ko lang inakala na sa kaniya pala iyan. “Ang sarap yata ng niluluto mo,” wika ko at bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang boses ko. Agad niyang binitwan ang libro at humarap sa’kin. “Why the hell you’re here? I told you ipagluluto kita. Bakit ka bumaba?” tanong nito na seryoso ang mukha pero pinagpapawisan. “Okay naman na ako, at naisip ko rin na baka nasusunog na rito sa tagal mong nagluluto,” sagot ko at pinagtawanan siya. “Bakit ka natatawa?” inis pa niyang tanong habang isinisiksik sa likod ang libro. “Bakit ka pinagpapawisan? Tulungan na lang kitang magluto,” sagot ko at naglakad papalapit kaya lang ay natigilan ako nang bigla niyang tanggalin ang damit niya. “Hoy bakit ka naghubad?!” sigaw ko sabay talikod. Ano na naman ba ang iniisip at binabalak ng lalaking ito? “Anong bakit? Mainit nga, bawal bang maghubad? Ayaw mo no’n makikita mo ang complete six pack abs ko,” ani pa nito at tumawa. The way he laughs is so sexy, o baka sinasadya niya lang. “Hindi ako interesado sa abs mo. Ibalik mo ang damit mo, bilis! Nasusunog na ang niluluto mo!” Natataranta kong sigaw at tumahimik lang ito. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang ginagawa niya. “Ayos na, puwede ka ng tumingin,” wika niya kaya pumihit ako paharap. “Paano ba iyan, nasunog,” dagdag pa niya at inilapag ang niluluto niyang itlog sa mesa. “Itlog lang pala niluluto, nasunog pa,” bulong ko at sumama naman ang tingin nito sa’kin. “Bakit ka kasi nanggugulo dito?!” Padabog siyang umupo kaya mas lalo akong natawa. “Alam mo Xander, may mga bagay talaga na hindi p’weding soluhin,” panimula ko at tiningnan niya lang ako na may pagtataka. “Gaya ng itlog?” tanong niya at ngumisi. Iba ang ngisi na iyan, alam kong may naiisip na naman siya. “Dahil dalawa ito, at iisa ang hotdog. So, it means, dapat tatluhan?” Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng sponge na basa. Ang daming alam ng lalaking ito, lahat basura. Ang bastos, at ang manyak. “Ayusin mo naman minsan ang pag-iisp mo, Mr. CEO,” wika ko at hinarap ang stove. Ako na lang ang magluluto dahil nagugutom na ako. “Tsk, ayos naman. Bakit ba lagi kang kumukontra?” inis pa niyang tanong. ‘Kasi ang dumi ng utak mo!’ Gusto ko iyang isigaw kaya lang baka magalit siya. “K-kasi hindi tama,” nauutal kong sagot dahil naramdaman ko na lumapit siya. “Ano ba ang tama? Ang magmahal at masaktan?” Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Bakit ba ako apektado sa inusal niya? Hindi pa naman ako nakaranas ng heatbreak, pero mula sa mga mata niya ay ramdam ko iyong lungkot. Lungkot na hindi man isiwalat ng dila ay makikita’t mababasa naman ito sa mata. “Minsan kailangan nating masaktan para maging matatag,” determinado kong sagot. “Kaya pala sa una masakit pero pag tumagal ay sumasarap na,” ngingisi-ngisi niyang sagot. “Pinupuno mo ng basura ang utak ko. Xander naman kasi,” namamaktol kong wika sabay kamot sa ulo ko. Simula ng pumasok ako sa buhay niya at ganiyan na lang lagi ang mga sinasabi niya. His mind is full of lusts. “Basura na kung basura, basta iyon ang totoo. Gusto mong patunayan ko?” aniya at bigla na lang hinwakan ang kamay ko kaya agad ko itong tinabig. “Satanas layuan moa ko!” bulalas ko dahil tila ba’y napaso ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nasapo ko ang bibig ko dahil sa nasabi ko. Natawag ko siyang satanas dahil sa gulat, naku po baka magalit na siya ng tuluyan. “Ang guwapo ko naman para magmukhang satanas. May abs na pala si satanas ngayon,” bulong pa niya at umiling saka kinuha ang niluluto ko. Luto na pala ito, hindi ko lang napansin. “Upo na doon. Magtitimpla lang ako ng kape,” aniya. Lakas maka feeling breakfast pa lang. Ang nakahanda kasi sa mesa ngayon ay pagkain na dapat sa umaga lang dapat inihahanda. Sa pagkaka alam ko naman ay gabi na ngayon at hapunan na dapat ito. “Sabi nila gumaganda daw ang babae kapag nasasaktan,” nakangisi niyang sabi pero hindi ko lang siya sinagot. Itinuon ko sa pagkain ang attensiyon ko. “Nasaktan ka na yata,” may halong pang-iinis niyang wika at inilapag sa mesa ang dalawang kape na inihanda niya. “Sabi nila bakal daw ang puso mo, bakit?” pag-iba ko ng topic. Napatingin siya sa’kin at nagbuntong-hininga. Kitang-kita naman sa mukha niya na nainis ito dahil sa tanong ko pero nilabanan niya ito at pilit na ngumisi. “Dahil hindi ako marunong magmahal,” mahina niyang sagot at humigop ng kape. “Ang bakal ay maaaring kalawangin. Paano kung mapalambot ko ang puso mo,” tanong ko na hindi siya nililingon. “In your dreams, crazy little Erich,” sagot niya kaya napalingon ako sa kaniya. “Paano nga kung magawa ko? Will you promise me that you will not idolize money anymore?” lakas loob kong tanong. Alam ko naman na may tyansa na magalit siya, pero wala ring masama kung magtatanong ako. “Tigilan mo ang plano mong iyan. Ayaw ko na pati ikaw ay mabaliw sa’kin,” nakangisi niyang wika at biglang pinunasan ang gilid ng labi ko. “Inosente ka, wala ka pang masyadong alam sa pag-ibig,” seryoso siya sa sagot niya at tumayo na. “Kapag marami kang pera, lahat magagawa mo. Kapag marami kang pera, ang tingin sa’yo ng tao ay Diyos.” Natawa pa siya dahil sa sinabi niya. “Paano ba ang magmahal?” wala sa sarili kong tanong. Gusto ko lang alamin kung ano ang alam niya tungkol sa pagmamahal. “Kapag nagmahal ka, umasa ka na sa huli ay iiyak ka at masasaktan. Loving is a suicide, Erich,” walang gana niyang sagot. ‘Loving is a suicide’ Hindi ako saglit nakagalaw. God gave us His only begotten son as a sacrifice. It’s clear that love is a sacrifice not a suicide. “Xander, love is a sacrifice not a suicide,” baling ko sa kaniya ngunit saka ko lang napagtanto na mag-isa na lang pala ako na nasa mesa. Umalis na pala siya na hindi ko manlang namalayan. “Matulog kana agad, may pupuntahan tayo bukas.” Bahagyang nagulat ako nang magsalita siya nang makita akong papalapit na sa kinauupuan niya. Hawak-hawak nito ang cellphone niya, na sa tingin ko ay may tumawag. “Saan?” kakamot-kamot ako sa ulo ko habang naglalakad papalapit sa kaniya. “Sa labas,” sarkastiko nitong sagot. ‘Malamang sa labas talaga, Malabo namang dito lang sa loob’ Minsan talaga nakakapikon ang lalaking ito. Pasalamat na lang siya at mahaba ang pasensiya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD