Kabanata 10

2828 Words
"Walang sawaan sa kainan. Aba, kapag itong pamilya bangelio hindi pa matuloy umalis uwian na." Siniko ni Reign ang asawa si Cedric. Ayaw kasi maglubay kakadaldal. Pinapakain na nga't lahat madami pa sinasabi. "Ayaw ninyo? Hindi na kailangan kumain sa mga sariling bahay dahil every day dito tayo kakainin." Sabat ni Thania. "Oo nga," sang-ayon ni Shien. "Matutuloy kami ano man ang mangyari. Huwag kayo mainip at darating din tayo riyan. Basta huwag ninyo asahan na lagi kayo may pasalubong kapag uuwi rito." mapanuya kong sabi. "Ay, ang daya!" "Hindi pupuwede 'yon!" "Kahit man lang sa mga anak namin ohh!" Hindi ko alam kung sinu-sino nagsalita basta natatandaan ko lahat sila nagkakaingay. Nandirito ngayon si Shien dahil ininvite raw ni Peps. Kung baga wala rito sina Erdem, Bebsie, at Desirie. "Ang bilis ng panahon." parang malungkot ang tono ni Ced. "Huwag mo sabihin malulungkot kapa?" usisa ng asawa. "Sino ba hindi malulungkot? Hindi na kompleto ang Lucifer Kingdom." "Kahit Viper hindi na rin pero hindi ako ganyan kung mag-react." "Tumatanda na tayo." "Anong gusto mo bumata? Malabo yata nais mo." "Nakakamiss lang." "Miss ka ba?" Nagkatawanan kami sa barahan ng mag-asawa. "Oh tama na 'yan baka magkaroon ng digmaan dito sa bahay dahil sa walang kwenta ninyong pag-aaway." Sabat ko. "Kayo ba ay sigurado na? Wala na ba atrasan ito?" si Peps. "Oo, dre. Kailangan magmove on ng asawa kong ito kay Isay saka mas magiging panatag ako kung wala nang asungot." "Sinasabi mo asungot kami?" "Ay, wala akong pinatatamaan. Ibig ko lang sabihin 'yong kagaya ni Jayda." "Sa totoo lang nakakaawa si Jayda, ano?" Banggit ni Reign. "Bakit ka maaawa sa taong gustong patayin ang buong pamilya?" siko sa kanya ni Ced. "Oo nga nandoon na tayo sa point na mali siya pero na isip ba ninyo hindi magagawa ng isang Jayda ang bagay na 'yon kung hindi niyo kinuha si Zee." "Pinapanigan mo na ngayon 'yong patay na?" inis kong usisa. "Hindi. Sinasabi ko lang ang karapatan niya as a mother ni Zee." "Patay na 'yon tao huwag na buhayin pa." "Ang sa akin lang naman ay---" tinakpan ni Cedric bunganga nito upang huwag na magsalita. Nagtatalo pagkaraan ay magbabatukan sa ulo. Iiling-iling kaming mag-asawa sa pagtatalo ng dalawa. Parang hindi pa rin nagbabago. Ganoon pa rin away at bati. "Tito Zayn may naghahanap po sa inyo." Hila ni Pauline sa kamay ko. "Sino?" Nagkatingin kami ng asawa ko. "Hindi ko kilala pero ikaw po hinahanap nasa labas ngayon 'yong lalaki." "Sige lalabas na ako." Tumingin ako sa lahat bago sumama sa akin palabas ng pinto. Isang lalaki na maitim. Hindi mukhang mayaman pero maganda ang porma. Pinagmamasdan nito ang kabuuan ng bahay namin. Nang makita nasa labas na kami ay ngumiti sabay tanong ng ganito. "Dito pala tumira si Jayda." bulungan ang mga babae sa likuran ko. "Sino ka? Bakit kilala mo si Jayda?" Maangas na nilapitan ni Cedric ang lalaki. Pinapasok nila Reign ang mga bata na abala kanina pa kakalaro sa garden. Umismid bago sumagot,"Boyfriend niya ako. Ang tunay na tatay ni ZEE." kaagad kinuwelyuhan ni Cedric ang lalaki pero pinigilan ni Reign pagkagaling sa loob. "Sino ka ba para magsalita na ikaw ang tatay ni Zee. Isa kang istranghero na hindi man lang nagpapakilala ng maayos." "Sinabi ko na. Ako ang boyfriend ni Jayda at ang tunay na tatay ni Zee." "Sira-ulo ka!" Sinapak ni Ced. "Cedric, tama na." Awat nila pero kami mag-asawa ay titig na titig sa lalaki. "Kung buhay lang si Jayda siya ang magpapatunay na ako ang nakabuntis sa kanya. Ngayon kaya ako nagpunta rito para kunin ang anak ko." Dinadampi ang nguso. "Nasaan ang pruweba mo gagu ka!" ayaw paawat ni Ced. "Kailangan pa ba? Baliw ba ko para mag-aksaya ng oras at panahon sa mga walang kwentang bagay? Ako ang tatay ni Zee. Kung sa ayaw man o gusto ninyong lahat kukunin  ko ang anak ko." Mariin niyang pahayag. Lahat kami tahimik pinagmamasdan ang lalaki. Wala akong makita na patunay na siya ang tatay. Malayong-malayo ang mukha niya kay Zee dahil ako nga ang kamukha ng anak ko. "Gusto mo ba magpatawag pa ako ng pulis para umalis ka?" hindi ko na tiis maghamon. "Kung hindi ako nagkakamali ikaw 'yong sinasabi ni Jayda na si Zayn?" "Lumayas ka na!" "Teka nga, bakit mo ba ako pinapalayas? Isa pa, sige aalis ako kung ibibigay ninyo si Zee." "Akala mo ba ganoon lang kadali na maniwala kami sayo? Peps, tumawag ka ng mga guard ipadampot mo ang lalaking ito. Bakit ba sila nagpapapasok ng mga outsider." Kita kong pumasok sa loob si Peps mayamaya pa lumabas at sinabi papunta na mga guard. "Hihintayin mo pa ba kaladkarin ka ng mga guard palayo sa bahay ko?!" "Nasaan ang anak ko!" nagmamadali itong papasok sa bahay pero humarang kami nila Peps, at Cedric. "Isang hakbang mo pa sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso." Banta ni Ced dito. "Ang lalakas ng loob ninyong hadlangan ang tunay na tatay ni Zee. Por que wala akong pruweba dapat ninyo na akong tapaktapakan?!" "Trespassing ginagawa mo. Maaari kitang kasuhan dahil sa paglabag mo!" Bulyaw ko. "Maaari rin kitang kasuhan ng kidnapping!" "Talaga? Magrereklamuhan tayo? Teka muna, sigurado ka ba handa ang pruweba mo?" Nang iinis ko pang sabi. "Wala akong pruweba na bagay pero 'yong DNA test lang ang magbibigay sa akin ng pag-asa. Bakit hindi niyo subukan?" Napakuyom ako ng kamao. Kaagad sinapak nila Peps, at Cedric 'yong lalaki. Deserve niya 'yan. Sino ba matinong tao pupunta rito para magpakilalang tatay ni Zee. Mabuti sana kung may patunayan ito pero wala kahit na katiting. Mayamaya dumarating ang mga guard saka hinawakan sa magkabilang braso ang lalaki.  Malungkot na umalis si Roselle papasok sa loob. Nagsalita muna ang lalaki bago ko sundan ang asawa ko. "Patutunayan ko sainyo na ako ang ama ni Zee! Patutunayan ko 'yan sainyo!!!" **** "HONEY!" mugto ang mga mata. Nakatanaw lang ito sa bintana. "Huwag mo isipin ang bagay na 'yon. Patutunayan natin gawa-gawa lang na anak niya si Zee." "How can you be sure? Anong dahilan niya para magpanggap? Isa pa, hindi natin kilala ang taong 'yon!" "Exactly, hindi natin kilala kaya huwag tayong magtiwala. Malay mo isa sa mga kinasabwat ni Jayda tapos ng malaman wala na si Jayda saka gumawa ng ibang aksyon. Wala tayong alam pero nakakasiguro akong nagsisinungaling siya." "Paano kung totoo? Paano kung hindi ikaw ang ama ni Zee?" Hindi ko kasi alam magiging reaksyon ko. Kung hindi nga ako naging dahilan 'yon para mabawing wala akong bunga sa kasalanan ngunit kung ako ang ama ni Zee magiging maayos ang buhay namin. Alam kong bigat na bigat siya sa kanyang dalahin. Ayokong sa huling pagkakataon masasaktan na naman siya at wala akong magawa. "Zayn, pagod na ako. Hindi na ba tayo lulubayan ng pagsubok? Nakakapagod nang lumaban." "Tama ba itong naririnig ko? Napapagod kana? Ayaw mo na ba lumaban kaya susuko kana? Makinig ka sa akin hindi sa ngayon dapat maging mahina. Maaaring problema na naman ito pero nakakasiguro akong may solusyon. May magagawa tayo." "Paano at ano? Paano nga kung hindi mo anak si Zee. Tulad ng pagkakasabi mo sa akin nakilala mo sa isang bar si Jayda. At ano na lang gagawin natin kung 'yong paanong tanong ay tama? Sige nga Zayn, magagawa mo pa ba manahimik at maging relax?" "Kahit paano dapat tayo maging relax. Huwag tayo basta-basta magpapaniwala sa mga sabi-sabi lalo kung walang matibay na ebidensya. Kung sakali man hindi maglubay ang taong 'yon gagawa na ako ng hakbang. Patutunayan ko sa kanya na nagkamali siya ng lolokohin." Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. "Honey, tingnan mo ako." Hawak ko sa magkabilang pisngi, "Ang dami na natin pinagdaanan ngayon pa ba tayo bibitaw? Ngayon pa ba tayo panghihinaan ng loob?" "Nag-aalala lang ako baka mangyari na naman 'yong tulad kay Isay. Nawala si Isay at ipinahiram lang ng isang linggo. Baka kaya ganoon din si Zee ipinahiram lang sa atin dahil wala tayong anak at never magkaka-anak." Nagkatitigan kami, "Kahit na ano mangyari pamilya pa rin tayo. Walang mawawala at wala nang mawawala. Ipinapangako ko sayo na hindi niya makukuha si Zee sa atin. Ipinapangako ko sa iyo 'yan. Magtiwala ka sa magagawa ko. Magtiwala ka lang." Sabay kami nag-nod bago mayakapan sa isa't-isa. Hindi ngayon ang oras para ipakita sa kanya ang kahinaan ko. Dapat ako ang manguna na maging matapang sa mga posibleng mangyari. Wala man kaming ideya sa susunod mananatili akong nakahawak sa kanya. **** "Ano Erdem may nalaman kana ba tungkol sa tinatanong kong tao?" Usisa ni Cedric sa kabilang linya, "I know busy ka masyado pero sana makatulong ka." Kaagad ibinaba ang cellphone bago tumingin sa amin ni Peps. "So what's the plan??" Tanong ni Peps. "Kumilos din tayo. Hindi one hundred percent makakatulong si Erdem. May prinoproblema rin 'yong tao." Seryosong sabi ni Cedric na kaagad namin ipinagtaka ni Peps. "Anong problema?" "Na car accident si Bebsie." "What? Bakit?" Nag-aalalang usisa ni Peps. "Hindi pa handa magsalita 'yong tao pero nararamdaman kong mabigat ang prinoproblema niya. Sana matapos na 'tong problema mo Zayn para masundan ko sila sa guam." "Sa ngayon maghintay tayo kung babalik pa ba 'yong lalaking nagpapanggap na tatay ni Zee." "At talagang umaasa kapa Peps na babalik dito 'yon? Look, halos hindi makakain si Roselle ni hindi na nga makatulog dahil nag-aalala na baka mawala sa amin si Zee." "Relax. Gusto ko lang maging handa tayo. Kanina pa ako nagtatanong kung anong plano." "Sa ngayon dapat nga talaga kumilos tayo. Simulan ninyo magpa-DNA test ni Zee para ano man ang mangyari may ipakikita ka sa lalaking 'yon." Kalmadong usisa ni Cedric habang naka-dekwatro. Sabay-sabay kami lumingin sa pintuan dahil may kumakatok. Si Peps nagbukas. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na formal ang kasuotan. "Maganda araw, maaari ko ba makausap si Mr. Zayn Bangelio?" "Sino ho kayo?" "Ako nga pala si Atty. Anton Sanchez, ang napiling Atty ni Mr. Ricardo Salazar." Sinalo ni Peps ang kamay nito ng magpakilala. Lumapit ako, "And who the hell Ricardo Salazar?!" Ismid ko rito. "Siya ho 'yong nagpapatunay na Tatay ni Zee Bangelio." "Ah siya pala...oh ngayon? Bakit napasadya kayo rito?" "Hindi na ako magtatagal. Nais lang ho ipaabot ni Mr. Salazar na nagpa-DNA siya gusto niyang makuhaan ng DNA test ang anak niyang si Zee sa lalong madaling panahon." "Paano kung ayoko?" "Kung hindi kayo papayag mapipilitan po kami na ilabas ito sa korte." "Sa tingin ninyo natatakot ako?" "Mr. Bangelio, maayos ho nakikiusap ang partido ko. Kung kampante ka na anak mo talaga si Zee papayag ka sa kahit anong process." Napakuyom kamao ko. "Babalik ako makalipas ng isang linggo para sa resulta na kasama si Mr. Ricardo. Mauuna ho ako sa inyo." Padabog kong isinara ang pintuan sa galit. Gusto kong kausapin 'yong Ricardo na 'yon. Sino siya para kalabanin ako. Kumuha pa talaga ito ng Atty para patunayan na siya ang totoong tatay ni Zee! "See? Kailangan na natin kumilos. Baka mauna pa lumabas ang resulta ng Ricardo'ng  'yon!" Tumayo si Cedric saka kinuha ang susi ng kotse. "Pagbihisin mo na sina Roselle at Zee magpupunta tayo sa kilala kong doctor. Doon natin ipagkakatiwala ang magiging resulta." SA HOSPITAL.... nakuha na kami ng sample ni Zee at sa akin rin. Nakiusap ako kay Roselle  na huwag masyado isipin ang bagay na ito. May isang linggo pa para malaman ang resulta. "Huwag muna tayo umalis hanggat hindi pa tapos ang problema." "Sige ikaw ang bahala. Gusto ko lang makasama ng matagal si Zee." Yakap niya sa anak namin. "Huwag mo na isipin ang bagay na 'yon. Kampante ako na anak ko siya. One hundred percent sure." She paused for a while. I smiled. Saka ko sila niyakap ng mahigpit. Sa panahon na ganitong may pinagdaraan kami dapat maging matibay at matatag. NAGMAMADALI akong lumabas ng bahay para sa resulta na kukunin sa hospital. Sakto sa isang linggo ang paghihintay. Kailangan na namin malaman ang buong katotohanan. Kinakabahan man ay pinipilit ko maging kalmado. "Hon!" paglabas ng pinto sinalubong ako ni Roselle buhat pa rin si Zee ngunit kasama niya ang Atty ni Mommy. "Atty Klinton." Wika ko. "Ipagpaumanhin ninyo ang pagpunta ko rito sa bahay," may inilabas itong brown envelope. "Para saan ho iyan?" Nagkatinginan kami ng Asawa ko, "Mabuti pa ho kung sa loob tayo mag-usap. Come in." Nilukot ko ang papel mula sa loob  ng envelope. Hindi ako makapaniwala na ganito sa ganito pa hahantong ang lahat. Pinagmasdan ko ang dalawa bago ihagis sa center table ang mga papel. "Hindi ko matatanggap ang resulta na 'yan! Paano nangyari 'yon?!" Napatayo ako sa galit. "Ibinigay sa akin ng Mommy mo ang papel na 'yan. I'm so sorry Mr. Zayn ngunit mapipilitan kami na bawiin sa inyo ang kalahating mana." "At bakit? Paano tayo nakakasiguro na hindi ko nga anak si Zee?!" Lumapit sa akin ang asawa ko sabay yakap at umiiyak,  "Anak ko siya! Peke ang resulta!!" "Honey, huminahon ka." "No! Please Atty bigyan mo pa ako ng ilang linggo uulitin namin ang resulta. Hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang anak ko!" "Mr. Bangelio,  pasensya na talaga. Wala na tayong magagawa. Huwag ninyo isipin na pinapanigan ko ang iba ngunit ang DNA test na ang nagpapatunay. Wala ka pang-anak, o kayo ng asawa ninyo. Babawiin namin kung ano ang na pagkasunduan." "Walang kaso sa akin ang pera o kayamanan! Ang importante rito 'yong buong katotohanan!" Nang gagaliiti na ako sa galit. Gusto kong manapak. "Pasensya na. Hindi na ho ako magtatagal dahil may pupuntahan pa akong kliyente. Mauna na ho ako Mrs. Bangelio." Yuko nito sa Asawa ko at inihatid sa pintuan. "Honey, paano na?" Yakap nito si Zee. "Paano? Lalaban tayo. Hindi ako makakapayag na ganito na lang tayo." "Pero DNA test na ang nagpatunay!!" Galit niyang turo sa mga papel. "Malay natin kung pineke lang 'yan?! Ano Roselle, susuko ka na lang ba? Isusuko mo na lang ng ganito si Zee?! Nararamdaman kong anak ko siya. Makinig ka sa akin, iba ang pakiramdam ko rito!" May kumatok sa pintuan na kaagad binuksan ni Roselle. Tumambad sa harapan niya si Ricardo. May hawak itong papel kasama ang sariling Atty. "Anong---" mahigpit na yakap ng asawa ko sa bata. "Siguro naman nakita niyo na ang resulta. Baka puwede bawiin ko na ang pag-aari ko. Babawiin ko ang Anak ko mismo." Nagmamadali itong lumapit kay Roselle para kunin si Zee ngunit maagap akong humarang. "Hindi mo basta makukuha ang anak ko!" Bulyaw ko rito. "Aba, Mr. Bangelio masyado ka yatang matigas? Baka nakakalimutan mo maaari kang makulong dahil sa ginagawa mo. Hindi mo anak si Zee. Anak ko siya kaya karapatan kong kunin ano mang oras ang anak ko." "Ulitin natin ang test!" Humalakhak ito ng matigas bago lumingon sa likuran. May kasama ito na dalawang pulis bukod sa Atty niya. Nagsipasok ito at kaagad humawak sa mga baril na nasa tagiliran. "Nagsama na ako ng pulis. Baka kasi magpumilit kapa." He smiked for a while until kunin niya si Zee kay Roselle. Wala kami nagawa. Umiyak lang si Zee sa buhat ni Ricardo ng makitang umiiyak si Roselle na nakayakap sa akin.  Gusto kong kunin muli ang anak ko ngunit wala akong magawa. "Maayos ka rin pala kausap. Paano Mr and Mrs. Bangelio mauuna na kami ng anak ko. Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya. Huwag kayo mag-alala magpapadala ako ng kaonting kabayaran sa lahat." Mangiyak-ngiyak ako ng tumalikod silang lahat habang si Zee umiiyak at pilit sumasama sa amin mag-asawa. "Wala na siya. Wala na si Zee." Hagulgol ng asawa ko. "Kaya natin ito. Makakaya natin ito." Himas ko sa kanyang likuran. "Ano na gagawin natin Zayn? Paano tayo magsisimula sa umpisa?" "Walang magsisimula dahil ako mismo gagawa ng paraan para patunayan na ako ang daddy ni Zee." Kung hindi man ngayon maaari may ibang araw para malaman ko ang totoo. Sigurado ako gagawa ng paraan sina Cedric. Sigurado ako na malalaman namin ang buong katotohanan. "NAKALULUNGKOT na balita." Dalawang  araw nakalipas matapos ang pagkuha kay Zee. "Nakalulungkot nga Peps." Ani Cedric habang may kinakalikot sa laptop. "Siguro mabuti kung huwag muna mag-desisyon sa pag-alis." Sabi ko. "Oh bakit?" tumingala si Cedric para tingnan ako. "Ayoko pag-usapan ang bagay na 'yon lalo at nalulungkot siya." "Okay nga 'yong aalis kayo para kahit paano makapag-move on 'yong tao." "Pero hindi ganoon si Roselle. Masyado siyang napamahal sa bata." I sigh. "Hindi ko siya masisisi. Naiisip niyang malabo na magka-anak ang tulad niya kaya halos ibuhos nito ang pagmamahal sa bata." "Zayn," hawak ni Peps sa balikat ko. "Pilitin mo makaalis kayo sa lalong madaling panahon. Para na rin ito sa kalagayan ng asawa mo." Tama sila. Ito ang tamang paraan upang makalimutan namin ang masalimuot na pangyayari. Gagawin ko ito para magsimula. Magsisimula kami sa bagong simula. "THANIA, dito tayo!" Kaway ko sa 'di kalayuan. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Teka, nasaan sina Reign?" Lilinga-linga. "Bumili pa ng popcorn at inumin." "Sina Peps, Pauline, at Shien?" "On the way na raw kaya magtabi kayo ng tatlong bakanteng upuan." Nag-nod ito bago tumabi kay Roselle. Manunuod kami ngayon ng sine. Napag-isipan nila ito bago kami lumipad patungong london. Mayamaya dumarating sina Reign kasabay sina Peps. "Kompleto na pala tayo." Sabi ni Thania, "Bakit hindi ninyo sinama mga anak nyo?" Usisa kina Cedric. "Hindi pinayagan ng mga lolo at lola nila." Tugon nito. "Mahal na mahal ang mga apo. Hindi ko akalain na magkakasundo ang mga magulang ninyo." "Why not? Dating mag-bestfriend sina Mama at Mommy." wika ni Reign. "Magsiupo na kayo magsisimula na ang palabas." Kaagad nagsikilos sa utos ko. Dalawang oras ang tinagal ng palabas until nagkayayaan sa fast-food para kumain. Sinamahan namin ang mga babae pumili ng bagong damit, sapatos, bag at kung anu-ano pa. Shopping na yata ang nakakapagpaligaya sa mga kababaihan ngayon. Sana kapag nakaalis na kami masaya pa rin sila at sama-sama. Marami kami natutunan sa kanila at hinding-hindi namin makakalimutan ang mga araw na magkakasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD