"HONEY, makakasama ka ba today sa hospital? Follow up check up ko."
"Susunod ako. May pinagagawa lang sa akin si Mama. I think matagal ka naman sa hospital hindi ba?"
"Uhm, oo. Sige sumunod kana lang. Alam mo na kung saan ang office ni Doctor Galvez?"
"Oh yes, kabisado ko na. Ipahahatid kita."
"Huwag na. Ako na lang magmaneho. Mas komportable ako kung ako lang mag-isang pupunta sa hospital."
"Kung ganoon bakit kailangan pa ako sumama??"
"Baliw ka ba? Malamang asawa kita. Minsan lang ako mag-follow up check up kaya nga sinasama kita."
"Don't worry susunod ako. I love you."
"Sus, sige na. Baka hinihintay na ako ni Doctor Galvez." Tumalikod na paalis.
"Sandali. Wala man ba kiss saka hindi ka man lang tumugon sa sinabi ko." Wari nagtatampo.
"Para 'yon lang,eh." Hinalikan ako sa labi saka..."I love you and I love you too." Kindat sa akin.
"Honey," natigilan sa pagbukas ng pinto. "Huwag ka mag-alala babalik sa atin si Zee." Mapait niya akong ningitian at tuluyan lumabas nang bahay.
KATAKOT-TAKOT na papers ang pinagawa sa akin ni Mommy sa opisina. Bago raw sana ako umalis bukas ay ayos na ang lahat. Baka raw mahirap na akong hagilapin kung sakali. Tuluyan na 'kong umalis sa opisina dahil may meeting pa sila na aabot ng ilang oras. Ipinaubaya ko na lang kay Kuya ang iba since ito na ang makakatulong nila daddy. May pagka-digusto itong si Dad kay Kuya Jude. Mas gugustuhin na lamang nito ipaayos sa iba kaysa sa kanya na hindi alam ang tinatakbo ng utak. Kung minsan kasi iba ang pakikitungo ni kuya sa amin. Minsan okay, minsan hindi. Parang kape na pabago-bago ang timpla ng ugali.
Gaya na pangako kay Roselle diretso sa hospital ang bagsak ko. Sa third floor ang opisina ng doctor niya pero kinailangan ko pa maglakad sa hagdan dahil out of order ang mga elevator. Meron nag-iisa pero mahaba ang pila. Baka magkasalisi kami ng asawa ko kung magtitiyaga ako sa pagpila. Hindi pa naman gusto ng asawa ko na magkasalisi kami. Mainit ang ulo lalo sa mga ganitong bagay.
Naghintay ako sa pinto ng opisina ng doctor niya nang makarating ako. Medyo matagal nga lang kaya naisipan ko maglakad-lakad para tingnan ang iba pang pasyente sa gilid-gilid. Nagtext si Roselle na malapit nang matapos ang check up rereplayan ko sana ngunit kaagad ako na pahinto dahil sa boses ng isang doctor.
"Mr. Zayn Bangelio?" Ah, si Doctor Santos lang pala. Ang doctor na pinakilala ni Cedric sa amin.
"Ikaw ho pala Doctor Santos. May ibang appointment ba kayo rito?"
"Ah,wala. May binisita lang na isang kaibigan. Kumusta kayong mag-asawa? Si Zee, ang anak ninyo kumusta? Siguro masayang-masaya si Mrs. Bangelio sa naging resulta."
"Paano mo nasasabi maging masaya kaming mag-asawa?" Iritable kong usisa.
"Sorry? May nasabi ba akong hindi maganda? May nangyati ba masama sa pamilya mo? Last time magkausap tayo sabi mo magpupunta kayo sa london. Bakit nga pala nandito ka?"
"Paano kami matutuloy kung puro problema ang nangyayari sa amin." Hindi ko mapigilan hindi mainis.
"I'm so sorry Mr. Bangelio for what happened to your family pero gusto ko lang sana sabihin na masaya ako dahil ikaw talaga ang Ama ni Zee."
"Ano ho ba sinasabi mo? Mababang percenr lang ang naging resulta sa DNA test." Hindi yata magaling na doctor ito. Tssk.kainis.
"Excuse me?" Bakit ganoon siya mag-react? Bakit iba na 'tong kutob ko sa ikinikilos niya.
I sigh,"Hindi ko anak si Zee. Ayon sa resulta ng DNA test na ibinigay mo."
Kunot-noo ako binalik-balik nang tingin bago ito magsalita.
"Baka nagkakamali ka lang Mr. Bangelio. Ninety nine point ninety nine percent ang resulra sa test. Ang ibig sabihin ikaw ang Daddy ni Zee wala nang iba pa." Napaatras ako.
"Paano nangyari 'yon? Patungo na sana ako sa hospital para alamin ang result pero dumating ang Atty namin dala ang envelope na pinaglagyan ng DNA test."
Inayos ni Doctor Santos ang kwelyo ng damit bago magsalita.
"Mukhang hindi tayo nagkaka-intindihan. Nagpunta sa hospital ang kapatid mo para kunin ang result. Hindi ka raw puwede noong araw na 'yon kaya siya na pinakuha mo."
"Si Kuya Ben?" He nodded.
"Yes, noong una may alinlangan ako kung ibibigay ko ba pero tinatawagan ka niya sa cellphone that time. Nakakahiya naman kako kung tunwag pa kuya ko para lang maniwala ako. So I decided ibigay na."
Si Kuya Ben ang kumuha ng results ng DNA test namin ni Zee. Ibig sabihin..
"Wala ho ganoon na pangyayari. Hindi ako tinatawagan ng kapatid ko at lalong hindi ko siya inutusan para kunin ang resulta."
"Kung ganoon...."
"Niloko ako ng kapatid ko." Nanggigigil kong sabi, "Excuse me Doctor Santos I have to go may kailangan akong tapusin." Hawak ko sa balikat.
"Sorry for what happened."
"No doc, I think labas na kayo dahil ginawa mo lang kung ano ang nararapat. Maraming Salamat."
Palakad na ako sa kinaroroonan ni Roselle ng makasalubong ko siya. Hinawakan ko ito sa kamay saka naglakad pababa ng hagdanan.
"Honey, kanina kapa ba?"
"Oo, kailangan na natin umalis."
"Bakit nagmamadali ka? Saan tayo magpupunta?"
"Sa opisina nila Mommy."
"M-may nangyari ba?" Hindi ko na ito sinagot. Tahimik lang kami lumabas ng hospital hanggang makasakay sa kotse.
Sa office ni Mommy nagmamadali akong maglakad. Hindi na bale hingalin ang asawa ko ang importante mabigyan ko ng isa o higit na sapak ang kapatid ko. Nakakagigil ang ginawa niya sa amin mag-asawa. Nagmumukha talaga itong pera.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng conference room ng humarang ang secretary ni Kuya.
"I'm sorry Mr. Zayn pero nasa oras sila ng meeting. Hindi po maaaring istorbohin sina Madam."
Itinulak ko lang ito. Hindi ko pinansin kung saan ito na buwal basta ang hangad ko makaganti sa walang hiya kong kapatid. Pagbukas lahat ng tao sa room tumingin sa akin. Hinagilap ko kaagad ang mukha ng walang hiya until mahanap ko at sinugod ko nang sapak. Nakuha ko siyang kuwelyuhan patulak sa white board.
"Zayn!" Gulat ni Mommy.
"Meeting hour kami!" Kapal nang mukha. Nakuha pa niyang magsalita kahit may dugo na labi.
"Anong ginawa ko sayo?! Anong kasalanan ko sayo?!" Nanginginig ang dalawang kamay ko. Gusto ko ulit sapakin pero nagpipigil lang ang aking sarili.
"Problema mo?!"
"Tinatanong kita! Anong kasalanan ko sayo!!!" Halos tumalsik laway ko sa mukha niya na lalo kong diniinan ang hawak sa kuwelyo.
"Zayn, anak. Ano ba nangyayari rito ha?" Usisa ni Mommy sabay tanaw ko rito.
"May ginawang katarantaduhan itong anak mo sa labas!" Muli kong sinamaan ng tingin si Kuya sabay sapak muli at dampot sa kuwelyo.
"Akala mo ba hindi ko malalaman ang totoo ha?!"
"So alam mo na pala?" Sarkastiko niyang sabi. Kaagad ko muling pinagsasapak hanggang sa makatayo ito.
"Hayop ka!!" Duro ko rito.
"Umayos ka Zayn. May pinag-aralan ka ilugar mo sa ayos." Pinapahid ang dugo sa gilid ng labi.
"At ikaw hindi?! Kung sa bagay, na bihisan ka lang ng magandang damit. Tumapak ka lang sa lupang ginto. Nahiga ka lang sa kama ng maraming pera pero kahit saan tingnan kung saan ka man nakarating sa putik ka pa rin galing!"
Naka-isang sapak sa mukha ko pero kaagad akong gumanti. Inawat ako ni Roselle samantala walang umawat kay Kuya Ben.
"Tumigil na kayo. Ano ba pinag-aawayan ninyong dalawa!" Naiinis nang usisa ng asawa ko.
"Siya lang naman ang dahilan ng lahat honey. Pineke niya ang resulta ng DNA test namin ni Zee. Binayaran niya si Ricardo para magpanggap na siya ang tunay na Ama ng anak ko."
"T-totoo ba, anak?" Usisa ni Mommy kay kuya.
"Oo. Ginawa ko dahil gusto ko sa akin pa rin ang kompanya. Ginawa ko ito para mapunta sa akin ang kalahating yaman ng lola. Lahat ginawa ko oara makuha ang gusto ko kahit alam kong maraming masasaktan."
"Napaka hayop mo!" sinugod ni Roselle pero inawat ko kaagad. Baka kung ano magawa ng asawa ko rito.
"Totoong anak ko si Zee." Pagtatapat ko.
"Nasaan si Zee! Nasaan ang anak namin!!" nang gigigil ang asawa ko.
Humalakhak lamang si Kuya bago magsalita.
"Wala na siya. Dinala ni Ricardo ang anak ninyo sa malayong lugar. Kung saan hindi niyo na makikita ang tagapagmana ng Bangelio Company. Huwag kayo umasa na ituturo ko ang kinaroroonan nila dahil kahit anong gawin mo hindi ako magsasalita!" Sa galit ko nasapak kong muli ito. Pilit kong hinatak ang kuwelyo saka sinigawan.
"Papatayin kita! Papatayin kita!!"
"Gawin mo! Para tuluyan nang malayo sayo ang pinakamamahal mong anak! Kinakailangan mo pa gumastos ng malaking halaga para mahanap siya!" I paused for a while bago tahasang sasapakin kong muli pero....
"Hindi na kailangan..." Si Cedric.
"Ced...." tawag ng asawa ko.
"Bistado kana loko ka." Seryoso ngunit halata sa mukha ni Cedric ang galit.
"Huwag ka makikialam dito!!" Pabulyaw ni kuya.
"Karapatan kong makialam dahil tinawagan ako ni Doctor Santos."
"Talaga?" Usisa ko.
"Oo, at dahil sa inis ko sa kapatid mo tinawagan ko si Erdem para hanapin si Ricardo. Nandito lang siya sa Manila nagtatago at..." Tumingin sa pintuan. Nanlaki mata namin ni Roselle ng lumitaw si Reign karga ang anak namin.
"Zee!" Patakbo si Roselle sa puwesto nila saka ako sumunod at nakiyakap.
"Namiss ka namin Zee. Akala namin ng Daddy mo hindi kana namin makikita." Umiiyak nitong sabi.
"Zee..." Mahigpit kong yakap.
Rinig namin humalakhak si kuya bago ito damputin ng mga pulis na pinasama ni Cedric. Masama ang tingin sa amin bago ito lumabas ng room. Maging sina Mommy and Daddy ay lumapit sa amin upang makisaya dahil nandito na ang pinakamamahal namin anak.
"Tuloy na tuloy na talaga ang London ninyo mag-anak." Masayang sabi ni Reign akbay ni Cedric. Nagsilabasan ibang tao sa room at kami ang natira.
"Masaya ako dahil kompleto na kayo." Sabi ni Cedric.
"Salamat sa inyo." Sabi ko.
"Wala 'yon magkakaibigan tayo na dapat magtulungan."
Walang sawa namin niyakap si Zee until decided na umuwi kami sa bahay para paliguan ang anak namin. Binihisan namin ito ng maayos at pinakain ng marami. Napakasarap makita na tumatawa siya kasama kami. Napakasarap makita ang ngiti niya. Tulad sinasabi ng ilan, wala ka nang pakialam sa pera o kayamanan dahil kapag dumating sayo ang isang bata sa pamilya ito ang tanging kayamanan ninyo na hindi dapat mawala.
"Zee, may gusto ka pa ba kainin?" Tanong ng asawa ko rito.
"Dada, Mimi love love love. Uhboooo..." Nagkatinginan kami ni Roselle.
"Ano raw?" Natatawa kong usisa.
"Daddy at si Mommy ay love ni Zee."
"What's Uhbooo??"
"I love you." nakikitawa itong anak namin habang nag-uusap kami.
"Aha! Ang dami mo nang nalalaman bata ka. Dahil diyan ibibili ka ni Dada ng maraming foods and....toys! Gusto mo ba 'yon, anak?"
"Dada. Uhbooo..."
"Ayan sinabihan ka ng I love you dahil ibibili mo raw siya. Zee, lets go na sa car mamimili tayo ng mga ipinangako ni Dada." Masayang lumabas ang dalawa sa tarangkahan.
Heto na yata 'yong tinatawag nila na pagkatapos ng ulan darating ang bahaghari. Sabi nga, kapag sunod-sunod ang dagok sa buhay dapat umasang may kapalit na kaginhawaan. At heto na nga 'yong nais kong makita. Kasama si Roselle, at kasama ang anak ko. Tama na siguro ang minsan nagkamali at dapat nang ituwid ang baluktot na pangyayari sa buhay. Kung sino man, o ano man ang maging harang sa pagitan namin ng pamilya ko gagawin kong sandigan ang pagtitiwala sa Dios. Yes, totoo. Lahat naman tayo dumaranas o kaya naghihintay na may babalik sa buhay natin. Kung minsan inip na inip tayo pero madalas hinahayaan natin makalimutan panandalian. Nang upang dumating man ang tao o bagay na hinihintay natin ay ikagugulat na lang natin. Tulad ni Roselle na minsan akong iniwan. Naghintay ako, pero hindi sumuko. Dumating siya at tinanggap ko. Maging kay Zee, nawala siya sa buhay namin ng panandalian. Nawalan kami ng pag-asa ngunit ano nga ba? Paano nga ba nangyari na biniro lang kami ng tadhana. Naghintay kami pero bumalik siyang muli. Sana lahat ng tao kayang maghintay. Sana lahat ng tao marunong makapaghintay. Basta lahat ng bahay sa mundo dumarating at lahat ng taong iniiwan tayo ay babalik. Maaaring sa pagbalik nila may magbabago pero at least dumating ang araw na BUMALIK SIYA para guluhin muli ang buhay mo.
"SO paano na Lucifer at Viper, sa muling pagbabalik." Paalam ko habang pababa ng kotse. Ilang hakbang na lang magkakalayo-layo na kami.
"Mamimiss ko kayo." Napaka sweet talaga ni Reign nakuha pa yakapin ang mag-ina ko.
"Ako ba? Ako ba?" Pilit kong papansin dito.
"Syempre mamimiss ka namin! Group hug!!!" buwisit na Cedric yumakap sa akin sabay hatak kay Peps para mag-group hug kami.
"Kay Reign ba wala akong matatanggap na yakap?" Pilit ko pa rin sa kanila.
"Dre, ibang usapan na yata 'yan." Nagsisimula na naman magselos si Cedric.
"Bakit masama ba? Good bye hug lang naman ah? Hindi ba Honey, okay lang sayo mag-hug kami ni Ulan?" Nguso ko. Nag-thumbs up asawa ko senyales na pumapayag ito.
Lumapit sa akin si Reign saka yumakap, "Magpakabait kana roon ah? May pamilya kana. Palagi mo iisipin na mas masarap magkaroon ng pamilya kaysa bumalik sa dating ugali." Nakapikit kong pinakikinggan ang sinasabi nito.
"Oo alam ko. Basta lagi mo rin mamahalin si----"
"Opsss, tama na. Sobra na. Tingnan ninyo si Roselle selos na selos na." Waring itinuro ni Cedric ang asawa ko na kibit-balikat. Wala naman akong nakikitang selos sa mukha ng asawa ko ah? Hmmm... Alam na binaliktad pa ang sitwasyon. Dahil diyan ako na lumayo para hindi mabaliw ang Cedric namin.
"Dre, susulatan mo kami,ah?" Biro ni Peps sabay tapik sa balikat ko.
"Oo ba. Gusto mo araw-araw pa."
"Weh? Baka joke time lang ito,ah?"
"Ikaw yata nag-jo-joke time. Tingin mo ba uso pa nagsusulatan? Aabot pa yata ng isang buwan bago dumating sa atin ang mga sulat."
"Heto naman hindi na mabiro! Syempre, gumamit tayo ng makabagong teknolohiya!"
"Ayon, oha. Okay!" Iiling-iling itong lumayo sa akin para lumapit kina Roselle.
"Basta ingat palagi." Si Thania kasama ang bagong boyfriend.
"Opo, ma'am thania." Natatawa kong wika.
Luminga-linga ako sa paligid.
"Teka, wala yata ngayon si Shien?" Hanap ko.
"Ah sabi niya hahabol?" Parang hindi pa sigurado si Reign.
"Eh baka hindi na kami maabutan." Ani Asawa ko.
"Baka naman malapit na. Hintayin nyo na lang tutal medyo maaga pa." Patuloy ni Reign.
I nodded bago kausapin si Zee. Abala naman nag-uusap sina Reign, Cedric, Roselle. Habang may hinahanap sa bag si Peps sa bagpack nito. Sina Thania at boyfriend nito ay lumayo bahagya sa puwesto namin. Sayang lang wala ngayon sina Erdem, at Bebsie. Wala rin si Desirie. Hindi kompleto nakakalungkot naman.
"Oh! Nandiyan na pala si----Shien!" Tanaw ni Cedric mula sa likuran namin ng asawa ko.
Paglingon namin pareho may kasabay maglakad si Shien ng mga madre. Pamilyar ang mga ito. Marahil ay nakita ko na sila sa dating bahay ampunan.
"Sorry, traffic kasi saka mabuti na lang nakita ako nila Sister kaya sinabay na ako." Paliwanag ni Shien sa amin. Nakangiti lamang ang dalawang sister sa amin.
"Kayo ho pala mga sisters." Sabi ng asawa ko. "Pasensya na kung naabala pa namin kayo sa paghatid kay Shien."
"Wala 'yon. Ang totoo airport din ang punta namin." Sabi ng pinaka mataas sa kanilang tungkulin.
"May pupuntahan po kayo??" Gulat kong tanong pero umiling.
"May ihahatid lang kami. Nabalitaan kasi namin paalis na sila kaya dinala namin ang isang malaking regalo bago umalis. Nang sa ganoon maging happy sila." Bahagya ito gumilid at sa pagkakataong ito muli namin nakita ang batang minsan na sa amin napamahal.
"I-isay?" gulat ng asawa ko.
"Mommy Roselle!" Patakbo itong yumakap sa asawa ko. "Puwede pa po ba ako sumama sa inyo?" Lumuluha ang asawa ko dahil sa saya.
"Gusto mo nang sumama sa amin ng Daddy Zayn?" Sabay sila lumingon. And after that sa akin yumakap si Isay.
"Sorry po kung nag-lie ako. Gustong-gusto ko na talaga sa pamilya ninyo. Natatakot lang po ako noong una dahil baka hindi ako maging happy pero simula nang malayo ako sa inyo lagi na lang akong malungkot. Palagi na lang po kayo ang laman ng panaginip ko kasama si Zee."
"Totoo ba 'tong mga naririnig ko?" Tutulo na luha ko pero na pigilan pa kahit paano.
"Opo, Daddy Zayn. Gusto ko na maging parte ng pamilya niyo." Yumakap na rin si Roselle habang buhat si Zee.
"Napaka saya ko Honey." Iyak nang iyak ito.
"Ako rin. Buo na tayo." Hinalikan ko sa labi kahit saglit. "Pero anak, paalis na kami papuntang london."
"Sabi nga po ni Sister pero huwag po kayo mag-alala." Binuksan ang maliit na bagpack saka inilabas ang passport. "Nagpakuha na po ako ng passport simula nang malaman kong aalis na kayo. Hinintay ko lang po talaga ang araw na ito."
Parang lalo kumabog ang puso ko sa sobrang saya. Hindi ko lubos maisip na maaari pala mangyari ito. Hindi ko inaasahan na may darating pa pala sa pamilya namin.
"Yehey, happy family na sila!" Sigaw na may halong palakpak si Reign na kaagad din nagpalakpakan ang lahat.
"Heto ang pinaka the best na regalong na tanggap ko buong buhay. Ang pinangarap na pamilya. Salamat sa mga kaibigan ko na walang sawa sa pag-alalay at walang sawang tumulong."
"WALA 'YON." sabay-sabay nilang sabi.
"Sisters, maraming salamat po sa inyo." Pareho tumango sabay ngiti rin.
"So paalam na guys. Sa muling pagkikita natin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil bumalik ang mga taong minsan akong iniwan at bumalik para buuin muli ang puso ko." Kanya-kaya silang kaway sa amin. Naglalakad papalayo kasama sina Roselle, Zee, at...Isay.
WAKAS