"Honey, dumating si Atty."
Araw na pinakahihintay ng lahat. Ang first birthday ni Zee. Lahat invited at maging si Attorney ay pinadalo ni Mommy.
"Hello, Mr. Bangelio. Napakasaya naman ng birthday celebration ng inyong anak." Bungad nito ng makapasok sa bahay.
"Maraming salamat atty dahil pinaunlakan ninyo ang imbitasyon namin." sabi ko.
"Nasaan ang anak ninyong si Zee?" sakto buhat ni Jayda ang bata pero kaagad kinuha ni Roselle.
"Heto po." Masayang sabi ng asawa ko.
"Good. So sa susunod na araw kailangan kompleto kayo ha?"
"Sure Atty. So maupo muna kayo at kumain." Sumenyas ako kay Jayda na asikasuhin ang mga bisita bagong dating.
Pumasok kami sa kuwarto ni Roselle kasama ni Zee.
"Make sure hindi gagawa ng gulo si Jayda ha?" Nag-aalala kong sabi.
"Bakit ka nag-aalala? Hindi ba at pumayag naman siya sa usapan natin?"
"Hindi pa rin tayo sigurado. Kung ako sayo palagi mo karga si Zee. Huwag mo ipahawak sa kanya."
"Ang nega mo. Sige lumabas na tayo marami dumarating na bisita. Nandiyan na ba ang LK at VB?"
"On the way pa lang."
"Lumabas kana after ko ha?"
"Sige." Tumanaw ako sa bintana. Kinakabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari. Sana talaga mali itong naiisip at nararamdaman ko.
UMUWI ang ilang bisita ng makarating ang mga VB at LK. Sinamantala kong buhatin nila si Zee nang sa ganoon ay hindi magkaroon ng chance si Jayda makalapit dito.
"Ang bongga ng unico ijo mo, Zayn." Masayang sabi ni Reign.
"Ganoon talaga."
"Dito lang kami ah?" paalam nito patungo sa living room. Nag-nod ako pagkaraan ng ilang minuto lumapit ako sa kanila para makipagkuwentuhan.
Lahat sila masaya na kumakain, tumatawa, at lalo nagka-ingay ng nakitawa si Zee sa kanila. Kinuha ni Reign sa akin ang anak ko at pagkunway kinuha ni Cedric. Lahat ay walang pinalagpas na sandali para buhatin ang cute na cute kong anak. Maging ang mga anak nila ay hindi napigilan kurutin sa pisngi at naging dahilan ng pagka-irita ni Zee. Ganyan na ganyan ang anak ko. Gusto niya sa maraming tao pero hindi nito type na pagkaguluhan siya at kurutin kung saan-saan. Hmm, now I know. New version ko talaga siya. Ayaw sa magulo mas gusto sa tahimik. Ugaling bangelio ang meron sa batang ito.
Hindi ko na malaman kung kanino na punta si Zee. Saka hindi ko dapat ipag-alala 'yon dahil ang LK at VB na lang ang tao sa party. Umalis na sina mom, dad, at atty. dahil may mga appointment pa silang dadaluhan. Nagpalit ako ng damit dahil natapunan ng tubig. Pagkalabas hindi ko makita kung kanino napunta ang anak ko. Lumapit ako kay Roselle upang magtanong.
"Hon, si Zee?" Nag-aalala kong tanong nito. Kaagad siyang na alarma nang wala sa VB at LK ang bata.
"Nasaan si Zee?!" Nagmamadaling lapit sa lahat. Kanya-kanya silang tingin.
"Kay Erdem ko ibinigay." Pagbibigay impormasyon ni Reign.
Lahat nakatingin kay Erdem pero walang Zee na buhat, "Kinuha ni Jayda sa akin. Papalitan daw niya ng diaper 'yong bata, bakit?"
Nagmadali akong magpunta sa kuwarto ni Jayda pero wala sila roon.
"Hon, wala rito!" Bulyaw ko sa ibaba. Medyo nagkakagulo na sila.
"Huwag ninyo sabihin tinakas ni Jayda 'yong bata?" Hindi mapakaling usisa ni Peps.
"Hanapin niyo sila. Hindi pa nakakalayo ang mga 'yon!" Utos ko na kaagad kumilos.
Tumawag ako sa guard ng subdivision namin.
"Hello, this is Mr. Bangelio. May emergency kami if ever makita ninyo naglalakad ang kasambahay namin dala ang babay namin si Zee huwag na huwag niyo palalabasin nauunawaan nyo ba? Ha? Tinatakas niya ang anak namin. Oo tama! Papunta na kami huwag nyo siya palabasin!" Pinutol ko kaagad ang linya.
Sumakay kami ng kotse upang madali makapunta sa entrance gate. Lahat kami bumaba ng kotse. Tanaw ko si Jayda na tila namumutla karga si Zee. Madali kong kinuha si Zee at pagkaraan ay sinampal siya ni Roselle.
"Paano mo nagawa sa akin ito ha?! Sumagot ka! Balak mo itago sa amin si Zee, bakit Jayda? Akala ko ba okay na tayo at handa mo na siyang ibigay sa akin!" Nanginginig ang boses ni Roselle pero may halong galit.
"Karapatan ko kunin kung anong akin. Isa pa, hindi ako pumapayag na hayaan kong nagsasaya kayo tapos ako nag-su-suffer!" Mangiyak-ngiyak nitong diretsa sa asawa ko.
"Ibinigay namin sayo ang lahat para kahit paano hindi mo kami sisihin kung dumating ang araw na ito. Jayda, please nakikiusap ako."
"Pera lang naman ang habol ninyo hindi ba? Alam kong kating-kati kayo sa mana na makukuha niyo sa namayapa ninyong lola." Insulto niya kong tiningnan na may halong ismid.
"Sa pagkakasabi mo parang hindi ka rin na silaw sa kayamanan hindi ba? Hindi kita pinagbigyan sa gusto kaya heto at balak mong ilayo sa amin si Zee. Eh kung ikaw kaya ang palayasin namin at huwag nang pabalikin? Punong-puno na ako sayo. Gustong-gusto na kita palayasin noon pa pero this time magagawa ko na kung ano ang nararapat."
"Hindi mo magagawa sa akin ito dahil ako naman talaga ang totoong nanay ni Zee! Ako ang totoo, at hindi si Roselle na nagpapanggap na mommy!"
"At sino pa maniniwala sayo?" Lumapit ang asawa ko rito. "Huli kana sa balita Jayda dahil ako na ngayon ang mommy ni Zee." Sabay abot ng papel. Binasa ito ni Jayda at pagkaraan pinunit.
"No way! Hindi ako makakapayag! Ako ang totoong nanay ni Zee. Ako ang nagsilang. Ako ang binuntis ni Zayn kaya huwag mo ako pakikitaan ng kung anong papeles dahil ako ang may karapatan sa bata!"
"Lumayas ka. Huwag ka na babalik dito." Galit kong utos.
"Ako ang nanay ni Zee! Ako ang nanay niya!" Nagwawala nitong sabi pero nagmadali kaming umalis sa entrance gate upang bumalik sa party.
"Hindi ba parang inalisan niyo ng karapatan si Jayda sa bata?" Naguguluhan sabi ni Cedric.
"Ginawa namin ang tamang proseso, Ced. May mga pinirmahan siya patunay na ibinibigay niya sa akin at kay Roselle ang bata. May na tanggap siyang pera. Kaya saan pa ba siya magkakaroon ng karapatan?"
"Sa papel wala na pero sa totoong buhay siya pa rin ang ina ni Zee. No matter what happened. Hindi ko kaya sinisisi pero kung magsampa siya ng kaso sa inyo at ipakita niya sa hukuman ang pinirmahan niyang agreement pasok sa banga ang pagkapanalo niya."
"Wala akong pakialam. Magka-ubusan man kami ng pera ipapanalo ko ang laban. Hindi lang naman bukod sa pera o kompanya ang layunin namin makuha kung hindi ang isang anak na kailanman hindi namin matatanggap." Desperadang dahilan ni Roselle.
"Mas mabuti yata kung hihigpitan niyo ang pagbabantay kay Zee. Wala tayong alam kung kailan siya babalik." Huling sabi ni Reign.
Gaya ng kutob ko ay pinahigpitan ko ang subdivision. Sinabi kong huwag papasukin si Jayda kahit na ano man sabihin nito sa kanila. Nagdagdag ng CCTV sa harap at likod ng bahay upang mamonitor ang bawat kilos ng tao na papasok sa bahay.
"Hon, sabihan mo lahat ng tao sa korte na huwag papasukin si Jayda para walang gulong mangyari." Pag-aalala nito ng mabihisan si Zee.
"Nakaplano na ang lahat, Honey. Isa pa, malabong makatungtong siya dahil once may makakita sa kanya kaagad siyang dadamputin."
"Nag-iingat lang tayo. Ayokong mawala si Zee, at ayokong mauwi sa lahat ng ito ang plano natin."
"Huwag ka mag-alala. After nito mag- migrate na tayo sa ibang bansa. Malayo sa Jayda na 'yon."
NAGPUNTA na kami sa korte. Naging maayos ang pangyayari. Sa wakas at nakuha na namin ang kompanya na hawak dati ng kapatid ko at ang kalahating mana ni Zee mula sa last will ni Lola. Wala pa man dalawang taon ay naging successful ang nangyari sa amin pamilya. Huwag na lang sana manggulo si Jayda at sana magpakalayo-layo na lang siya.
"Kumusta ang kompanya, mommy?" Dumalaw ako sa office.
"Ang dami tambakin trabaho pero ayos lang at least nakuha na natin ang kompanya."
"Sounds good. Isa pa, hindi ako makakapayag na mabalewala lang ang hirap ninyo ni daddy."
"Anak, curious ako. Totoo nga ba hindi mo anak si Zee?"
"Ano mommy?" Tila nabibingi kong ulit dito.
"Nagpunta rito sa opisina ko ang kasambahay niyo. Umiiyak at nakiki-usap na ibalik sa kanya si Zee dahil siya naman daw talaga ang totoong mommy ng anak ninyo. Ano ba nangyayari rito, Zayn? Bakit wala akong alam?" Heto na yata ang pagkakataon upang umamin sa matagal namin pananahimik.
"Mommy...ang totoo anak namin ni Jayda si Zee." Medyo napaatras ito. "Noong kasalukuyan nasa guam si Roselle ay pinagbubuntis ni Jayda si Zee."
"What? Nagkaroon kayo ng relasyon ni Jayda?!"
"No way! Mali ang iniisip mo mommy! Isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin ng babaeng 'yon!"
"Alam ni Roselle na buntis si Jayda noong nasa guam siya?"
"Opo, alam niya. Ito rin ang dahilan kung bakit pinili niyang manahimik dahil hindi niya magawang bigyan ako ng anak."
"Pero hindi dapat minamadali ang lahat, Zayn. Sa katunayan may isang taon pa naman ang nalalabi para sa last will ng lola mo. Makakabuo pa kayo ng sarili ninyong anak."
"Ang problema mommy hindi magkakaroon ng anak si Roselle." Nakayuko kong paliwanag.
"What do you mean?"
"Nagkaroon siya ng sakit sa matres and na operahan siya noong bagong kasal pa kami."
"Naitago niya sayo ang lahat ng ito??"
"Ginawa niyang abala sa trabaho at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko napansin kaagad na may iniinda siyang karamdaman at inoperahan."
"What the...matindi naman pala pinagdaanan ng asawa mo. Ano ang sinabi niya ng kunin niyo si Zee sa Jayda na 'yon?"
"Uhaw siya mommy sa bata. Kahit na maling ipilit pa ay ginawa niyang kunin si Zee at kilalanin siyang ina nito. Pabor na pabor sa akin ang lahat. Gugustuhin ko pa makasama si Roselle at Zee kaysa mag-suffer ako na kasama si Jayda."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naki-usap sa akin si Jayda dati na iwan ko si Roselle pero hindi ko ginawa. Siguro ito rin ang nag-udyok sa kanya para itakas ang anak namin dahil hindi ako pumayag sa gusto niyang kasal."
"Nakiusaps siya ng kasal? Desperada. Hayaan mo simula ngayon hindi na siya makakatungtong sa company natin."
"Salamat mommy sa pang-unawa sa amin mag-asawa."
"Anong plano niyo ngayon?"
"Sa ngayon, inaasikaso namin ang pag-ma-migrate sa London."
"Doon na kayo maninirahan." Malungkot nitong sabi.
"Mommy, kailangan namin gawin ito para sa bata."
"Ikaw ang inaasahan kong magpapatakbo ng kompanya kung sakaling hindi na kami puwede ng daddy mo." Inakbayan ko siya.
"Mommy, matagal pa kayo magpapahinga. Malay natin magbago pa ang takbo ng buhay. Huwag muna tayo magsalita ng tapos hanggat hindi pa nangyayari." Niyakap niya ako sabay halik sa noo.
"Ikaw na lang talaga ang maaasahan namin dahil ang Kuya mong suwail walang paki-alam sa buhay natin."
Pareho kami na lungkot sa sitwasyon tungkol kay Kuya. Ang kaisa-isa kong kapatid na hindi alam kung tinuring ba akong kapatid at kamag-anak. Simula pa lang nagka-isip siya iba na ang kanyang gustong paglingkuran. Ginusto niyang lumapit sa ibang kompanya kaysa sa sarili namin ari-arian. Ngayon nagkaroon ng problema siya naman itong kusang lumapit para angkinin ang hindi niya pinaghirapan.
"Hi, Dada. Look at me may new toy ako." Masayang sabi ng asawa ko buhat si Zee.
"Wow, may new toy ka."
"Dada...Mimi..."
"Ang tatas na rin niya magsalita. Sa susunod niyang may maingay na rito."
"Ah, mali ka honey..." Tiningnan ko siya ng nagtatanong. "Zee, say i love you."
"Aboooooo...." Natawa ako. "Abo, abo, abo dada, mimi."
"I love you." Sabi ko.
"Baby, I love you raw."
"Ikaw sinabihan ko." Malambing kong pagtutuwid dahilan para ngumiti ito at mamula.
"I love you too."
"Patulugin kaya natin si Zee?" Taas baba ang kilay ko.
"Sira, kagigising nga lang."
"Ay, sayang wrong timing pala pagdating ko."
"May milagro ka ba gagawin?" Alam naman nagtatanong pa. Minsan ang mga babae hindi ko maunawaan. Kung nagpapabebe ba o mukhang ewan lang.
"Wala. Uhm, honey gusto mo labas tayo today pasyal natin si Zee."
"Saan?"
"Mag-beach kaya tayo? O kaya sa yate at mamasyal sa mga pulo?"
"Parang pareho ko gustong gawin 'yan bago tayo magpunta sa london."
"Di ba?"
"Isasama ko pa ba ang LK at VB?"
"Hindi na syempre. Family bonding ito ano ka ba?"
"Kailan ba despedida natin?"
"Mapagplaplanuhan pa 'yan pero sa ngayon kailangan natin mag-unwind."
"Sure! Excited na ako."
MAKALIPAS ang dalawang araw. Nandito kami ngayon sa yacht. Ine-enjoy ang simoy ng hangin mula sa karagatan at mga ulap na tila malapit lang. This is a memorable moment na kasama silang pamilya ko. Sa mga susunod na buwan ay magiging masaya pa lalo dahil malalayo kami sa mga taong gusto kaming guluhin.
"Honey, nakatulog si Zee."
"Napagod yata sa biyahe natin." Nag-back hug ako rito.
"Oo nga, paano daldal nang daldal kanina pa."
"Uhmm, hon."
"Bakit?"
"Nakikita kong magiging masaya tayo sa london."
"I feel you, honey." Humarap sa akin pero nananatili kami magkayakap sa isa't-isa. "Pero bago 'yon kailan tayo mag-aampon ng isa pangbata?"
"I forgot. Uhmm, sige iusad natin pansamantala ang london. Matagal kasi tayo makakapag-ampon aabot ng ilang buwan."
"Kung ganoon after natin dito puwede ba natin simulan?"
"Oo naman. Basta promise mo sa akin na magtutulungan tayo?"
"Kahit hindi mo na sabihin gagawin ko para sa mabubuo nating pamilya."
"Excited na ako, honey."
"Me too."
Nausad ng maagang bakasyon ang ginawa namin. Nagpunta kami sa isang bahay ampunan. Pinakita muna sa amin ang mga bata edad lima hanggang sampung taon gulang. Wala silang edad na tulad ni Zee.
"Honey, what do you think?" Hinawakan ang isang batang babae na nasa sampung taon gulang."
"Akala ko ba gusto mo same age sila o kaya hindi nalalayo ang edad?"
"Uhm, may second option kasi ako. Kasi kung kukuha tayo ng same o malapit na age medyo mahihirapan tayo. Mas mainam kung ganito kalaki na maaasahan na sa gawaing bahay at matutulungan ako magbantay kay Zee."
Napahawak ako sa chin saka tumitig sa bata. Ayoko sa bata medyo hawig ni Jayda. Naglakad ako palayo sa kanila naghagilap ng iba pang bata na babae may edad na sampung taon gulang. I saw a girl with curly hair. She looks like a Chinese person.
"Honey, may napili na ako." Hinawakan ko kamay ng bata palapit sa kanya. "I like her." May ngiti sa labi itong tumingin sa kasama ko at kaagad nalungkot ng iwan niya ang batang unang napili.
"Ma'am and Sir, siya na po ba napili ninyo?" Lapit ng isang madre.
"Opo, siya na po." Mabilis na tugon ni Roselle.
"Sige po doon tayo sa opisina ni Sister para ma-interview kayo." Pagkaraan ay sumunod kami. Marami tinanong ang pinaka mataas na ranggo sa kanila pagkaraan ay may pinirmahan kami. Ang sinabi pa may isang linggo isasama namin ang batang babae at titingnan kung magiging masaya ang bata. Marami na raw sumubok umampon doon ngunit pagkaraan ng isang linggo ay hindi na siya kinuha ng mga nag-aampon. Tahimik at hindi palasalita ang bata kaya medyo mahihirapan daw kami.
"Honey, tingin mo magagaya tayo sa mga magulan na binalak siyang ampunin."
"Ewan, depende na lang siguro kung itrato natin siya ng maayos.".
"Baka masyado lang nahihiya 'yong bata sa mga tao."
"Maybe. Ihanda natin magiging kuwarto niya para bukas pagsundo maayos na."
Tulad ng plano nilinis namin ang kuwartong gagamitin ng bata. Noong araw na kinuha namin siya ay tahimik talaga ito hanggang makarating sa bahay. Medyo awkward pero si Roselle ang nag-asikaso sa bata.
"Zayn!" Sina Reign, at Cedric kasama mga anak nila.
"Ito na ba ang bago ninyong anak?" Si Cedric lumapit sa batang babae at kinamdong sa hita. Lumapit naman ito at nakatingin sa kaibigan ko.
"Hindi siya nagsasalita?" Usisa ni Reign.
"Nagsasalita pero kapag may itatanong lang o kaya sasabihin." Tugon ng asawa ko. Pumasok sina Reign at Roselle sa kusina para magluto habang ako ay pinuntahan si Zee sa kuwarto para palitan ng damit. Sa paglabas ko nagtatawanan ang mga anak ni Cedric dahil may kinukuwento si Ced na kung anong nakakatawa.
Naupo ako sa sofa habang pinagmamasdan lang sila sa kung anong kuwento ng kaibigan ko. Mayamaya nakita kong ngumiti si Isay. Lalo gumanda ang batang ito dahil nakikipag-usap siya sa mga anak ni Ced. Kita kong lumabas sina Roselle at Reign saka ako lumapit.
"Sana tuloy-tuloy na itong ginagawa niyang pag-ngiti. Siguro kailangan lang talaga niya ng makakasama at patatawanin siya." Sabi ko.
"Magagawa niyo 'yan, kayo pa ba?" Usal ni Reign.
"Magagawa natin ito, Honey basta lagi nandito ang mga anak nila Reign." Natatawa nitong sambit.
"Puwede rin. Bakasyon na rin naman kaya kahit araw-araw magpunta sila pero kailan nga ba kayo magpupunta sa london?"
"Kapag pumabor si Isay na magpa-ampon sa amin." Mabilis kong tugon.
"Sana nga ay sumama na siya para happy family na." Wika ng asawa ko.
"Magiging happy din tayo magtiwala lang." Akbay ko na siyang kuha ni Reign kay Zee.
"At kung nagkataon magsasama-sama na kayo sa London ng masaya." Nilalaro ni Reign si Zee ng sabihin 'yon.
"Pero may problema nga pala tayo."
"Ano?" Usisa ko.
"Si Erdem nagpunta sa guam."
"Anong problema roon?"
"Nagpunta siya dahil may nakapagsabi na may ibang lalaki si Beb." Napaisip ako at naalala noong araw na may kinatagpo si Beb.
"Sigurado ba siya? Baka may naninira lang sa kanila ha?" Sabi ng asawa ko.
"Sana nga ganoon na lang ang nangyari kaya napasugod si Erdem ng wala sa oras."
"Hindi ganoon ang pagkakilala ko kay Bebsie pero ikaw Reign?"
"Ganoon din pero..." Tumingin sa amin mag-asawa. "Hindi natin masasabi kung hanggang kailan ang loyalty ng isang tao sa kasintahan lalo at LDR sila."
"LDR man o hindi dapat maging tapat sa isa't-isa." Depensa ko.
"Tama." pagsang-ayon ng asawa ko.
"Sana lang ay mali ang nararamdaman ni Erdem na niloloko na siya ni Bebsie. Ang tagal na nilang nagpla-plano magpakasal." Malungkot si Reign.
"Magiging maayos din kapag nagka-usap silang dalawa ng masinsinan. Si Erdem pa ba? Matalino 'yon at kapag matalino ang isang tao malawak ang pang-unawa sa mga usapang maseselan." Huling sabi ng asawa nang marinig namin nagtawanan muli sina Cedric at ang mga bata.