bc

MARIKIT THE FAKE BRIDE

book_age18+
172
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
badboy
brave
billionairess
heir/heiress
bxg
musclebear
like
intro-logo
Blurb

PAANO KUNG BIGLA KA NA LANG IKAKASAL SA LALAKING HINDI MO NAMAN MAHAL? PAANO MO SASABIHIN SA KAN'YA NA HINDI NAMAN IKAW ANG DAPAT PINAKASALAN N'YA? NA ISA KA LAMANG DUKHA NA NAPAGKAMALAN NA ANAK NI MR. MONDRAGON. MAUUWI KAYA SA WAGAS NA PAG-IBIG? KUNG NAGSIMULA ITO SA KASINUNGALINGAN.

chap-preview
Free preview
CHAPTER:1
CHAPTER:1 "AAAHHH! ANO BA BITAWAN N'YO AKO!"sigaw ni MARIKIT na hindi maintindihan kung bakit ba s'ya biglang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng white at iisa ang kanilang mga suot. Para silang mga bodyguards na nakikita sa pelikula. Pero ang takot at kaba na nararamdaman ng dalaga ay para bang gus'to ng lumabas ng kan'yang puso. Dahil sobrang lakas ng kabog nito. "Señorita, nakikiusap po kami ng maayos sa inyo. Sana ay h'wag n'yo na kaming pahirapan pa. Ilang araw na kaming naghahanap sa'yo." "Hindi nga kasi ang señorita na hinahanap n'yo! Kaya please lang bitawan n'yo na ako! Kung ayaw n'yo na magkagulo-gulo tayo dito!" Nagkatinginan ang mga taong humahawak sa kan'ya at napailing na lang. "Señorita, hindi na po tatalab sa amin ang mga gan'yan na sinasabi mo. Ilang beses na po ba kayong tumakas sa amin? Hindi ito ang una. Maraming beses na po. Kaya please lang h'wag n'yo na po kaming pahirapan pa. Dahil hindi na tatalab sa amin ang gan'yan na ginagawa n'yo. Kami na naman ang mapapagalitan ng daddy n'yo " "Ang kulit n'yo naman! Sinabi ko na sa in'yo na hindi nga ako ang señorita na sinasabi n'yo? Bakit ba ang kulit n'yo?" "Isakay na Ang señorita sa van. At h'wag na h'wag kayong tatanga-tanga! Kapag nakatakas pa s'ya! Talagang mas mahihirapan tayong hanapin s'ya! H'wag n'yo din hayaan na masaktan s'ya. Ingatan n'yo." Agad na sumunod ang mga kasamahan nito. "Saan n'yo ba kasi ako dadalhin? Bitawan n'yo ako!" "Señorita,sumusunod lang po kami sa utos ng daddy n'yo." Mahinahon na sagot ng tauhan ni Mr. Mondragon. "Ilang beses ko ba na kailangan sabihin sa in'yo na hindi nga sabi ako ang señorita n'yo!" "Ipasok n'yo na s'ya. At kailangan na madala s'ya ngayon sa mansyon." Wala ng nagawa si Marikit ng pilit s'yang ipasok sa loob ng van. Dahil nga kahit anong gawin n'ya ay wala s'yang laban. Malalaki o mas tamang sabihin ay matitipuno ang mga lalaking kumuha sa kan'ya. Lalo na ang kanina sumasagot sa kan'ya. "Ay! Ang shala naman nitong van! Infairness sa boss n'yo yayamanin!' Sabi pa nito na inilibot ang kan'yang paningin sa loob ng van. Kahit kabado ay hindi na s'ya nagtangka pa na lumabas. Dahil kaliwa't kanan ay may nakabantay sa kan'ya. Kaya mauubos lang ang lakas n'ya. "Ibang klase din talaga itong si Ma'am Alelie." Sabi ng isa sa mga tauhan ni Maxwell Mondragon. "Manahimik ka! Baka marinig ka n'ya! Alam n'yo naman lahat gagawin n'ya para lang maniwala tayo na hindi s'ya si Ma'am Alelie." Saway nito sa kan'yang kasama. Hindi naman sila maririnig nito. Pero mas maganda na ang maging maingat. "Kung sabagay, pero mas malala s'ya ngayon." Tanong pang muli ng kasamahan nito na s'yang nagmamaneho ng van. "Ewan ko ba sa mayayaman na kagaya n'ya! Nasa kanila na ang lahat. Pero nagagawa pa nilang tumakas." "Hindi natin s'ya masisi. Hindi naman kasi tayo ang nasa sitwasyon n'ya." "Kuya, saan n'yo ba talaga ako dadalhin?" "Sa mansyon po Señorita." Magalang na sagot ng isa sa mga kumuha sa kan'ya. Napakibit balikat na lamang ito. Nang makarating sa mansyon ay agad na ibinaba si Marikit mula sa van. Naghihintay na sa kan'ya ang mga magulang na kanina pa aligaga. Lalo na ang kan'yang Mommy. "Señorita,nandito na po tayo. At h'wag n'yo na po tangkain na tumakas pa." "Paano naman ako makakatakas sa in'yo? Kung makabantay kayo. Daig pa ang warden sa kulungan." Sabi pa ng dalaga at mabilis naman itong lumabas sa van. "Ay, ang shala din ng mansyon ah!" Isip-isip pa nito. Pero wala s'yang balak na magtagal dito. Kaya kailangan n'ya na mapaniwala ang mga taong kumuha sa kan'ya na hindi s'ya ang hinahanap ng mga ito. "Alelie!" Malakas na sigaw ng isang lalaking na hindi naman kilala ng dalaga. Kaya hindi n'ya ito pinansin. Sumandal s'ya sa gilid ng van. "Señorita,tinatawag po kayo ng in'yong daddy." Sabi ng isang security guard na s'yang sumunod sa kan'ya. "Daddy ko?" "Opo, kaya please lang pakiayos ang in'yong tindig." "Okay!" Sagot at parang siga naman sa kanto na umayos ito ng tayo. Nakalagay pa sa kan'yang magkabilang bulsa ang mga kamay nito. Iniisip n'ya pa din hanggang ngayon ang mga kalakal n'ya at ang kariton na naiwan lang sa lansangan. Wala pa naman s'yang ibang alam na pagkakakitaan. Dahil hindi naman s'ya nakapag-aral. Mahirap lang ang kanilang pamilya. Maaga s'yang namulat sa kahirapan at imbes na mag-aral ay mas minabuti n'ya na makatulong sa kan'yang pamilya. At dahil nga wala naman pinag-aralan ay hindi din s'ya makahanap ng maayos na trabaho. Minsan ay pumasok s'yang kasambahay. Pero sa kasamaang palad ay sa isang pamilya na walang malasakit sa kapwa s'ya napunta. Na muntik n'ya ng ikapahamak noon. Halos wala na s'yang malay ng isugod sa hospital. Dahil sa matinding bugbog na kan'yang natamo. "Ano naman ba itong ginawa mo? Alam mo na pupunta ngayon dito ang pamilya ng magiging asawa mo! Pero heto ka binibigyan pa din ako ng sakit sa ulo." Pasigaw na sabi sa kan'ya ng tinutukoy na daddy ng babaeng hinahanap ng mga kumuha kay Marikit. "Sandali lang po ah! Hindi porke't mahirap lang ako at walang pinag-aralan ay maari n'yo na po akong sigawan ng gan'yan!" "Alelie, h'wag mong kausapin ng gan'yan ang daddy mo!" Saway naman ng isang Ginang at napatingin si Marikit dito. Pinagmasdan n'ya ito. "Mag-asawa po ba kayo?" Takang tanong pa nito. At ang mga bodyguards na kumuha sa kan'ya ay napapailing na lang. Dahil inaakala din nila na nagpapanggap na naman ang nag-iisang anak ng boss nila. "Alelie, anong kalokohan na naman ito? Please lang pumasok ka na sa loob! Malapit ng dumating ang mga Vallez." Madiin at puno ng awtoridad na utos dito ni Mr. Mondragon. "Ako na ang bahala sa anak natin. Magpahinga ka na muna Hon." Sabi naman ni Mrs. Mondragon. Kilala n'ya ang kan'yang asawa at baka mamaya ay bigla na naman sumikip ang dibdib nito sa konsomisyon sa kanilang unica hija. "Kausapin mo ng maayos ang anak mo! Ayoko sa lahat ay ang napapahiya ako Milandra!" "Oo, ako na ang bahala dito." Naglakad si Mr. Mondragon papasok sa loob ng mansyon. Habang si Marikit naman ay binalingan muli ng Ginang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook