MARIKIT POV:
"Ipasok s'ya sa loob ng kwarto n'ya!"
Utos ni Mrs. Mondragon sa mga tauhan nila.
"Hindi! Hindi p'wede na ipasok n'yo ako d'yan! Kahit pa sobrang ganda ng bahay na 'yan!"
Sigaw ko. Bigla na lang kasi akong kinarga na parang mababaliktad na ang aking sikmura. Dahil para lang akong isang sakong bigas kung buhatin nito.
SEÑORITA, sumunod na po kayo."
"Hoy! Kuyang pogi. Ibaba mo na ako!"
Pakiusap ko pero tila balewala sa lalaki ang aking pakiusap.
"Señorita, hindi po namin maaring suwayin si madam."
"Susunod Ako sa kwarto n'ya. May kakausapin lang ako. H'wag n'yo hahayaan na makatakas s'ya. Dahil kayo ang mananagot sa akin."
May diin na utos ng Ginang sa kan'yang mga tauhan na. Hindi ko na talaga alam kung paano ba makakatakas sa mga taong ito.
Kaya ako naman imbes na paghahampasin pa itong poging ito ay nanahimik na lang. Masasayang lang ang lakas ko sa kanila. Mamaya ko na lang siguro ipapaliwanag sa amo nila na hindi ako ang anak nila.
Hindi ko pa nga alam hanggang sa ngayon kung ano na ba ang nangyari sa mga kalakal ko. Baka mamaya ay nakuha na 'yun ng iba. Ang hirap pa naman mamili ng mga 'yun. At hindi ko alam kung nasaan na ba akong lugar. Matagal din ang byahe namin kanina. Binigyan pa nga nila ako ng makakain. Na hindi ko naman tinanggihan. Kasi naman gutom na gutom na din ako. Ang plano ko kasi pagkatapos ko na mabenta lahat ang aking kalakal. Saka naman ako kakain. Mas matipid kasi kung pagsasamahin ko na ang agahan at pananghalian. Ganito ang buhay namin na magkakapatid. Kamamatay lang ni Itay at si inay naman ay hindi ko na din pinagkakalakal. Baka kasi mamaya ay s'ya naman ang kunin sa amin na hindi ko ata kakayanin kung pati s'ya ay mawawala. Mas okay na ako ang magsakripisyo para sa pamilya ko. Kaya lang lang paano sila ngayon. Kung ganitong nandito ako sa isang napakalaking bahay na ito.
Hanggang sa ipasok nga ako isang sosyalin na k'warto na kasing laki na ata ng gym sa lugar namin. Or mas tamang sabihin ay mas malaki pa ata ito.
"Señorita,ako na po ang nakikiusap sa'yo na h'wag ka ng tumakas pa. Dahil wala din naman mangyayari. Mahahanap at mahahanap ka lang din namin kasama ang mga kasamahan ko."
Mahinahon na sabi nito. Iniisip n'ya talaga na ako ng senorita nila. Eh! Kitang-kita naman sa balat ko na hindi ito makinis. Sunog na sunog na nga ako sa araw. Dahil sa trabaho na me'ron ako. Nag-aral naman ako. Pero hindi din nakatapos kahit pa nga elementarya lamang. Hanggang grade 2 lang. Dahil nga ako na ang kasa-kasama ng Itay ko sa pangangalakal. At sa edad ko na disi-nwebe ngayon ay hindi man lang ako nakatikim na magpahid ng kung anu-anong pampaganda sa katawan ko.
"Ilang ulit ko ba na sasabihin sa in'yo na hindi nga sabi ako ang señorita n'yo."
Muling sabi ko pa pero tumalikod na ito sa akin.
"Hoy! Kinakausap pa kita!"
Tawag ko dito.
"Señorita, hindi ito ang unang beses na tumakas kayo. Kaya hindi n'yo na po kami maloloko. Sumunod na lang po kayo."
Magalang na sabi nito at muli itong tumalikod sa akin.
Bago nito isarado ang pinto ay hinabol ko ito...
"Señorita, umalis po kayo d'yan. Isasara ko na ang pinto."
"Hindi! Ayoko dito."
Sabi ko at buong lakas na nakipaghilahan ng pinto dito. Hanggang sa tuluyan ko itong mahila. Pero ang nangyari ay nawalan ako ng balance pati na din ang poging bodyguard na ito.
"Ahm."
Impit na ungol ko. Dahil medyo masama ang bagsak ko sa sahig.
"Señorita, okay ka lang ba?"
Sambit nito sa kan'yang nag-aalalang tinig. Kaya kahit hindi naman ganoon kasakit ang balakang ko ay umarte akong nasasaktan ng sobra.
Mabilis itong tumayo at ako naman ay kinarga nito na parang bagong kasal lang kami.
Naamoy ko tuloy ang pabango nito. Lalaking-lalaki. Napasinghap pa ako.
"Señorita,itigil n'yo po 'yan!"
Saway nito sa akin. At napangiti naman ako. Umiiral na naman ang kapilyahan ko.
Inilapag ako nito sa napakalambot na kama.
"Ano po masakit sa in'yo Señorita?"
"Ito!"
Sabay turo ko sa aking balakang. Tumalikod pa ako para ipakita sa kan'ya. Tumuwad pa ako. Na ikinaiwas naman nito ng tingin.
"Sandali lang at papuntahin ko dito ang family doktor n'yo. Para matingnan ka."
Tatalikod na sana ito. Pero hinawakan ko ang kan'yang mga kamay at lumuhod sa harapan nito. Hinawakan ko ang mga hita nito na halata naman na batak ito sa ehersisyo.
"Señorita, ano pong ginagawa n'yo?'.
Kinakabahan na tanong nito na tumingin pa sa bandang pinto.
"Tumayo na po kayo! Baka makita tayo ng mommy n'yo!"
Umiling Ako at hinawakan ng mahigpit ang mga hita nito.
"Hindi ako tatayo dito. Hangga't hindi ka mangangako sa akin na tutulungan mo akong makatakas dito."
"Señorita, hindi po maari ang gusto n'yo na mangyari. At please lang h'wag mo akong torturin ng ganito?"
"Bakit tinu-torture ba kita?"
Ramdam ko ang buntong hininga nito.
"Tigilan n'yo na po ito."
Hinawakan nito ang mga kamay ko at pinilit na inalis mula sa pagkakahawak ko sa kan'yang mga hita.
May kinuha ito mula sa kan'yang bulsa.
"Ano 'yan?"
"Ito lang ang tanging paraan Señorita,para hindi mo kami matakasan pa."
Sabi nito at tatayo na sana Ako para umilag. Pero huli na. Dahil naiturok na nito sa balikat ko ang kung anuman na gamot.
"Anong ginawa mo sa akin?"
Mahinang tanong ko pa. Dahil nakakaramdam na ako ng unti-unti!# panghihina.
"Pampatulog sa in'yo Señorita."
Sagot nito na huli kong narinig bago tuluyan na nanlabo ang aking paningin.
****************
THIRD PERSON POV:
"Anong nangyayari dito?"
Tanong ng isa sa mga tauhan ni mr. Mondragon.
"Kinailangan ko s'ya na turukan ng pampatulog."
Sagot ni Neil ang isa sa pinagkakatiwalaan na tauhan ng mga Mondragon. Matagal ng naninilbihan ang ama n'ya sa mga ito. At malaki ang utang na loob n'ya. Dahil sa mga ito ay nakapagtapos s'ya ng pag-aaral.
"Hindi ka na nasanay sa kan'ya. Palagi naman s'yang gumagawa ng paraan para lang makatakas dito."
"Nakaka-awa man. Pero wala tayong magagawa. Sumusunod lang naman tayo sa utos.
"Tama! Mahirap na ang madamay. Ang mga magulang n'ya naman ay gumagawa lang ng hakbang para mapabuti din s'ya."
"Tama ka Tay."
Wika ni Neil sa kan'yang ama na s'yang nakakita ng sitwasyon ni MARIKIT nasa kama ito at malalim na ang paghinga. Tanda na nakatulog na nga ito.
"Halika na iwan na muna natin s'ya dito."
"Sa labas lang ako Tay, mas mabuti ng maging alerto. Malala pa naman ang Señorita sa diskarte. Kaya tiyak akong kapag nagising ito ay gagawa na naman s'ya ng paraan para makatakas."
"Sige, kukuha na lang ako ng makakain mo. Uuwi din ako mamaya."
"Opo,pakisabi na lang kay inay na sa makalawa na pa ho makakauwi."
Tinapik naman ng kan'yang Itay ang balikat nito. "Alam ko na hindi madali para sa'yo ang trabaho mo. Sayo Ipinagkatiwala ang anak ng boss natin. At sa tuwing nakakatakas s'ya. Ikaw ang higit na nahihirapan. Mabuti ang kan'yang mga magulang sa atin. Kaya sana kahit anong mangyari ay manatili ang katapatan mo anak."
"Naiintindihan ko po."
Magalang na sagot ng binata sa kan'yang Itay.
"Bantayan mo na s'ya."
UMALIS na ito at nagpunta sa kusina. Si Neil naman ay naupo na lang sa labas ng pinto ng kwarto ng dalagang amo.