CHAPTER:3

1000 Words
"HMMM!" Ungol ko dahil may nararamdaman ako na tila ba may humahalik sa aking leeg. Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Dahil gusto ko ang ginagawa n'ya at hindi ko ito kayang itanggi. Para bang nawawala Ako sa aking sarili. Nagpatuloy ito sa kan'yang paghalik sa aking balat. Habang nararamdaman ko din ang bahagyang paglamas nito sa aking dibdib. Sa simula ay banayad lamang. Pero habang tumatagal ay tila ba pinanggigilan n'ya na ito. Pababa ito ng pababa. At bawat madadaanan ng kan'yang mga labi ay para bang tila may ibang init na dala sa akin. Hindi ko maintindihan kung totoo ba itong mga nangyayari sa akin. Pero imbes na pigilan ito ay hinayaan ko lang s'ya. Nang makarating ito sa gitnang hita ko ay dito na ako napamulat. Hindi ko s'ya maaninag. At walang sabi na hinila nito paibaba ang aking panty na suot. Bigla ko tuloy naisip na halos lawlaw na ang panty ko. Pero hindi pa ako nakakapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdila nito ng dahan-dahan sa aking p********e. "Ohhh!" Ungol ko na aking hindi na napigilan. Wala akong karanasan sa ganito. Kaya hindi ko akalain na ganito pala kasarap ang kainin. Ito kasi ang palagi ko na naririnig sa mga babaeng nag-aalok ng aliw. Hanggang sa naramdaman ko na ang kan'yang dila sa loob ng aking p********e. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa bedsheet ng kama. "Ahhh! Ang sarap!" Sabi ko na nawala na ang hiya. "Alelie! Alelie!" Nasa rurok na sana ako ng may biglang yumugyog ng malakas sa akin. Napamulat ako ng aking mga mata. Napatingin sa aking paligid. Kahit na medyo malabo pa ang aking paningin. "s**t! Panaginip lang ang lahat!" Kausap ko pa sa aking sarili. "Bakit umuungol ka?" Hindi ko alam kung galit ba ang babaeng ito sa akin. Pero nakakahiya talaga. Lalo pa at ramdam ko ngayon ang panlalagkit ng aking kepyas. Para naman kasing totoo ang nangyayare kanina sa panaginip ko. "H'wag mo akong tulalaan d'yan! Anong nangyari sa'yo? Bakit nahuli ka ulit? Hindi ba ang sabi ko sa'yo anak na h'wag na h'wag ka ng nagpapahuli sa mga tauhan ng daddy mo. Kaya nga tinulungan na kitang makatakas. Pero ngayon ay mukhang malabo ka ng makaalis dito. Parehas na tayong malilintikan sa daddy mo." Hindi ko maintindihan ang kan'yang sinasabi. Dahil hindi naman ako ang tunay na anak n'ya. At base sa sinabi nito ay s'ya ang tumulong sa anak n'ya na ipinagtataka ko. Samantalang kanina ay s'ya pa ang nag-utos sa mga tauhan ng asawa n'ya na dalhin ako dito sa kwatong ito na sobrang ganda talaga. Pero kahit anong ganda nito. Hindi ko pa din gugustuhin na tumira dito. Parang kaya tumatakas ang anak nila ay baka nasasakal na sa kan'yang mga magulang. "Ma'am, ilang beses ko din po na sasabihin sa in'yo na hindi po Alelie ang pangalan ko. Ako po si Maria Kitchie Ibias (MARIKIT) po ang tawag sa akin ng mga taong malapit sa akin." Muling sabi ko dito. Kahit na med'yo ramdam ko pa ang sarap na nararamdaman ko kanina sa aking panaginip. Kung hindi lang sana ako nito tinawag ay baka ngayon ay narating ko na ang sinasabi nilang langit. Napaupo na ako ng maayos sa kama. Iniisip ko din. Ano kaya ang iniisip nito kanina habang umuungol ako. "Sandali nga!" Sabi nito at nagpunta sa may bandang likod ko. Hinawi nito ang aking mahabang buhok. "Ahh!" Ingit ko. Dahil bigla nitong hinila ang buhok ko. "Tunay ang mahabang buhok mo?" "Opo! Bakit ba pati buhok ko ay pinagtritripan n'yo?" Sagot ko dito na patanong din. Parang sapak pa ata ang babaeng ito. Kung hindi lang ako pinalaki ng maayos ng aking mga magulang ay baka kung anu na ang nagawa ko at nasabi ko sa kan'ya. Kaya lang ang palagi kasing bilin sa akin ng mga magulang ko ay palaging magpakumbaba. Kahit na inis na inis ka na ay h'wag papatol. P'wera na lang kung sumusobra na talaga. Doon nga sa lang sa lugar namin ay marami ang mga tsismosa. Kaliwa't kanan ay may mga nagkukumpulan para lang pag-usapan ang buhay ng iba. Ganoon sila. Pero ang mga magulang ko ay iba sa kanila. Kaya lang si Itay ay kinuha na sa amin. Hindi naman ito sumagot sa tanong ko sa kan'ya. May tinitingnan pa s'ya sa likod ko. "Nasaan ang balat mo?" "Anong balat po ang sinasabi n'yo d'yan?" "Yung balat mo?" "Wala nga po akong balat! Meron po pero hindi d'yan sa balikat ku'ndi dito sa may bandang pepe ko." Sagot ko sa kan'ya. "Kung ganoon ay hindi ka talaga si Alelie!" "Hindi nga po. Kaya nga ilang ulit ko na din na pinapaliwanag sa inyo na hindi ako ang Alelie na hinahanap n'yo ng inyong asawa. Please lang po gusto ko ng umalis dito. Uuwi na po ako sa amin." Pakiusap ko dito. Dahil parang naniniwala na ito na hindi ako ang anak nila. Kailangan ko lang ay mas kumbinsihin pa s'ya. "Hindi peke ang buhok mo. Wala ang balat mo sa balikat. At ang kutis mo." Sandali itong natigilan. "Ang kutis ko po ay hindi makinis. Hindi kagaya ng sa in'yong anak na tiyak akong mala-porcelana." Ako na ang nagdugtong ng sasabihin nito. Sa way naman kasi ng tingin n'ya ay parang nandidiri pa nga ito sa akin. Hindi naman talaga ganito ang kulay ng balat. Sad'yang sunog na sunog lang sa araw. Hindi naman kasi USO sa akin ang skincare. Okay na sa akin ang mga sapal ng n'yog para gawin na lotion. Hinihingi ko pa nga sa palengke. Kaya kahit paano ay makinis naman ako. Ang mukha ko ay wala din naman mga tigidig. Makinis ito hindi nga lang maputi. "Okay! Kung hindi ikaw ang anak ko. Nasaan s'ya?" "Aba! Malay ko po sa anak mo." "Hija, maari ba na humingi ako ng pabor sa'yo?" Sa tono ng boses nito ay maawa ka. Dahil parang desperada na ito. Hindi ko pa man naririnig ang kan'yang sasabihin ay kinakabahan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD