“OH, HIJA, blooming ka? I wonder why…?” Puna ng ina ni Lorraine sa maluwang niyang ngiti. “Of course. I'm in love,” sagot niya. Mamayang hapon ang dating ni Dylan mula sa New York at plano niya itong sorpresahin. Siya ang sasalubong sa binata imbes na si Charlie. Nagkatinginan ang mga magulang niya. “Just don’t smile like that when you’re alone, lalo na sa office. Baka mapagkamalan ka nilang nasisiraan ng bait,” anang ama niya na sinamahan pa ng ngiwi. “Dad!” Natawa naman ng malakas ang ina niya. “Siya nga pala, tinawagan ako ni Dylan kagabi. Hmm, nagyaya ngayong weekend sa Batangas.” Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam ang bagay na iyon. N

