SUBALIT MALI pala na pinagbigyan niya ang sarili niya dahil ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon. Katulad nga ng sinabi niya, his arms is where she wanted to be…forever. Agad pumuno sa dibdib niya ang kagustuhang ipaglaban ang nararamdaman niya sa binata dahil napagtanto niya na hindi na babalik sa normal ang buhay niya sa sandaling pinakawalan niya ito. Marahang inihiwalay ni Dylan ang katawan niya mula rito. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya at maingat na pinahid ang mga bakas ng luha. Ang mga mata nito ay puno na naman ng emosyon. Nakasungaw sa mga mata nito ang klase ng emosyon na ang akala niya pagmamahal. At gusto na naman niyang maiyak dahil roon. “I love you.” Pabulong na wika nito subalit mali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


